Chapter2: Kuyang Napatid

45 3 2
                                    

Chapter2: Kuyang Napatid

"Da-daddy?" Shemayyyyyy! Kinakabahan ako.

"Oh, hi my little princess!" bat kaya sya napatawag? Bakit?

"He-hello po d-daddy?" nauutal na tuloy ako. Himala ksi eh, Napatawag siya.

Di ko pala nasabi sa inyo na nsa china si mommy at daddy for business. And once in a bluemoon lang sila tumawag, kaya nga kinabahan ako eh!

"Musta na kayo dyan?" Napangiti naman ako kasi kahit once in a blue moon sila tumwag, nangangamusta pala siya. Di kasi kmi close ni daddy eh!

Napatingin naman ako kay Rein na nag sisign language na ang ibig sabihin ata eh, lakad na daw kami habang may kausap ako. Kaya ayun, pinagpatuloy na namin yung paglalakad namin.

"Okay naman po daddy. Kayo po?" Okay nga ba ko? Hayyy!

"Ay anak, may sasabihin---"

*Booooooogsh

"Aray!" Ang sakit. May bumunggo sakin.

"Oh, girl ayos ka lang?" nagaalalang tanong ni Rein.

Di ako sumagot, tiningnan ko yung bumunggo sakin.

"Sorry miss, napatid ako eh!" Ay. halata nga, nang huli ng isda sa kalsada eh!

"Ah, sige! Magingat ka nalang sa susunod." Bka dumami  na mahuling isda nya eh. Hahaha!

"Sige miss. Una na ko." paalam niya. tumango nalang ako bilang tugon.

Wait.... Teka.... SI DADDYYYYYYY!

"Girl, yung phone ko asan?" Asan na yung phone ko? Si daddy, kausap ko paaaaaaaaaaaaaa!

"Bat mo naman hinhanap sakin eh diba hawak mo, kausap mo pa nga daddy mo eh!" Paliwanag niya. Ohhhhhhhhh! NASAN NA YUNG PHONE KO???????

Kinalkal ko yung bag ko, wala! Tiningnan ko na yung kalsada kasi baka nahulog lang pero wala! Di pa ako nakontento, tinaktak ko na bag ko. pero WALA PARIN!

O_________O Wait, Processing... 100% complete. May bumunggo sakin diba? Hindi kaya magnanakaw yun. Kunyari lang ma napatid siya, yun pala magna. Huhuhu! My phone T,T

"Girl, nanakaw ata phone ko nung nakabangga sakin T________T" Mangiyak ngiyak kong sabi.

"AY! NAKUUUUUUU. HOY KUYANG NATAPID BUMALIK KA DITOOOOOO!" Bonggang sigaw ni Rein.

"Rein , wala na ata! Message ko nalang sa computer si daddy. At bibili nalang ako ng bago." Kahit nanghihinayang ako sa phone ko. Dami naming pictures don eh! ;(

"Sayang padin yun no! Grabe na talaga mga tao ngayon. " Grabe nga talaga, kala ko pa naman mabait yung lalaki. Di pala, Hirap na talaga sa panahon ngayon. Pero yung mga pictures namin. Huhuhu! T_______T

"Hoy babae. Ba't naiyak ka dyan? Phone lang yon. Bili ka nalang bago." Ay, naluha nanaman pala ko. Eh kasi naman eh!

"Yan ka nanaman ah!" Hay! Alam talaga ni Rein ugali ko.

"Tara na nga!" Simpleng iwas topic ko. Sesermonan nanaman ako eh!

"Ay, oo nga pala! Samahan mo ko sa mall. May bibilin ako sa national book store eh!" Sabi niya. Ano kaya bibilin niya?

"Ano bibilhin mo?" Tanong ko.

"Ballpen." Maikli niyang sagot.

"Ballpen lang bibilhin mo?" Sosyal talaga tong babaeng to.

" Oh yes! Tsaka tingin tingin na din tayo mga damit *u*" Parang kumikinang yung mga mata ni Rein. Basta talaga damit! Adik sa damit tong babaeng to eh.

"Sige." Yun nalang nasabi ko.

Sumakay na kami ng taxi. Di kasi kami nag pasundo sa driver namin eh. Ayun, nagkwentuhan lang kami ni Rein habang nasa byahe. Di naman katagalan ang byahe. Medyo malapit naman kasi ang mall dito.

Sa wakas, andto na kami.

"Excited na ko! Almost a week na akong di nakakapunta sa mall." Oh diba? Kala mo sobrang tagal na hindi nakapunta sa mall. Rein yan eh!

Pumasok na kami sa mall. Agad kaming pumunta sa national book store para bumili ng ballpen niya. Inuna nya talaga ang ballpen niya para daw mas matagal ang time sa pagtingin ng damit.

Nasa loob na kami ng national book store. May nahagip ang mata ko na maliit ng notebook, ang cute! Kulay black na may glitters na silver may design din na eillfell tower ng paris.

"Rein, wait ah! May titingnan lang ako doon." Paalam ko, at agad kong pununtahan yung cute na notebook na yun!

"Ang cute!" Tiningnan ko yung price, 65.00 pesos. Bibilhin ko ito *u*

Bumalik na ako kay Rein.

"Tara, cashier tayo!" Yaya niya.

"Sige." Nagpunta na kami sa cashier.

Iniabot ko kay Rein yung notebook na maliit para masabay na.

"Oh, bat ka bumili neto?" Tanong niya ng may pagtatakang expression.

"Cute eh!" Simpleng sagot ko.  Iniaabot ko nadin ang bayad kay Rein.

Tapos na kaming magbayad sa cashier. Nilagay ko na yung notebook sa bag ko.

"Tara naaaaaaaa!" Eksayted na sigaw ng babaeng ito. Shemay! Napatingin tuloy dito yung mga tao.

"Ano ba Rein? First time nakapunta sa mall?" Tanong ko ng may iritableng tono.

"Sareeee!" Sabay peace sign niya.

Dumaretso na kami sa forever 21. Ayun, nagtingin tingin siya. Tinatamad pa kasi tumingin.

"Girl, Look at this! Cute no?" Oo nga, ang cute.

"Yeah. Cute!" Above the knee yun. Dress ba? Ewan ko. Para siyang jacket eh, yung jacket na mahaba.

"I wanna buy this!" Excited niyang sabi. Kaya ayun, Dumaretso na sa cashier. Di na ako sumama, sakit na ng paa ko. Nka wedge kasi ako tas dress. Aba! Fashionista ata to. XD

"Ganda talaga pomorma ni baby girl."

Hmmmmm. Sumegwey nanaman siya.

"Oy, uwi na tayo!" Hay.

"Sige." malamya kong sagot.

Naglakad lakad na kami. Nang biglang nagsalita si Rein.

"Cassie, nagugutom ako. Kain muna tayo!" Naku talaga tong babaeng to. Uwing uwi nko eh!

"Sige ba! Bsta libre mo!" Aba! Ako na inistorbo niya kaya dapat manlibre siya. Depress pa nga ako sa phone kong nwala eh T_______T

"Sige na nga!" maktol niyang sagot.

"Hahaha, labag ata sa kalooban mo eh!" Hahaha. Sarap pagtripan ni Rein.

"Tara na nga. Nangasar ka pa eh no?" Hahahahahaa.

Naglakad na kami papapuntang Mcdo.

Habang naglalakad kami, may dumaang grupo ng kalalakihan. At may isang lalaking umagaw ng atensyo ko.

Medyo matangkad, gwapo, mukhang may lahi. Namumukhaan ko siya, saan ko nga ba siya nakita? Oh, waittttt.... Processing.... 100% complete!

SIYA SI KUYANG NAPATID!

Noong narealized ko na na siya yon. Nakalayo na yung grupo nila kuyang napatid. Kaya naman with my full force mega ultra voice, sumigaw ako "HOY KUYANG NAPATID!"

- - -

A/N : Hi guys ! Sorry sa turtle update. Busy eh. HAHAHA! :D Mahaba naman ako magupdate eh. Kaya sulit nadin XD

Anong gagawin ni Kuyang Napatid? ABANGAN...

Love Again (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon