Heto ako naghihintay sa text ng boyfriend ko. Sabi niya magbabakasyon lang daw pamilya nila sa isang island. Hindi daw niya ako matatawagan o mate-text dahil mahina ang signal doon.
Dalawang linggo na akong naghihintay pero wala pa rin akong natatanggap na tawag. Ano na kaya nangyayari sa kanya? Nag-aalala na ako eh.
Ang hirap talaga kapag LDR (Long Distance Relationship).
Paano kami nagkakilala? Ganito kasi iyon...
FLASHBACK
Magkasama kami ni Aldren sa isang company.
Nag-resign siya kasi kailangan niyang pamahalaan ang family business nila sa Quezon. May palaisdaan sila doon.
Isang araw, nag-text siya sa akin at nangungumusta. Ayun, naging constant textmate ko siya.
Napag-alaman ko din na nag-break na pala sila ng girlfriend niya.
Isang araw, tinanong niya ako kung pwede ba siyang manligaw. Ako naman, hindi ko alam isasagot ko. Alam nyo kung bakit?
Actually, NBSB (No Boyfriend Since Birth) ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagbo-boyfriend.
Maganda naman DAW ako sabi nila. Kamukha ko nga daw si Katrina Halili eh.
Ah, alam ko na! May crush kasi ako nung high school ako (si Matthew) and siguro, umasa ako na baka sakali maging kami kaya kapag halimbawa may nagpaparamdam sa akin na gusto akong ligawan eh iniiwasan ko na or binabara ko na.
Well, naka-move on na ako sa lalaking iyon. Natanggap ko na na hindi talaga kami ang para sa isa't isa.
So, eto na nga. Dahil komportable naman akong ka-text siya, pumayag akong ligawan niya.
Nasa isip ko din na para ma-experience ko naman kung ano ang pakiramdam ng may boyfriend.
After two months ng panliligaw, sinagot ko na siya.
END OF FLASHBACK
- - - - - - - - - -
Makapagbukas na nga lang ng Facebook.
Uy! Online siya. Mai-chat nga...
Harriet Nicole: "Hey! Musta na? Nakauwi na kayo?"
After 3 minutes, no answer.
Harriet Nicole: "Bakit di ka sumasagot? Ano ba nangyayari sa'yo?"
Wala pa ring sagot. Nakakainis na!
Harriet Nicole: "Galit ka ba? Bakit ayaw mo ako kausapin?"
Aldren is typing... (Sa wakas at magre-reply na din siya.)
Aldren: "Sorry, Miss. Hindi po ako si Aldren. Friend niya po 'to."
Harriet Nicole: "Ah, bakit po ikaw ang gumagamit? Asan na po siya? Nakauwi na po ba siya galing sa island?"
Aldren: "Hindi pa po siya nakakabalik dito. Ang alam ko po mga one month pa sila doon eh."
Harriet Nicole: "Ha? Sabi niya kasi sa 'kin eh mga two weeks lang daw sila doon. Andun pa din ba family niya?"
Aldren: "Nope! Siya lang po pumunta dun pati yung friend niya. Ah, sige po! Log-out na po ako ha."
Harriet Nicole: "Ok po. Ikumusta mo na lang po ako sa kanya ha."
Ano ba yan? Nakakainis naman! Bakit hindi niya sa akin sinabi na magtatagal siya doon? At saka, bakit hindi niya sinabi na hindi niya pala kasama ang family niya.
Sino kaya yung nagre-reply sa 'kin? Di ko pala natanong yung pangalan niya.
Matawagan kaya siya. Baka naman makasagap siya ng signal. Nag-aalala talaga ako eh.
Calling Aldren...
Riiiiiiiing... Toot-toot-toot...
Hala! Bakit nagbi-busy? Binababa ba niya o wala lang talagang signal doon kaya napuputol?
Hmp! Nakaka-stress pala pag ganito!
BINABASA MO ANG
Friend of Mine (Unfinished)
Fiksi RemajaPinaka-mahirap? Ang ma-inlove sa best friend mo. Bakit? Kasi kailangan mong tikisin ang nararamdaman mo dahil ayaw mong masira ang friendship nyo. Wala ka ring karapatang magselos dahil kaibigan ka lang niya. Ang sakit kayang makita mo siyang may ka...