88

355 19 0
                                    


Kim Dahyun is calling...
Accept | Decline

jimin

"bakit tumatawag si dahyun sa gantong oras?"

mahinahon kong kinuha yung cellphone ko sa mesa at tiningnan ang iilang missed calls sa contacts ko, lahat galing kay dahyun.
naalala ko yung nangyari kaninang hapon. pumikit ulit ako at pilit na matulog ulit nang tumunog nanaman yung phone ko.

napaupo ako sa kama ko habang inaayos ko yung buhok ko. lumigon ako sa orasan at napansin kong 9:00 palang. akala ko maga-12 na.

Kim Dahyun is calling...
Accept | Decline

binuksan ko yung phone ko at nakita kong 26 missed calls na pala galing sakanya. ewan ko ba at wala akong ganang makipag-usap sa iba ngayon. wala lang ako sa mood. masakit pa yung ulo ko pagkatapos kong isip-isipan yung pag-amin ko sakanya kanina.

"matutu---"

naputol yung pagsasalita ko nang narinig ko yung boses ni dahyun. wtf! ano to? paranormal activity?! nandito ba si dahyun sa kwarto ko?! napalingon-lingon naman ako sa paligid ko nang nakita kong umiilaw yung phone ko.

lumapit naman ako at nakita kong may voicemail pala. rinig na rinig ko yung boses ni dahyun. umupo lang ako sa gilid ng kama at pinakinggan ko yung voice mail ni dahyun.

"um.. hello? nandyan ka ba? siguro, tulog ka na."

napangiti nalang ako sa boses ni dahyun. wala lang, siguro kinakailangan ko lang pakinggan yung boses niya ngayon.

"sorry kung nakakaistorbo ako. okay ka lang ba?"

habang nakikinig ay tumatango naman ako na parang kausap ko siya na nakangiti.

"sige uhh. kung hindi, sige pahinga ka muna ngayon. at tsaka kung oo, pwede ba tayong magkita?"

napatigil naman ako sa kakatango nang narinig kong gusto niya akong makita ngayon.

"may sasabihin din sana ako. pwede ka ba ngayon? magkita tayo sa dating tagpuan natin, at sa dating oras din."

nanlaki naman ang mga mata ko at tiningnan ko ulit yung orasan. 9:15. putangina! tiningnan ko kung anong oras ba yung mga nakaraang missed calls niya at kanina pa palang 7:00.

"sige jimin. i miss you.."

tumalon naman ako paalis sa kama ko at nagpalit ng suot. shit, baka wala na si dahyun doon. kung 7:00 pa yung mga missed calls niya, edi kanina pa siya naghihintay sakin? putangina, ayaw pa naman ni dahyun ng pinaghihintay siya. baka wala na siya dun!

naayos ko na yung suot ko at lumabas na ng bahay. buti nga tulog na sina mama sa ngayong oras. huminga muna ako ng malalim at nagsimula nang tumakbo papunta sa park.

"dahyun.. sana nandyan ka pa."

wrong move / k.dh & p.jm Where stories live. Discover now