CHAPTER TEN

433 14 0
                                    


SAYANG ayon agad ang pumasok sa aking isipan habang ako ay nakaupo at nakain sakanilang lamesa,ayon na eh muntik na konting konti nalang argh! Nakakaluko pala yon.

"Masarap ba Jack?" Tanong ng ina nito.

"Opo ma'am masarap po." Sagot niya kahit sa tanang buhay niya ngayon palang siya nakakain ng tuyo(tawag nila don) with fried rice tapos katambal non ang mainit na kape.

"Mama nalang tawag mo sa'kin anak,tutal asawa ka naman ni Reigna." Usal nito.

"Opo mama." Napangiti siya.

"Mangangahoy nga pala ako mamaya para panggatong.Jack pwepwede mo baga akong samahan?" Sabad ng ama ni Reigna.

Kumunot ang noo niya."Ah eh papa ano po ba yon?" Walang kahiya hiyang tawag niya sa ama ni Reigna.

"Nako! iba talaga paglaking mayaman walang alam pagdating sa mga ganitong bagay,tuturuan kita mamaya."

"Osige po papa," Naeeksayt niyang wika.

Natapos na kaming mag agahan ng naghanda na ang ama ni Reigna upang mangahoy may dala itong itak pangtaga ng mga kahoy,pinahiram din niya ako ng lumang kasuotan para daw hindi madumihan yung mga suot ko at mukha daw mahal at  branded pa,sabi ko okay lang pero nagpumilit pa rin ito kaya pumayag na rin ako.

"Naks ang gwapo natin ah kuya." Puna ni Rarlk kapatid ni Reigna.

"Syempre naman." Ngumuti ako.

"Osya na,pumaroon kana ingat ka don ah madaming ligaw na hayop don sigurado." Reigna said.

"Okay lang love,sa macho kong ito ako bahala." Pagmamayabang ko.

"Ayan ka na naman sa kahambugan mo! Sige na tawag kana ni papa." Natatawa nitong wika.

"Bye lovee," Hinalikan ko siya sa noo.

Lumabas na ako ng bahay nila kasama ang ama ni Reigna.Tinanaw naman nila kami mula sa malayo.

TIRIK NA TIRIK ang araw habang nagpuputol ng mga tumbang puno ang ama ni Reigna sabi nito sakin ako nalang daw ang magdala tapos mag ipon ng mga kahoy at ginawa ko naman iyong pinag uutos niya,buti na lamang at may saklob kaming dalwa kahit pano may panangga kami sa init ng araw.

"Okay napo papa,madami dami na rin." Sigaw ko rito nasa malayo kasi ito.

"Oo nga ayos na yan tara na," yaya nito.

Binuhat ko ang naipon naming kahoy pinasan ko ito sa likod ko akala ko magaan lang pero fuck ang bigat.

"Okay ka lang ba iho?" Wika nito.

"Okay lang po pa," Kahit ang totoo'y masakit na ang aking likod sa bigat ng mga kahoy.

Malayo layo ang nilakad namin ng may madaanan kami ng puno ng mangga malaking puno iyon at hitik na hitik sa bunga.

"Pa?Kuha muna tayo pasalubong po natin sa kanila?" Aya ko.

"Sige iho,tara pero hindi ako marunong umakyat ng puno eh." Kamot ulo nitong wika.

"Ako pong bahala,ako napo ang aakyat."

Sinimulan kong akyatin ang puno ng mangga madali lang to' nung bata nga ako eh naakyat ako sa tree house ko ng hindi nalalaman ni mom.

Pinanguha ko ang mga bungang aking nakikita,kumuha naman ng dahon ng saging ang ama ni Reigna para don ibalot ang napanguha niya.

   BALISA  naman si Reigna habang naghuhugas ng pinggan,alam niyang hindi sanay ng ganon si Jack,anak mayaman ito baka kung mapano ito doon at masugatan pa.

"Anak magtiwala ka sa asawa mo halatang determinado eh." Biglang pasok ng kanyang ina at kinuha at nahugasan niyang pinggan upang punasan at tuyuin.

"P-pero ma?" Kastigo niya.

"Ma,ate? Andito na sina Kuya Jack!" Sigaw ng kanyang bunsong kapatid.

Dali dali siyang nagpunas ng kamay at lumabas ng bahay.

Binalibag naman ni Jack ang mga kahoy na dala dala niya halatang pagod na pagod ito dahil sa pamumula,mestisong mestiso.Hindi manlang nangitim.

Kumuha siya ng tubig sa kusina at saka binigay sa dalwa.

Nagtatawanan si Jack at ang ama niya halatang close na close eh,nung una naman parang ayaw ng ama niya rito.

"Jack okay ka lang?"

"Oo naman," Ngumiti ito kahit namamawis mawis pa habang tiniik ang tubig na bigay ko."May pasalubong ako sayo."

Inabot nito saken ang nakabalot sa dahon ng saging binuksan ko kaagad yon at natakam ako sa nakita ko, Mangga yon at paborito niya iyon.Hindi man siya makaalala pero sa mga pagkain familiar siya sa mga gusto niya.

"Salamat Jack." Malapad ang ngiti nito.

"Walang ano man Rei,"

"Osya Ricardo magpahinga na kayo may hinanda ako dung pananghalian nyong dalwa." Wika ng ina niya.

Biglang kumulo ang tyan ni Jack.

"Oo nga po gutom na din ako eh." At napahawak ito sakanyang tyan.

Nagtawanan ang pamilya ko sa senaryong iyon ni Jack.

BUSOG NA BUSOG si Jack sa hinayin sakanya ng aking ina,ginataang langka ang pananghalian nila at natutuwa naman ako dahil don dahil mukhang nag eenjoy siya at  nagugustahan niya dito,maski ako kahit hindi ko maalala ang lugar na ito may parte sa aking puso ang malaki ang puwang nito.

"Ang sarap kumain lalo na pag nakakamay." Umupo ito sa tabi ko nasa ilalim kami ng puno pahingahan.

"Oo at first time mo yon,kasi tinuruan ka ni papa eh." Sagot ko.

"Rei,i really really like your family masasaya sila kasama." He sincerely said.

"Aba syempre napalapit nga agad ako sakanila kahit wala akong matandaang aalala na meron ako kasama sila." Malungkot kong sagot.

"Rei? Pag nagsinungaling ba ako papatawadin moba ako?" He said out of nowhere.

"Depende sa kasalanang ginawa mo pero para sakin lahat tayo nagkakamali at sa bandang huli kailangan din nating magpatawad para sa mga mahal natin para hindi masakit sa kalooban kung diyos nga nagawa tayong patawadin ako, na tao pa kaya." I said while smiling.

Nag iwas ito ng tingin sa'kin."Bakit Jack nagsinungaling kaba sakin?" I ask him.

"Hindi Rei,tinatanong ko lang baka kasi ako makagawa ng mga bagay na hindi maganda,ayoko lang naman kasi na mawala ka sakin." Humalukipkip nitong wika.

"Ano ka ba Jack? Masyado ka namang seryoso hindi ako sanay ng ganyan ka?" Biro ko.

Ngumiti lang ito sakin,hindi ko alam kung ngiting masaya yon o malungkot ang hirap ipaliwanag ng ekspresyon niya lalo pa't hindi ko masyadong kilala ang pagkatao niya kahit na asawa ko pa siya.



A/N:ASDFGHJKL

WAKE UP WITH AMNESIA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon