“Hey guys! Wake up, sleepyheads. I have something to say. Para naman maging exciting ang pag-stay natin dito sa province, I have prepared something exciting. Amazing race.” masayang sabi ni Ysabelle.
“Ayos ah. Gusto ko yan!” sabi ni Jazz.
“There will be 2 teams, RED and BLUE, 3 persons in each team. Since I’m the one who prepared this game, I am not included in the race. Bunot na kayo kung sino-sino ang magkakakampi.
RED TEAM: Jazz, Marcel, Maggie
BLUE TEAM: Harriet, Josh, Re
“Ok, guys! Get ready. By 8:00 AM, magstart na tayo.” sabi ni Ysabelle.
- - - - - - - - - -
“Every venue, may makikita kayong dalawang mailbox (one for red team and one for blue team). Doon nakalagay ang instructions and objectives ng bawat mission. Yung clue para sa susunod na mission pati na ang susi ng mailbox ay nakalagay sa treasure chest na bubukas lamang kapag successful ang mission. Let the Amazing Race begins! Here is your first clue. Wag muna bubuksan hangga’t hindi nakikita ang susi.”
Inabot sa amin ni Ysabelle ang clue at ang susi ay inihagis nya sa may garden nila.
Sa laki ng garden nila, nahirapan kaming hanapin ang susi.
After 3 minutes, nakuha namin ang susi at dali-dali naming binuksan ang first clue.
Nakita naming ang kabilang group hirap na hirap pa sa paghahanap.
Paano ba naman sa may talahiban yata inihagis yung susi?! Lolz!
First Clue: swimming pool
“Guys, ayun yung mailbox.” Agad naming pinuntahan ang mailbox.
First Mission: “Member A: Kunin ang basket sa may tabi ng mailbox at kumuha ng sampung ping-pong balls. Member B: Magsuot ng medyas at pumunta sa may gitna ng pool kasama si Member C. Pagkakuha ng mga bola, umakyat na si Member A at mag-slide. Ingatang mahulog ang mga bola. Once na nahulog sa basket, hindi na pwedeng pulutin. Good luck na lang sa inyo. Pagkatapos mag-slide, ipasa ang basket kay Member B. Tanggalin ang medyas gamit lamang ang mga paa habang nakataas ang mga kamay at hawak ang basket. Matapos gawin yun, kunin ni Member C ang mga medyas at ilagay sa gilid ng pool. Bumalik at kunin ang basket kay Member B at pumunta sa may tali. Kunin ang tirador at i-shoot ang bola sa may basketball ring. Pag nakapagpa-shoot ng tatlong bola, pwede nang kunin ang next clue. Kung hindi nyo nai-shoot, balik ulit kayo sa simula ng mission na ‘to.”
Ako ang umakyat at nag-slide.
My gosh! Tatlong bola ang nahulog! Eh paikot ba naman ang slide at pabulusok, mahihirapan ka talagang ingatan ang mga bola.
Pinasa ko agad ang basket kay Ren at mabuti na lang mabilis siyang magtanggal ng medyas. Ang hirap kaya gawin nun lalo na sa ilalim ng tubig tapos may hawak ka pang basket. May nahulog siyang isang bola.
BINABASA MO ANG
Friend of Mine (Unfinished)
Teen FictionPinaka-mahirap? Ang ma-inlove sa best friend mo. Bakit? Kasi kailangan mong tikisin ang nararamdaman mo dahil ayaw mong masira ang friendship nyo. Wala ka ring karapatang magselos dahil kaibigan ka lang niya. Ang sakit kayang makita mo siyang may ka...