Julia and I were already in Rizal na. She looks very happy na talaga. Nakita ko kung pano niya hinug parents niya sobrang tight. She's really family oriented talaga.
"Hi Deanna. How's Rizal so far?" Julia's mom asked me.
"Tita, it's very nice po. Thank you for letting me stay here for 2 days po." I said.
"Ano ka ba. Friend ka ni Julia and you are always welcome naman dito sa bahay. Feel at home okay?" Her dad said naman.
We went to her room to put our bags and extra necessities na we brought.
"So, welcome to my room Deanna. Sorry mejo magulo, hindi na kasi naaayos ni mommy."
For the past hours we spent our time lang in her room, she showed me lots of her baby pictures and stuffs na kini-keep niya from her childhood pa. While looking at her baby pictures, I saw some picture of a baby boy looks familiar. Parang... then my phone vibrates.
Unregistered number. Who could this be kaya?
Ricci?
"Hello." I said.
"San ka?" Yeah. It's him.
"How did you get my number?"
"Nasa boys' washroom eh. Nakalagay yung name and number mo tapos may label na 'call me'."
"Alam mo kung nagmumura lang ako, baka lahat na ng mura sa mundo sinabi ko na sayo."
"OA mo naman. Asan ka nga?"
"Dito sa bahay nila Julia. Bakit?"
"Ah. Wala, just checking lang. Baka kasi mamaya naghahanap na kayo ng lalaking dalawa eh." Oh... something's fishy. Is he jealous?
"Uy, nanahimik. You're thinking siguro na nagseselos ako no? Asa boy."
Bastos talaga bunganga nito minsan eh. Kung di ka lang cu--
"Huy, ano na?"
"Ha? Ikaw tumawag jan eh."
"Hahahaha! Kala ko kinikilig ka na jan eh. Sige na, ingat kayo ah. Text mo lang ako if you need something. Save my number ha!"
He ended the call. Bakit parang bitin? Nabitin ako kahit nakakapikon siya kausap. Nahuli ako ni Julia na nakatitig sa phone ko.
"Uy, gusto pa niya kausapin."
"Ewan ko sayo. Manang mana ka kay Ricci. Lakas niyo mang-asar."
Natawa siya sakin, kasi she can see na I'm sobrang pissed na. We ended up talking to each other lang about life when her mom knocks on the door.
"Gusto niyo ba sumama? Nag-aya tita ni Julia mag-overnight lang in Tagaytay."
"Ma, obviously sasama talaga tong si Deanna, alangan iwan natin to dito mag-isa." Her mom laughs. Napangiti ako kasi ang bastos sumagot ni Julia, naalala ko lang si Ricci.
"Huy. Tono ng pananalita mo ah." I muttered.
"Ay sorry boss. Yes ma, when ba aalis?" Her mom checks her watch and said, "Now na."
"What?! Why so urgent? Okay, we'll get ready na."
We hurriedly move. Inayos ko mga gamit ko, mga sanitaries and etc. So after 15 minutes, bumaba na kami and we waited for Tita lang to prepare.
"Julia, the baby boy beside you dun sa last picture na pinakita mo, sino yun? Yun ba kuya mo?" I asked out of curiosity.
"Ah. Yung maitim?"
"Grabe naman to sa maitim, puti mo ah?"
"Hahahahaha! Hoy. Bad mo. Yung moreno ba? No. That's my cousin. Anak ng tita ko na makakasama natin mamaya. Gusto mo ma-meet?"
"Ah. Hindi, he looks familiar lang."
"Parang si Ricci? Nako. Sabihin mo na kasi, baka naman lahat ng lalaki na nakakasalubong mo nag hahallucinate mukha ni Ricci ah."
Natawa ko. Kasi totoo, Dad nga niya kanina nung inaantay namin mom niya akala ko si Ricci kaharap ko. Hay nako Deanna!
While on our way to Tagaytay, nag stop over kami sa SLEX. We decided na dun na kami magllunch. So after awhile...
"Hi Tita! Hala, namiss namin kayo. Parang ang layo layo natin sa isa't isa para hindi magkita." Julia said.
"Ikaw kasi, hindi ka sumasama kay Ricci." Huh?! R-Ricci?!
"Hoy Deanna. Mag hi ka naman sakin. Sungit mo naman. Ganyan na ba pag nakakalayo sa Katipunan?" Pag raise ko ng head ko, that baby boy I saw in Julia's baby album ay kaharap ko na.
"R-Ricci?!" Napatayo ako kasi nagulat talaga ko.
"Ay oh. May pagtayo dude." Julia said to Ricci.
"Namiss mo ko?" asks Ricci.
"Hell no. Ano ka, oppa?" Pagbibiro ko.
"Yuck! Bading naman mga yon." Ricci said.
"Ah! Bading? Tita. Pauwiin mo na nga tong si Ricci. Nakakabadtrip pinagsasabi eh." Julia said. Fan kasi siya ng KPOP, di ko rin alam bakit eh. Hahahaha
"Kayo talagang dalawa no. Kahit saan talaga hindi niyo maiiwasan magpikunan." Ricci's mom said.
"Ay, ma. Si Deanna nga pala. Blockmate ko. Siya yung na-mention ko sayo before." Ricci says. Namula ko kasi bigla na lang niya ko hinatak papunta sa mom niya.
"H-hi T-Tita. Nice to meet you po. I'm Deanna Wong." I said stuttering.
"Hello. Napaka-ganda pa lang bata nito 'nak. Tapos binibiro biro mo lang nang ganyan? Nako. Pano ka magkaka-jowa niyan." his mom teases. HA! ANO. KONYAT.
"Ma! Hindi ko naman nililigawan to. We're just friends."
And with that, I can see Julia's staring at me. Inignore ko lang muna habang nakasmile lang sa mom ni Ricci.
"Talaga ba Cci? Parang kanina lang excited na excited ka ah." his brother says. And I guess that's Prince Rivero? Or no? Rasheed? Hay ewan. Basta yung brother niya.
"Excited ako because makakabalik tayo sa Tagaytay. And complete tayo. May pasobra pa nga eh." he said while looking at me. Umalis ako for a bit para lapitan si Julia. Hinug ko yung braso niya.
"Oh? Tampo ka naman agad sinabi lang na 'we're just friends'." Pagkasabi niya non, tinabig ko yung braso niya. Tas nakapout ako sa kanya.
"Ay. Kay Ricci mo dapat ginawa yan. Baka effective." So alam ko na kung bakit manang-mana tong babaeng to sa pang-aasar ni Ricci. Magpinsan pala. Hay.
BINABASA MO ANG
It All Started With: We're Just Friends
FanfictionGuys. Reminder lang, this story is about Deanna and Ricci na PURE imagination ko lang and medyo may pagka-cliché cause gusto ko yung mellow lang yung flow ng story. So if you're not interested please wag na kayo mag send ng hates sa mga fans ng Dean...