"Class, don't forget to check out Kabalikat Club ha. Class, dismissed." paalam ni Ms. Hernandez.
"Goodbye and thank you, Ms. Hernandez." paalam din namin sa kanya.
- - - - - - - - - -
"Guys, saang org tayo sasali?" tanong ni Maggie.
"Hmm. Tara join tayo sa Entablado!" sabi ni Jazz.
"Sige, join ako dyan." sabi ko.
"Ako din." segunda ni Belle.
"Sali din ako. Ano ang iau-audition nyo dun?" tanong ni Maggie.
"Ako kasi sa Dance ako." sabi ko.
"Ako sa Voice sasali." sabi ni Belle.
"Tamang-tama! Ako din sa Voice sasali." sagot ni Jazz.
"Ako kasi sa Actor's Guild." sabi naman ni Maggie.
"Eh kayong tatlong lalaki? Saan kayo sasali?" tanong ni Belle.
"Kami ni Gab eh sasali sa Fashion and Arts Club." sabi ni Andrei.
"Malamang ako eh sa Computer Society. Balita ko kasi eh madaming gamers ang kasali dun." sagot naman ni Josh.
"Ikaw talaga! Basta computer games, go na go ka eh!" sabi ko.
"Siyempre dun na ako kung saan interesado ako." sabi naman ni Josh.
"Oo na. O siya, punta na kami sa Entablado. Mamaya nga pala, pupunta ako sa Kabalikat. Gusto ko ding mag-join dun." paalam ko sa kanila.
"Harriet, pupunta din kami ni Andrei dun sa Kabalikat. Kita-kits na lang ha." paalam din ni Gab sa amin.
- - - - - - - - - -
"Good afternoon po, Ms. Perez! Gusto po sana naming mag-audition." bati ni Maggie.
"Sure! Dahil bagong bukas lang naman ang school natin, kailangan ko talaga ng magagaling na members." masiglang bati ng adviser ng Entablado Club.
"Kailangan po ba na mamili kami ng isa para sa audition?" tanong ni Belle.
"Hindi naman. Pwede naman kayo mag-audition sa Dance, Voice and Actor's. Tapos, post ko na lang tomorrow kung nakapasa kayo or hindi." paliwanag ni Ms. Perez.
At nag-start na kami mag-audition. Syempre, nag-audition na ako para sa tatlo. Sayang naman kung sa Dance lang ako mapasok kung pwede rin naman sa Voice and Actor's.
"Ok, girls! Wag nyo nang hintayin ang post ko tomorrow. Sinasabi ko sa inyo na pasok na kayo sa club." balita ni Ms. Perez.
"Ayos! Galing naman!" tuwang-tuwang sabi ni Maggie.
"Ok, girls! Punta na ako sa Kabalikat ha. Kita-kita na lang tomorrow." paalam ko sa kanila.
"Ok, girl. Bukas na lang ulit." paalam nila.
- - - - - - - - - -
"Good afternoon, Ms. Hernandez. Sasali po sana ako sa Kabalikat." bati ko sa adviser ng Kabalikat.
"Sige, pasok ka Harriet. Buti naman at merong gustong sumali from my class." masayang sabi ni Ms. Hernandez.
"Pwede nyo po ba akong bigyan ng background ng org na 'to?" tanong ko sa kanya.
"Itong org na ito ay nag-oorganize ng mga community services. Minsan, pupunta tayo sa mga isolated areas para magbigay ng tulong."
"Ayos po pala 'tong org na 'to. Sige po, sasali na po ako."
"Good! O sige, pasok ka na dito at mag-start na ang botohan ng mga officers."
"Girl, dito ka maupo sa tabi namin." tawag sa 'kin ni Gab.
At nagsimula na ang botohan.
"Nominations for the position of Vice President is now open." pahayag ni Ms. Hernandez.
"I nominate Harriet Nicole Mendez for the position of Vice President."
Napalingon ako sa nagsalita.
"Uy, Josh! Sumali ka din dito?" gulat kong tanong sa kanya.
"Oo naman. Masaya daw dito. At saka, andito ka este kayo." sagot ni Josh.
"Who are in-favor of Harriet?" narinig ko na lang sabi ni Ms. Hernandez.
At nagtaasan na kami ng kamay.
Wow! Landslide victory. Akalain mo nga naman ang swerte. :D
- - - - - - - - - -
"Bye, guys! Uwi na kami ni Andrei. Una na kami ha." paalam ni Gab.
"Josh, ikaw na bahala kay Harriet ha." sabi naman ni Andrei.
"Oo naman. Bye, guys! Ingat kayo pag-uwi." paalam ni Josh sa dalawa.
"Tara, Josh. Kain muna tayo. Gutom na ako eh." yaya ko.
"Basta ba libre mo eh. Daan tayo ng mall?" tuwang-tuwang sabi ni Josh.
"Libre ko talaga?" tanong ko. Pero, syempre willing naman akong manlibre.
"Joke lang. At dahil nanalo kang Vice President, ililibre kita."
"Wow! Thanks, Josh."
BINABASA MO ANG
Friend of Mine (Unfinished)
Teen FictionPinaka-mahirap? Ang ma-inlove sa best friend mo. Bakit? Kasi kailangan mong tikisin ang nararamdaman mo dahil ayaw mong masira ang friendship nyo. Wala ka ring karapatang magselos dahil kaibigan ka lang niya. Ang sakit kayang makita mo siyang may ka...