Kung ako ang tatanungin, hindi ko talaga alam kung ano ang mararamdaman ko nung nakipag-break si Aldren sa 'kin.
Actually, mas masakit pa nga yung malaman ko na may girlfriend na si Josh kesa nung pakikipaghiwalay sa 'kin ni Aldren eh.
Oo, minahal ko siya pero hindi tulad ng pagmamahal ko sa bestfriend ko.
Siguro, ego ko lang ang nasaktan kasi ang unfair. Habang naghihintay ako sa pagbabalik niya, nambababae lang pala siya. At ang masama, binuntis pa niya.
Buti na lang, andyan lang si Josh sa tabi-tabi. Hindi siya nagda-dalawang-isip na damayan ako sa problema ko.
Ngayon, siguro past na lang talaga si Aldren. Tanggap ko na naman na niloko nya ako. At hindi naman ako tanga na aasa pa dahil wala na naman talagang aasahan.
- - - - - - - - - -
Isabelle is calling...
"Gurl, napatawag ka? Musta na?" sagot ko sa tawag ni Isabelle.
"Eto, okay naman. Ikaw, kumusta na?"
"Ayos naman ako, gurl. Bakit ka nga pala napatawag?"
"Eh kasi, gusto ko sana kayo yayain na magbakasyon sa province namin this weekend."
"Saan ba province nyo?"
"Sa Bicol. May rest house kami doon."
"Ah, o sige. Go ako dyan at kelangan ko nga ring mag-unwind."
"Ikaw na ang bahala magyaya sa iba ha. Tawagan na lang ulit kita."
"Okay, gurl. I'll call them, now na."
"Okay. Bye!"
Agad-agad kong tinawagan si Josh.
"Okay. Sasama ako. Wala naman akong pasok nun eh."
"Nice! Sana naman eh tuloy na talaga."
"Sana nga at baka uminit na naman ulo ko."
"Haha. Siguro naman tuloy na 'to. Kelangan ko ding mag-unwind eh."
"Oh, malulungkot ka na naman. Bawal!"
"Hindi 'no! Di ko na nga iniisip yun eh. Yung ganung walang kwentang tao, poproblemahin ko? Syempre, hindi 'no!"
"Buti naman! Tama na yang drama mo at andito naman ako. Ah, I mean kami ng mga kaibigan mo."
"Ano daw? O sige na. Bye na!"
"Bye, Harriet!"
Tinawagan ko sina Jazz at Maggie and they will join the Bicol expedition. Tinawagan ko ang dalawang beki pero hindi daw sila pwede daw may rampa sila nun.
- - - - - - - - - -
"Wow! Ang ganda naman dito sa Bicol, gurl!" masayang sabi ni Jazz.
"Oo nga. Ang ganda naman ng rest house nyo! Pwede bang one month na lang bakasyon natin." dagdag ni Maggie.
"Sige, gurl. Kung kaya mo namang walang cellphone at hindi mo makausap ang asawa mo eh." natatawang sagot ni Isabelle.
"Syempre, uuwi agad ako. Ikaw naman." sagot naman ni Maggie.
"Pwede naman tayo dito mag-stay kahit kelan nyo gusto. Ang tanong, pwede ba kayo?" tanong ni Isabelle.
"Kung pwede nga lang eh. Mukhang ang sarap talaga magbakasyon dito." sagot ko.
"Sayang, may pasok na din ako eh." nanghihinayang na sabi ni Josh.
"Oh, siya at tara na sa loob para makapagpahinga muna tayo."
- - - - - - - - - -
"Wow! Bonfire sa bukid! Cool! Hahaha" sabi ni Jazz.
"Naku, ikaw talaga, napaka! Kaya love kita eh." sabi ng boyfriend niyang si Marcel.
"Ang tamis naman!" sabi ni Isabelle.
"Ay nainggit ang mahal ko." sabi naman ni Ren, boyfriend ni Isabelle.
"Gurls, tulog na kami ng anak ko ha. Una na kami." paalam ni Maggie habang bitbit ang natutulog na anak.
"At iiwan mo ako dito habang naiinggit sa kanila." sabi ko naman.
"Wag nang bitter. Andito pa ako oh. Di kita iiwan." sabi naman ni Josh.
"Uyyyy! Sila ang sweet!" natatawang biro ni Jazz.
"Hindi rin!" sabay naming sabi ni Josh.
"Oww! Hindi nga gurl! Appear!" sabay appear ni Isabelle kay Jazz.
"Tama na yan at baka mapikon yung mag-BF!" tatawa-tawang sabi ni Ren.
"Tulog na nga pala tayo maya-maya at medyo gabi na." sabi naman ni Marcel.
"Patayin na natin yung bonfire at doon na lang tayo sa loob magkwentuhan." sabi ni Josh.
- - - - - - - - - -
"Ay, nalimutan ko palang sabihin na double lang yung size ng mga kama namin dito. Bale, apat lahat yung kama dun sa guest room namin so kasya na tayong lahat dun. Sina Maggie at Cassandra ang andun sa isang kama. Tapos, kami ni Ren sa isa. Sina Jazz at Marcel naman diyan. At kayong dalawa, Harriet at Josh dyan sa isa. Maigi nang magkakasama para walang nagsosolo. Hahaha!" mahabang paliwanag ni Isabelle.
"Parang may pinapatungkulan ka dun ah. Hahaha" natatawang sabi ni Jazz.
"Okay gurls, good night. Tama na yang issue na yan." paalam ko para matulog.
"Okay, good night guys. Sleep tight!" sabi ni Isabelle.
- - - - - - - - - -
"Harriet, good night. Baka maingayan ka sa 'kin. Nahilik kasi ako eh." sabi ni Josh.
"Okay lang yun 'no. Tulog ka na. Good night, Josh!"
Kahit hindi siya nahilik, mukhang hindi ako makakatulog. Waaah! Katabi ko siya eh. Kinikilig ako. Hahaha
Pero, himala ang himbing ng tulog ko. Ang sarap kasi yakapin ng stuff toy na katabi ko.
Hmmm. Wait lang! OMG! Ang gwapo naman ng katabi ko. Kung tuwing gigising ako eh eto mabubungaran ko eh di lagi akong good vibes at buo ang araw ko. Haha
BINABASA MO ANG
Friend of Mine (Unfinished)
Fiksi RemajaPinaka-mahirap? Ang ma-inlove sa best friend mo. Bakit? Kasi kailangan mong tikisin ang nararamdaman mo dahil ayaw mong masira ang friendship nyo. Wala ka ring karapatang magselos dahil kaibigan ka lang niya. Ang sakit kayang makita mo siyang may ka...