Weeeh! Everyday, laging maganda ang gising ko. Paano ba naman, may dream catcher ako pagtulog at alarm clock pag gising. Lagi akong magigising tuwing tutunog ang phone ko at nagte-text siya samantalang tanghali pa ang pasok niya.
I feel very special. Masaya ako tuwing kausap ko siya. Minsan nga tumatawag siya eh at grabe ang kilig ko.
Ang problema lang, hindi ko dapat nararamdaman 'to dahil unang-una, may boyfriend ako. Pangalawa, dahil bestfriend ko siya. Pangatlo, dahil may girlfriend siya.
FLASHBACK
Me: "Hey, musta na?"
After 5 minutes, saka siya nag-reply.
Josh: "Huwag ka munang magtext ha. Kasama ko kasi girlfriend ko. Baka magalit eh."
Ouch! May girlfriend pala siya. Oh my gosh! Bakit ako nasasaktan? Imposible 'to. Hindi pwede!
Hindi na ako nag-reply sa kanya. Siguro, kelangan ko nang umiwas sa kanya. Ayoko nang lumalim nararamdaman ko sa kanya.
END OF FLASHBACK
- - - - - - - - - -
1 Message Received.
Josh: "Hi, Harriet! Sensya na pala ha. Hindi ko pala nasabi sa'yo na may girlfriend ako."
Me: "Okay lang yun. Di naman big deal yun eh."
Josh: "Bakit nga pala hindi natin napag-usapan yung tungkol dun. Baka naman may magalit sa 'kin kasi nagte-text ako sa'yo."
Me: "Ahm, may boyfriend nga ako. But, I don't think na magagalit siya sa'yo dahil nasa malayo siya."
Josh: "LDR? Parehas pala tayo eh."
Me: "Huh? Bakit, asan ba girlfriend mo?"
Josh: "Nasa Manila, doon siya nag-aaral."
Me: "Classmate mo?"
Josh: "Nope. Sa ibang school siya."
Me: "Ah, okay."
Josh: "So, kumain ka na ba?"
Me: "Actually, hindi pa. Andyan ka ba sa inyo?"
Josh: "Hindi, naglaro ako ng basketball. Kumain ka na. Gabi na oh!"
Me: " Yeah, maya-maya. Andito pa ako sa office eh."
Josh: "Okay. Text na lang kita mamaya, baka istorbo na ako."
Me: "Hindi naman. Actually, pauwi na ako."
Josh: "Ah, okay. Ingat pag-uwi. Text mo na lang ako pag nasa bahay ka na ha."
Alam kong mali na eh. Pero ngayong bumalik na ang bestfriend ko, ayoko na ulit mawala siya.
Pag-uwi ko sa bahay, dumiretso na ako sa kwarto ko at humiga na sa kama.
1 Message Received.
Hay naku! Masyado naman akong na-miss ng bestfriend ko.
"Musta ka na? Sana okay ka lang. Pasensya na kung di ako nagte-text o tumatawag man lang. Madami kasi akong problema ngayon. Marami akong dapat ayusin eh. Sana naintindihan mo ako."
Si Aldren, nag-text? Ilang buwan na bang hindi siya nagpaparamdam. Pero, hayaan na at least nagparamdam na ulit siya.
Me: "Musta ka na? Tagal mong di nagparamdam ah."
BINABASA MO ANG
Friend of Mine (Unfinished)
Novela JuvenilPinaka-mahirap? Ang ma-inlove sa best friend mo. Bakit? Kasi kailangan mong tikisin ang nararamdaman mo dahil ayaw mong masira ang friendship nyo. Wala ka ring karapatang magselos dahil kaibigan ka lang niya. Ang sakit kayang makita mo siyang may ka...