Paano nga ba nagsimula barkada namin?
Ganito kasi yun...
FLASHBACK
Wow! First day of the school year.
I'm Harriet Nicole Mendez. Incoming first year student.
I was transferring to a new school. Literally, new school kasi bago lang siyang bukas. Meaning, I'm one of the pioneer students here.
Since new school siya, they are open for first year and second year students only (high school department).
Well, so much for the introduction. :)
Andito ako ngayon sa quadrangle para hanapin ang section ko.
Sana madami akong maging friends. Sa totoo lang, masyado kasi akong mahiyain. Choz!
"Ouch!"
Tumalsik ako at tumilapon ang mga gamit ko.
"Di kasi tumitingin sa daan eh!" sabi ng nakabangga ko.
"Ay! Sorry po ha! Alam mo palang di ako nakatingin eh. Ikaw di ba nakita mo ako? Bakit hindi ikaw ang umiwas?" galit kong sabi sa kanya.
"Aish! Sorry ha!" Pagkapulot ng gamit niya, dali-dali siyang umalis.
Sama naman ng ugali niya. Sayang! Gwapo pa man din! Tsk!
Saan kaya yung list ng sections?
Ah, ayun pala!
- - - - - - - - - -
"Hi! First year ka ba? Anong section mo?" sabi nung babae na kasabay kong tumitingin sa list.
"Ahm, first year ako, section 1." sagot ko sa kanya.
"Classmates pala tayo. I'm Jasmine Mae Villareal. You can call me Jazz for short."
"Nice to meet you, Jazz! I'm Harriet Nicole Mendez. You can call me Harriet." sagot ko sabay lahad ng kamay ko.
"Halika na sa room, girl! Mag-start na ang orientation." yaya sa akin ni Jazz.
- - - - - - - - - -
"Hey, Maggie! Andito ka din pala! Ahm, meet Jasmine Mae Villareal. New friend ko." pakilala ko kay Jazz.
"Hi! I'm Margareth Cortez, Maggie for short. Kababata ko si Harriet." pakilala ni Maggie kay Jazz.
Riiiing... (school bell rings)
At dahil orientation lang, wala kaming ibang ginawa kung di magpakilala.
Tinatanong din ng mga teachers kung ano mga expectations namin this year.
- - - - - - - - - -
Sa canteen...
"Ang dami palang students ang nag-enroll dito 'no?" Jazz said.
"Oo nga eh. Bago lang 'tong school pero ang dami-dami nang students." I agreed.
"Girls, dun tayo. May nakita akong mga kakilala." sabi ni Maggie.
Sumunod kami sa kanya at pumunta sa isang table.
"Girls, meet my old classmates. They are Andrei Cruz and Gabriel Garcia." pakilala ni Maggie.
"Nice meeting you two. I'm Harriet Nicole and this is Jamine Mae." pakilala ko sa kanila.
"Hi, girls! Ah, this is Isabelle Fuentes. Classmate namin." pakilala ni Gab kasama nila sa table.
"Hello, girls. You can call me Belle for short." sabi ni Isabelle.
"Tara na. Pila na tayo doon, sobrang haba na eh. Guys, iwan muna namin kayo ha. Pwede ba kaming maki-join sa table nyo?" sabi ni Jazz.
"Oh, sure! Madami pang bakante. Buti nga may new friends kami eh." sagot ni Andrei.
At pumunta na kami sa pila.
- - - - - - - - - -
"Ooops! Sige, Miss. Una ka na sa line." sabi nung lalaking muntik ko nang makabangga.
"Salamat! Wait lang. Di ba, ikaw ang nabangga ko kanina? Akalain mo nga naman. Gentleman ka pala."
Nabigla ako nung siya na naman ang muntik ko nang mabangga sa pila.
"Miss, sorry nga pala sa kanina ha. Pasensya talaga. Nagmamadali kasi ako kanina eh." hinging-pasensya nung lalaki.
"Bakit ka kasi nagmamadali kanina? Eh, hindi pa naman time nun ah." sabi ko.
"Ah, kasi may humahabol sa 'kin kanina. Sorry talaga. Ahm, by the way, I'm Leonard Joshua Ramirez. You can call me, Josh."
"Ah, okay lang yun. Mabait ka naman pala eh. Ako nga pala si Harriet Nicole Mendez."
"Nice meeting you. Sa first year ako, Section 2. Ikaw? First year ka din ba?"
"Yeah. First year, section 1. By the way, these are my friends, Jazz and Maggie. Girls, this is Josh." pakilala ko sa kanilang tatlo.
"Hi, Josh!" Maggie said.
"Nice meeting you, Josh!" sabi naman ni Jazz.
"Ahm Harriet, pwede ba maki-join sa table nyo?" tanong ni Josh.
"Sure! Maluwag pa naman dun." sabi ko.
- - - - - - - - - -
"Uy, Josh, kilala mo pala sila?" tanong ni Andrei.
"Kakakilala ko lang sa kanila kanina. Actually, nagkabanggaan kami kanina ni Harriet." paliwanag ni Josh.
"Akala ko talaga eh napaka-ungentleman ng lalaking yan. I found out na mabait pala siya." natatawang sabi ko.
"Mabait talaga ako, mukha lang suplado. Pasensya talaga sa kanina." sabi naman ni Josh.
"Hi, Josh!" sabi ng kadarating lang na babae.
"Pwedeng pausod at tatabi ako kay Josh." sabi pa sa akin.
"Harriet, don't move. Ako'ng bahala." sabi naman ni Josh.
"Oops! Sorry, ayaw ni Josh eh." Gumana na ang pagiging bratinella ko.
"Excuse me! Girlfriend ka ba niya?" mataray na sabi nung babae.
"Excuse me din! Girlfriend ka ba niya?" panggagaya ko naman.
"Hindi!" sagot ng babae.
"Well, friend ka ba niya?" tanong ko.
"Hindi ko siya kaibigan." si Josh ang sumagot.
"Ako kasi hindi niya girlfriend pero kaibigan naman niya." naiinis kong sabi sa kanya.
"Kendra, back off, pwede ba?! Don't ruin my day!" galit na sabi ni Josh.
"Tandaan mo 'to Josh pati na rin ikaw, lagot kayong dalawa sa akin!" sabi nung babae bago umalis.
"Woah! Insane! Nakakatakot naman yun!" kinakabahang sabi ni Jazz.
"Huwag nyo na lang siyang intindihin. Pasensya na at nagkagulo dito." sabi ni Josh.
"Ok lang yun. Ano bang atraso mo sa kanya?" tanong ko.
"Ahm, guys, may gusto kasi sa 'kin yun eh. Mula elementary, naghahabol siya sa akin." paliwanag ni Josh.
"Woah! Haba ng hair mo, dude! Kunsabagay, gwapo ka nga!" sabi ni Andrei.
"Para namang napaka-obsessive nung girl na 'yun sa'yo. Hanggang dito ba naman eh sinusundan ka." Maggie said.
"Yun na nga eh. Nung nakita ko siya kanina, nagmamadali akong umalis sa quadrangle. Doon ko naman nabangga si Harriet." sabi ni Josh.
"Siya pala yung tinataguan mo. Kaya pala sobrang nagmamadali ka." natatawang sabi ko.
"Pero, kinabahan talaga ako kanina sa sinabi niya sa'yo, Harriet." sabi naman ni Belle.
"Hay naku, girl! Wag kang mag-alala. Di ka naman nun magagalaw dahil andito kaming friends mo." sabi naman ni Gab.
"Salamat! Hindi naman ako natakot sa banta niya. Wag nyo na lang siyang intindihin."
Pinanatag ko loob nila kahit medyo natakot ako sa sinabi ng baliw na babaeng yun.
BINABASA MO ANG
Friend of Mine (Unfinished)
Teen FictionPinaka-mahirap? Ang ma-inlove sa best friend mo. Bakit? Kasi kailangan mong tikisin ang nararamdaman mo dahil ayaw mong masira ang friendship nyo. Wala ka ring karapatang magselos dahil kaibigan ka lang niya. Ang sakit kayang makita mo siyang may ka...