Part 2:
Nagstay ako sa Starbucks for an hour while waiting for my groupmates. Unang dumating si Jonathan, so tumabi siya sakin and nagstart na rin kaming mag-usap about sa report.
"Hindi daw makakadating si Alliah. Hindi pa daw sila tapos preparing for the event next week." He said.
"Sige lang. At least kahit tomorrow makakapag meeting kayo kahit wala ako."
"Si Rei daw hahabol na lang. Inaantay pa daw niya si Migy eh." he said.
Tumango lang ako and nag-focus na lang sa part ko for the report.
30 minutes nang nakakalipas, wala pa ding dumadating na Rei. Sophia has something to finish pa with other units. While Justine, um I don't know. Hindi kami close.
So mag 1 hour na kaming dalawa pa din ni Jonathan nag-uusap about sa report. Pero okay lang, at least magagawa ko yung part ko.
"Okay ka lang ba?" He asked.
"Yes. Why? Bakit naman ako hindi magiging okay?" I asked.
"You look pale kasi eh." He said.
"Ah, hindi ganito na talaga ko." I said and focused on my laptop na lang.
He touches my forehead kaya napalayo ako.
"Hey. W-what are y-you doing?" I asked with kaba inside.
"I just wanna check lang if you're sick or not." He said.
"Ah. Hindi okay lang nga ako." I said.
May napansin akong nakatayo sa gilid ko for about 10 seconds na siguro. So tinignan ko na. Pagtingin ko, si Ricci nakatitig kay Jonathan.
"Ricci. What are you doing here?" I asked.
"Binabantayan ka. And mukha namang hindi ko na kailangang bantayan ka kasi nanjan naman si Jonathan." He said na parang sinisigawan ako.
"No. We're just doing research for our report on Friday." I explained.
"By group yan di ba? Hindi naman by pair?" He sarcastically asked still staring at Jonathan's side.
"Pre, ano bang problema mo?" Jonathan asked.
"Ikaw? Anong trip mo sa girlfriend ko?" He asked din.
"Gumagawa lang kami ng school works. May mali ba dun?" Jonathan replied.
"Wala naman, pero pre kung may kabastusan yang paghawak mo sa noo ng girlfriend ko, oo may problema ko." He answered.
Susuntukin na sana siya ni Jonathan pero humarang ako sa harap ni Ricci.
"Can you please not?! Mahiya naman kayo sa mga tao dito." I said.
Binitawan ako ni Ricci tsaka lumabas ng Starbucks. Hindi ko siya masundan kasi maiiwan yung mga gamit ko. Kaya tinext ko na lang muna.
To: 💙🦅
Babe, I can't follow you I have to finish these pa eh. Wait for me sa dorm? Please. Don't be mad. I love you.
I tried finishing my part sa report ng mabilis para maabutan ko si Ricci. So after 15 minutes natapos ko na rin. Saktong dating naman ni Rei and Migy.
"Guys sorry. Natagalan lang kami ni Migy. But we can continue na." She said them umupo sila ni Migy sa tapat namin.
"Rei sorry I have to go na. Tapos ko naman na yung part ko. Isesend ko na lang sayo later, i-rerevise ko na lang." I said habang inaayos mga gamit ko.
"Yes please. Ingat ka Deanna! Thank you ah!" She waves good bye na rin sakin. Hindi na ko nagpaalam kay Jonathan kasi mejo nainis ako sa ginawa niya.
Pagdating ko ng dorm, tinawagan ko si Ricci habang nagrerevise ng report. Pero hindi siya sumasagot. Nagtatampo sakin to. Shocks. Nasan kaya yon? I tried calling kuya Thirdy, but hindi rin siya sumasagot. Tinext ko si Kuya Prince, asking if nasa kanila ba si Ricci. Wala naman daw. Shocks, nasan kaya yun.
From: Julia Uy
Babe, ano nangyari kay Ricci? Nagtext kasi sakin tas tinanong ko bakit hindi na sumagot.
I hurriedly replied sa message niya.
To: Julia Uy
Nagalit ata sakin eh. Nakita niya kasing magkasama kami ni Jonathan, eh natagalan lang ng dating si Rei yung ex bestfriend mo. Ayun yung naabutan ni Ricci. Akala niya ata kaming dalawa lang talaga ni Jonathan magkasama.
Hindi na nagreply si Julia. Lalo tuloy akong nataranta. Nasan kaya yun.
10 PM na kaya hindi ako makalabas baka mapagalitan na ko. Tinadtad ko na lang ng messages si Ricci telling him na magreply siya sakin baka makatulog na ko.
BINABASA MO ANG
It All Started With: We're Just Friends
FanfictionGuys. Reminder lang, this story is about Deanna and Ricci na PURE imagination ko lang and medyo may pagka-cliché cause gusto ko yung mellow lang yung flow ng story. So if you're not interested please wag na kayo mag send ng hates sa mga fans ng Dean...