Chapter 6

37 8 0
                                    

Masaya ang naging samahan naming magkakaibigan.

Madalas, pagkatapos ng exam, tumatambay kami sa bahay namin.

"Tara, tambay tayo sa 'min. Pwede tayong mag-slumber party. Nasa bakasyon kasi silang lahat. Nagpaalam na ako kina Mommy." yaya ko sa kanila.

"Sige, go ako dyan." halatang excited si Jazz.

"Game ako! Tamang-tama, after exam makakapag-bonding tayo." sabi ni Andrei.

"Tapos, nood tayo ng movies." sabi naman ni Gab.

"Tapos, food trip tayo. Luto tayo ng all-time favorite nating pancit canton." biro ni Belle.

"At pritong itlog! Weeeh!" segunda naman ni Maggie.

"Hindi talaga halata na excited kayo 'no?" natatawang sabi naman ni Josh.

"Bakit ikaw hindi excited?" tanong ko naman sa kanya.

"Sshhh! Wag kang maingay. Excited din ako, ayaw ko lang ipahalata! Hahaha" bulong sa 'kin ni Josh.

"Hoy! Anong bulungan yan?" tanong ni Belle.

"Wala!" sabay naming sabi ni Josh.

"Sabi ko maghanap na siya ng magandang movie na pwede nating panoorin." sabi ni Josh.

"Eh bakit kelangan pang magbulungan?" tanong naman ni Jazz.

"Eh isisikreto sana namin yun eh. Tsk!" paliwanag ko naman.

"Kayo ba eh hindi nagkakagustuhan? Aba eh super close kayo eh." tanong ni Maggie.

"Hindi 'no! Super friends lang talaga kami." sabi ko.

"Saka kilala ko kung ano ang gusto ng babaeng 'to. Hindi ako ang type nito!" sambit ni Josh.

"Ah, oo nga pala. Si Ross nga pala gusto nyan." natatawang sabi ni Belle.

"Belle, bakit mo sinabi? Tayo-tayo lang girls nakakaalam nun. Nakakahiya tuloy." namumulang sabi ko.

"Kaya pala hindi mo masabi sa akin ha. Kasi friend ko pala ang type mo." natatawang sabi naman ni Josh.

"Naku, Josh! Parang awa mo na. Wag na wag mong sasabihin sa kanya. Please..." pagmamakaawa ko kay Josh.

"Oo naman 'no. Pero payong-kaibigan lang, alam ko ang kalibre nun." paalala ni Josh.

"Ok, friend. Di naman ako nililigawan 'nun kaya wag kang mag-alala." sabi ko na lang sa kanya.

- - - - - - - - - -

"Ok guys, wag lang tayo magkakalat ha para hindi ako pagalitan nina Mommy. May dalawa kaming guest rooms. Ok lang ba na kayong tatlong lalaki eh sa isang room tapos yung tatlong girls eh sa isa. May room naman ako kaya di na ako makikisiksik sa inyo." paliwanag ko sa kanila.

"Buti na lang mababait ang parents mo. Pwede tayo laging tumambay dito." sabi ni Andrei.

"Ok lang naman sa kanila na tumambay tayo dito lagi. Just behave lang. Sige, punta na kayo sa mga rooms nyo para mailagay nyo na mga gamit nyo. Pwede na rin kayong magpalit ng pang-swimming. Magbibihis lang din ako." At dumiretso na rin ako sa room ko para magbihis.

Nagpalit ako ng damit, swimsuit tapos pinatungan ko ng manipis na shirt and short shorts.

Bumaba na ako para makapag-prepare na kami ng aming kakainin.

Yung boys, busy sa pag-iihaw sa may gilid ng garden. At kaming girls ay busy naman sa paggawa ng salad at pagluluto ng ulam.

After maluto lahat, nagkainan na kami. Then, nagvideoke kami habang nagpapahinga. Masyado talaga kaming nag-enjoy sa bonding namin.

Friend of Mine (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon