Facebook Notification: Leonard Joshua Ramirez wants to be your friend.
OMG! Nabuhay ang lalaking ito ah! Ang tagal na nang huli naming pagkikita. Mai-add nga.
1 Message Received
Leonard Joshua: "Musta?"
Harriet Nicole: "Eto, ok lang. Kaw?"
Leonard Joshua: "Ayos lang din."
Harriet Nicole: "Asan ka ba ngayon? Tagal mo nang di nagpaparamdam sa tropa ah!"
Leonard Joshua: "Ah, dito pa rin ako sa earth. Hahahaha"
Harriet Nicole: "Ayos ka pa rin kausap noh?!"
Leonard Joshua: "Eto naman. Andito ako sa Laguna."
Harriet Nicole: "Owws?! Bakit di man lang tayo nagkakasalubong?"
Leonard Joshua: "Oo nga noh! Minsan kaya, nadaan ako sa tapat ng bahay nyo, hindi kita nakikita."
Harriet Nicole: "Ganun ba? Sana hinahanap mo ako sa 'min!"
Leonard Joshua: "Nakakahiya kaya!"
Harriet Nicole: "Wow ha! Nahihiya ka pa nyan eh samantalang nung high school tayo eh tambayan nyo tong bahay namin! Hehe"
Leonard Joshua: "Sorry naman po! :("
Harriet Nicole: "Ano ka ba?! Ok lang. Bakit kasi di ka nagpaparamdam sa 'min eh andito ka lang din pala sa Laguna?"
Leonard Joshua: "Eh kasi, nakakapagtampo ginawa nyo sa 'kin! Pinaghintay nyo kaya ako ng matagal dati. Swimming pala ha pero di naman natuloy!"
FLASHBACK
"Hey gurl! Tara naman mag-get together. Plan namin ni Gab na out-of-town na lang! Gora na! Itext mo na lang din yung iba, wala na kasi akong no. nila eh." excited na tawag ni Andrei.
"Ok. I'm gonna text na lang Josh. Sino-sino na nagreply sa'yo?" I answered.
"Wala pa nga eh. Itext mo nga din sila. Alam ko naman na may no. ka nilang lahat. Thanks, gurl"
"Oo na. Kayo talaga, masyadong biglaan mag-sched. Kakikita-kita lang natin nung isang araw eh."
"Eh hindi naman tayo nakumpleto nun. Syempre, mas maganda kung out-of-town naman. So 'high school' naman ang tambay chenes na 'yan"
"Luka ka talaga, Bakla. Okay, fine! I'm gonna tell everybody. Pagbigyan na nga kayo at once pa lang tayo nagkita-kita after three years."
At isa-isa ko nang tinext ang mga kabarkada ko.
"Sige. Sama ako dyan. Pakisabi sa kanila na kita-kita na lang sa SM." sagot ni Josh.
- - - - - - - - - -
** When it's not alright, when it's not ok
Will you try to make me feel better
When you say alright, when you say ok
Will you stick with me through whatever **
BINABASA MO ANG
Friend of Mine (Unfinished)
Teen FictionPinaka-mahirap? Ang ma-inlove sa best friend mo. Bakit? Kasi kailangan mong tikisin ang nararamdaman mo dahil ayaw mong masira ang friendship nyo. Wala ka ring karapatang magselos dahil kaibigan ka lang niya. Ang sakit kayang makita mo siyang may ka...