Good morning, world!
Ganda ng gising ko ngayon ah. Sarap ng tulog ko kagabi.
Sa totoo lang, hindi ko na masyadong pinag-iisip si Aldren. Bahala siya sa buhay niya. Nananawa na ako eh.
Siguro, ayaw ko na rin i-stress ang sarili ko. Pumapangit lang ako dahil sa kanya eh.
Wait lang, nagising nga pala ako dahil sa tunog ng phone ko.
"Good morning, Harriet! Have a nice day!" text na nagpangiti sa akin.
"Aga mo gumising ah. May pasok ka ba?" I replied.
"Yeah! Papasok ako sa school pero mamaya pa." he answered.
"Nag-aaral ka pa rin ba?" I replied.
"Yup! Masyado kasing madaming nangyari eh. Pero, eto na talaga. Tatapusin ko na to." he replied.
"Yeah. Tapusin mo. Para sa future mo yan eh. Ui Josh, wait lang. Ligo lang ako ha. Text-text na lang later."
Baka ma-late ako pag nagtuloy-tuloy ang kwentuhan namin.
"Ok." he answered.
After ko maligo, tinawag na ako ni Mommy para mag-breakfast.
1 message received.
Josh: "Harriet, don't forget to eat your breakfast ha."
Me: "Yeah. Ikaw din ha."
Josh: "Of course! Ano ba ulam diyan? Pwede bang makikain?"
Me: "Adik! As usual, egg, bacon and hotdog saka fried rice. You want? Punta ka dito! hehe"
Josh: "Joke lang! Adik talaga?!"
Me: "Oo, adik ka! hahaha"
Josh: "Siguro nga! Pero ikaw talaga ang adik eh! hahahaha"
"Harriet! Kain na! Baka ma-late ka pa." sabi ni Daddy.
"Sino ba yang ka-text mo at ngingiti-ngiti ka mag-isa?" segunda naman ni Mommy.
"Ah, si Josh po. Akalain nyong bigla siyang nagparamdam after jurassic years." sagot ko sa kanila.
"Aba, maigi pala at bumalik na siya. Ang tagal na niyang hindi nagpaparamdam sa barkada nyo ah." sabi ni Mommy.
"Kaya nga po masaya ako kasi mabubuo na ulit ang tropa." masayang sabi ko sa kanya.
"That's good. Napapansin kasi namin na lagi kang malungkot these past few days." sabi ni Daddy.
"Ah wala po yun, Daddy! Siguro nag-aadjust pa rin ako sa work ko." pagtatakip ko sa kanila ng problema ko.
"Oh siya. Kain ka na at medyo late na." sagot ni Daddy.
Pagtingin ko sa relo ko, bigla akong nagmadali sa pagkain. Aish! Male-late na ako.
"O sige po, alis na ako. Baka ma-late na po ako." paalam ko sa kanila.
"Ok, anak! Ingat sa pagda-drive." sabi ni Mommy.
- - - - - - - - - -
3 messages received.
Josh: "Di ka na nagreply? Galit?"
Josh: "Harriet, sorry ha."
Josh: "Galit ka ba talaga? Sorry talaga."
Harriet: "Bakit naman ako magagalit? Napa-kwento lang ako kina Mommy at Daddy tapos dumiretso na ako sa kotse dahil male-late na ako kaya di ko na na-check ang phone ko. Sorry!"
Josh: "Ah, akala ko naman eh nagalit ka na kasi tinatawag kitang adik."
Harriet: "Haha. Ok lang yun noh. Mas adik ka naman sa akin! Lolz"
Josh: "Di kaya! Kaw ang adik! Hahaha!"
Harriet: "Hindi kaya! Oh siya, mamaya na lang ulit at time na. Ingat pag pasok ha."
Josh: "Ok. Salamat! Ingat ka diyan sa work mo."
BINABASA MO ANG
Friend of Mine (Unfinished)
Roman pour AdolescentsPinaka-mahirap? Ang ma-inlove sa best friend mo. Bakit? Kasi kailangan mong tikisin ang nararamdaman mo dahil ayaw mong masira ang friendship nyo. Wala ka ring karapatang magselos dahil kaibigan ka lang niya. Ang sakit kayang makita mo siyang may ka...