82

366 14 0
                                    


jimin

"san ka nanaman pupunta hah, bakla! balik ka dito" sabi ni taehyung kay seokjin. nag-aaway nanaman sila dahil natalo si seokjin sa pinaglalaro nila na "uno".

"tangina kase, ang daya! ano ba. ako nga nauna eh!" pangungulit ni seokjin at pinagkakampihan ng iba si taehyung. naiwang mag-isa si seokjin na pinaglalaban yung card niya.

"mga gago talaga kayo." pabulong na sabi ni seokjin. nagtawanan nalang silang lahat. ako? hindi ako marunong maglaro niyan kaya nasa katabi lang ako taehyung, pinapanood ko lang siya kung paano maglaro.

habang naglalaro sila ay may narinig akong mga ingay ng babae sa labas ng room namin. napatingin naman ako sa labas at nakita kong may nagkukumpulan na grupo ng mga babae sa harapan ng room namin.

teka, pamilyar sila.

"yey! nandito ka na rin!"

"namiss ka namin ng sobra!"

"okay ka na ba talaga?"

"kamusta ka na, dahyun?"

bumilis naman ang tibok ng puso ko nang narinig ko ang pangalang iyon. nakatingin lang ako sa labas ng room at sa muli ay nasilayan ko na ang kanyang mukha.

ang ganda niya pa rin, pero mas gumanda siya lalo ngayon.

napangiti nalang ako nang nakita ko siya at tuwang-tuwa siya habang nakikipag-usap siya sa kanyang mga kaibigan. tawa siya ng tawa, at mas lumaki ang kanyang mga ngiti. napansin kong medyo pumayat siya ng kaunti.

"sinong tinitingnan mo hah, jimin?" nagulat naman ako kay hoseok. ang lapit pala ng mukha niya saakin tapos parang isinusunod niya yung mata ko na kung saan man ako nakatingin.

"w-wala." sabi ko at ibinaling ko yung tingin ko sa mga cards. tumawa naman si hoseok, at may ibinulong siya sa tenga ko. medyo nakiliti ako, pero ayokong ipakita. baka sabihin nilang bakla ako.

"alam kong si dahyun yung tinitingnan mo sa labas, sino pa ba?"

napatingin naman ako kay hoseok at binigyan ko siya ng, "shhh-wag-kang-maingay-hah" na tingin. pinipilit pa rin ni hoseok na huwag tumawa o ngumiti.

"gusto mo siyang kausapin diba?" sabi ni hoseok.

"hoy, ano yan!" sigaw ni taehyung. "anong pinag-uusapan niyo, hah." bigla ko namang nasampal yung bibig ni hoseok at napa-aray naman siya sa nagawa ko.

"wala!" sabi ko. dinedma ko nalang at tinitigan ako ni hoseok ng masama. naniwala naman sila sa sinabi ko at nagpatuloy ulit sila sa nilalaro nila. kinurot naman ako ni hoseok sa may braso ko.

habang naglalaro sila ay napatingin ulit ako kay dahyun.

tama, kailangan ko na siyang kausapin, para hindi pa huli ang lahat.

wrong move / k.dh & p.jm Where stories live. Discover now