Ricci's Point of View (Chapter 3)

596 19 4
                                    


The next morning, we had our training. Pero all of us feel frail and weak. And it seems like our coach noticed that's why he said to cancel our training and enjoy our long weekend na lang daw.

So tuwang tuwa ako! Kasi makakasama ako sa Tagaytay with my family.

"Kuya! Nasa bahay pa kayo?" I asked right after masagot ni Kuya Prince yung call ko.

"Yes. Why?"

"Uuwi ako! Cancelled training namin. Sama na ko sa Tagaytay."

"Sige, niyaya din ni mom sila Tita Ler, eh si Luke daw hindi makakasama." Luke is Juls' older brother.

"Ay ganon ba? Si Juls kaya makakasama daw?" I asked.

"Hindi ko alam eh. Hindi pa daw umuuwi eh." Ah. Oo nga pala. Baka marami pa ring school works.

"Sige sige. Basta sasama ako." I ended the call. So pumunta na ko where my car was parked.

Pagsakay ko, I tried calling Juls to ask if makakasama siya para sana madaanan ko na siya sa condo niya. But she's not answering her phone. So, I dialled Deanna's number baka magkasama sila.

But I remember wala pala akong number ni Deanna. Shunga.

Lumabas ako saglit ng car and nagbabakasakaling may makita akong teammate niya. Luckily, nakita ko si Ponggay? Basta si Gaston.

"Hey!" I called her.

"Uy hi Ricci!" she waved.

"May I have Deanna's number?" I asked.

"Nako, almost two months na kayong magkasama wala ka pa ring number ni Deanna? Ang hina mo naman boy." she teased.

But instead na makasagot ako sa kanya kinuha ko na agad number then she left na.

First ring pa lang sinagot niya na. Nakaramdam sigurong tatawag ako. Haha joke.

"Hello." she said.

"San ka?" I asked. Siguro naman kilala niya boses ko no?

"How did you get my number?" Well, mukha ngang nakilala niya.

"Nasa boys' washroom eh. Nakalagay yung name and number mo tapos may label na 'call me'." I joked.

"Alam mo kung nagmumura lang ako, baka lahat na ng mura sa mundo sinabi ko na sayo."

OA naman nito. Binibiro lang eh. Sungit talaga.

"OA mo naman. Asan ka nga?"

"Dito sa bahay nila Julia. Bakit?"

NICE! Kung makakasama si Juls edi kasama rin siya sa Tagaytay! Woo! How lucky am I to deserve this!

"Ah. Wala, just checking lang. Baka kasi mamaya naghahanap na kayo ng lalaking dalawa eh." Engk. Pinagsasabi ko nanaman wala sa lugar. But hindi siya sumagot.

"Uy, nanahimik. You're thinking siguro na nagseselos ako no? Asa boy." I joked.

"Huy, ano na?" I asked. Naglog?

It All Started With: We're Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon