Three

987 24 3
                                    

Part 2:

Pagdating namin sa hotel, I checked the time. It's 1:42 PM pa lang. So, may time pa kami to prepare. Nag-aya kasi ang Rivero brothers sa Skyranch.

While we're getting ready, Julia keeps on asking me what to pair with her top na pinapakita niya. Malay ko ba sa mga ganyan, tshirt and maong shorts lang ready to go na ko. Hinintay ko lang siya magbihis, so ako nakaupo ako sa bed. Nag bbrowse ng internet then I saw Ricci's tweet. May picture nilang tatlo with their baby brother. Tapos ang caption, "I'm excited." Saan naman kaya?

"Ito, much better than the first one right?" Julia says while showing off her outfit na kala mo sa bar pupunta. Kulang na kulang sa tela.

"Gaga ka. Yan talaga susuot mo?" I asked.

"Gaga ka din. Ano tingin mo sakin makakalabas ng ganito? Hindi ako hubadera no. Pantulog ko to sira. Teka. Mag ttshirt na lang ako, mainit pala." Natatawa niyang sabi.

"Bilisan mo naman. Bagal mo talaga kumilos." I said.

"Sus. Excited ka lang kamo makita ang bebe mo." she answered.

So after several minutes natapos din siya magbihis. She's decided to wear an Ateneo shirt with white shorts lang. Napaka tagal pa magbihis yan lang din pala isusuot.

Paglabas namin ng hotel room, the Rivero brothers were standing right in front of the door. Nagulat kami ni Julia.

"Hi. Ready to go na? Tara. Iwan na natin sila mom, kakain lang yun dito di naman ma-eenjoy nun Skyranch eh."

We both nodded tsaka kami naglakad palabas ng hotel. When we arrived sa Skyranch, natuwa ako kasi first time ko to eh. There's so many people!

"Tara ferris wheel!" Julia shouted tsaka tumakbo palayo samin while holding the hand of baby Rivero. I can't remember his name tho.

Naiwan kami ni Ricci sa entrance. Nakatungo lang ako.

"Uy ano tara?" he demanded.

"Hala. Hindi ako sumasakay ng rides eh. Baka magtrigger yung vertigo ko eh."

"Hala ganon ba? Paano ba 'to. Ano pa ba mapupuntahan dito sa Skyranch. Um. Tara kain na lang muna tayo?" I nodded and followed him na lang.

Someone texted me while waiting kay Ricci buying our food.

"Huy. Nasan kayo? Ano nagdate na kayo?" Julia texted.
"Gaga. May vertigo ako remember? Baka mag trigger eh."
"Luh. Vertigo ka jan. Nanjan naman si Cci eh. May magssave sayo."
"Baliw ka ba. Ikaw kaya magka-vertigo. Na ttrigger ako sayo ha. Kakain lang kami."
"HAHAHA okay have fun!"

"Sino yan? Busangot na busangot mukha mo."

"What's busangot?"

"Wow. Di mo alam? Ano, uh. Parang simangot ganon."

"Ah. Kasi tong pinsan mo eh. Ayaw maniwala na may vertigo ako. Baka lang daw nag ddate na tayong dalawa."

"Hindi ba?"

Nanlaki mata ko pagkasabi niya non. Bigla naman siyang natawa sa itsura ko. Inirapan ko na lang siya tsaka kumain.

It All Started With: We're Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon