Unang Kabanata

7 0 0
                                    


"Only educated women can kill."

Nagising ako sa isang malakas na ugong na nagmumula sa labas na sinusundan ng malakas na boses na nagsasabi ng ingles na pangungusap na kung isasalin sa salitang Tagalog ay nangangahulugang ang mga babaeng may pinag-aralan lamang ang may kakayahang pumatay. Paulit-ulit niyang sinasabi ang mga katagang 'yon. Nagulumihanan ako, hindi ito isang ordinaryong araw para sa akin.

Hinanap ko kaagad ang pamilya ko, nagbabakasakling isa lamang na malaking biro ang lahat. Nilibot ko ang buong bahay at wala akong ibang nakitang tao, kun'di ang sarili ko lang na repleksyon sa salaming aking tinitingnan.

Agad akong nagbihis at naghanda na sanang lumabas. Nananatili pa rin ang ingay na nagmumula sa labas at alam ko na nagkakagulo na rito. Bago pihitin ang hawakan ng pinto, narinig ko na may kumakalabog na tunog sa kung saan.

Hinanap ko ang pinagmumulan ng tunog. Palakas ito nang palakas. Nang mahanap ko ang tunog, ito ay nagmumula sa ilalim ng basahan sa may ilalim ng hagdanan ng aming bahay. Pinakinggan ko'ng mabuti, at kumpirmadong dito nga nanggagaling ang tunog. Dali-dali ko'ng inalis ang basahan at nagtatakang nakakita ako ng bakal na hawakan.

Walang pasubaling hintak ko ito at bumungad sa akin ang isang hagdan papunta sa ilalim. Anong mayroon dito? Sinundan ko ang gabay ng liwanag na nagmumula sa ibaba. Papalakas nang papalakas ang pagkalabog ng tunog, tunog ng bakal na ipinupukpok sa isa pa'ng bakal.

"Ama!!" Napahiyaw ako nang makita ko na nakahilata't duguan ang aking tatay. Namumutla na siya at naubusan na siya ng dugo sa katawan. Hawak niya ang bakal na ipinangpukpok niya sa isang bakal na cabinet. Inilibot ko ang paligid at puro mga armas ang nakikita ko.

"Ama, anong lugar ito? B..bakit puno ka ng dugo? B..bakit may maingay sa labas? Bak..."

"Anak, n..nais ko na ahhck kahit ano man ang mangyari, ipagta...tanggol mo ahhck ang sarili mo."

Hinang-hina na siya at pinipilit na tatagan ang loob upang makumpleto ang kaniyang sinasabi. Pinilit na iwasang indahin ng aking ama ang nararamdaman habang hinahayaan niya akong ilibot ang aking mata sa paligid.

Punong-puno ng samu't-saring mga armas ang nakita ako, gulong-gulo pa rin ang isip ko. Pinilit ko'ng humanap ng sagot mula sa aking ama ngunit wala siyang ibang sinabi kun'di ang, "Kailangan mo'ng hanapin ang mga kasagutan sa mga tanong mo, anak."

Isang napakalaking kwarto na punong-puno ng armas, ano nga ba talaga ang mayroon?

Ginamot ko ang aking ama, pero alam ko na hindi na siya magtatagal sa mundong ito. Pinilit ko na pakalmahin ang sarili ko pero may isang tanong na naglalaro sa isip ko, Sino ang may gawa nito?

Habang hinang-hina ang tatay ko, nangangatal ang labi niyang pinakuha ang isang piraso ng papel sa may sulong ng kaniyang mesa. Sinabihan niya rin ako na kuhanin ang pinakamalaking bag na makikita ko at pinayuhan ako na kuhanin ang mga armas na gusto ko'ng kuhanin. Noong una ay nag-aalangan akong kuhanin ang mga ito ngunit sabi niya ay kakailanganin ko raw ito upang mabuhay. Mapalaki o mapaliit na armas, isiniksik ko sa aking bag. Ibinulsa ko rin ang hawak ko'ng papel.

Nagmaneho ako patungo sa lugar na nakasulat sa isang pirasong papel na namantsahan na ng dugo ng aking sariling ama. Labag man sa aking loob na iwan siya ay wala akong magagawa, dahil kagustuhan niya na rin mismo ito.

Nagmistulang isang lugar na abandonado ang lugar na tinitirhan namin. Walang mga tao at napakagulo ng paligid. Sabi ni Ama, ang pupuntahan ko raw ay maaaring makapagbigay ng mga katanungan sa aking isipan. Mabuti na lamang at alam ko ang papunta sa lugar na 'to. Sinabi sa akin ni Ama na huwag daw akong mangamba sa mga babaeng armado sa aking paligid dahil hindi raw sila ang kalaban. Mag-ingat na lang daw ako papunta sa aking pupuntahan dahil baka mapahamak daw ako.

'Paglagpas ng simbahan ay may nakita akong mga babaeng pinagkakaisahan ang lalaking hinang-hina na, sa palagay ko ay kanina pa nila sinasaktan. Nagdalawang-isip ako kung tutulungan ko ang lalaki o ang mga babae ang tutulungan ko'ng bugbugin ang lalaki kaya't bumaba ako upang tignan ang kaguluhang nangyayari.

"Mawalang-galang na sa inyo mga kapwa ko binibini, ngunit anong kaguluhan ang nangyayari rito?" Masama ang tingin na ibinalik nila sa akin, tila ba'y may posibilidad sila'ng makapatay ng tao.

"Karapatan natin silang saktan. Sila'ng mga kalalakihan ang kalaban kaya't 'wag ka'ng tumayo na lang diyan at tulungan kami."

Natawa ako sa kanilang sinabi. Ano na ba ang nangyari sa mundo? Natulog lamang ako ng ilang oras, pagkagising ko 'eto na kaagad ang bubungad sa akin. Ang pumatay o parusahan ang mga kalalakihan?

Pinakita ko ang binigay sa akin na pekeng ID ni Ama, sabi niya ay magagamit ko raw ito 'pag kinakailangan. Nang Makita nila ito ay agad nanlaki ang mga mata nila't ang mga tigre kanina ay naging mistulang maamong tupa na lamang. Matatanggal din pala ang inyong mga kayabangan e.

"Umalis na kayo rito, habang maaga pa. H'wag kayong mag-alala, ako na ang bahala sa lalaking ito." Matapos ko'ng sabihin iyon ay tila ba'ng nagmadali silang nagsipulasan. Ako at ang walang malay na lalaki na lamang ang natira. Hinawakan ko ang kanyang dalawang paa at agad na kinaladkad papunta sa sasakyan ko. Isang lalaking may matipunong katawan? Paano niya hinayaang bugbugin na lamang ng mga babae? Napakatanga niya.

Nagpatuloy na ako sa pagmamaneho papunta sa aking pupuntahan at sinilip ang walang malay na lalaki sa likod. Buhay man siya o patay, bahala na mamaya. Pakiramdam ko ay mapapakinabangan ko siya.

Isang malaking pintong bakal ang nasaksihan ng aking mga mata. Ipinakita ko ang bigay na ID ni Ama sa akin kaya't pinapasok nila ako kaagad. Mga armadong guwardiya na mayroong malalaking katawan ang nagbabantay. Alisto sila sa kanilang paligid at baka isang maling galaw ko lamang ay mapapatay ako.

"Kanina ka pa hinihintay ng mahal na Emperatris. Humayo ka paparoon sa kaliwang daan at baybayin mo 'yon. May makikita ka ro'n na parang bahay bakasiyunan ang estilo. Wala namang guwardiya ro'n kaya't pumasok ka na lang. Naghihintay na siya sa 'yo."

Kahit na nawiwirduhan ay sinunod ko ang sinabi ng guwardiya. Bigla namang umungol ang taong nasa likod ko, "A-ckk! Sino ka? Nasaan ako?" wika nito at lumapit ng bahagya sa akin. Hindi ba't ako dapat ang nagtatanong nito sa kanya? "Magpasalamat ka na lang na buhay ka. 'Di ko nga rin alam kung bakit buhay ka pa't kung bakit kita isinama."

Nang makarating ako sa paroroonan ko'y bumaba na ako sa sasakyan nang matiwasay. Sumunod lang ang lalaking sugatan sa akin. Bahala siya, wala na akong pakialam sa kanya.

"Crandt Gonzaga, right?" Wika ng babaeng sumalubong sa akin at nakipagbeso pa na animo'y matagal na kaming magkakilala, "Opo. Ako nga po."

"Inihabilin ka sa akin ng iyong Ama, kakailanganin mo ako. Ako si Doctora Cantabella, Doc. Ella for short, pero mas matanyag sa tawag na Emperatris. Sa ngayon hija, kailangan mo munang magpahinga dahil malayo-layo ang iyong nilakbay." Iginayak niya ako patungo sa isang kuwarto ngunit laking gulat ko nang tutukan niya ng baril ang estrangherong lalaking aking kasama. Parehas kaming nagulat.

"Crandt, alaga mo ba 'to?"

Alaga?

"Bahala na kayong gawin ang gusto ninyong gawin sa kaniya. Magpapahinga na ho ako." At dumiretso na nga ako sa isa sa mga kwarto. Gusto ko nang iunat ang aking mga paa sa kama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HimagsikWhere stories live. Discover now