Chapter5: Dahil sa kaingayan

36 2 2
                                    

Chapter5: Dahil sa kaingayan.

Jaina Rein.

"Gaya gaya ka uh! Sino ka ba?" Iritang tanong ko sa killer na to.

"At anong ginwa mo kay manang Lin? Bat mo siya sinaksak?" Tanong ko ulit.

"HA? Anong sinaksak?" Tanong nya din pabalik. Aba! Tanungan portion?

"Sinaksak mo siya kitang kita ko! Bat mo ginwa yun?" Tama, kitang kita ng dalawang mata ko.

"Ano bang pinagsasabi mong babae ka ha? Nababaliw ka na ba?" Aba. Lakas ng loob.

"HOY KILLER HINDI AKO NABABALIW. AT IKAW BAKIT MO SINAKSAK SI MANANG? MAY GINAWA KA DIN BA KAY CASSIE? HA? SUMAGOT KA!" Sigaw ko ng matinde, pero ang ginwa ng killer na to, NAGTAKIP NG TENGA!

"Hoy! Bat kba nagtatakip ng tenga dyan?" Tanong ko. Habang dinuduro siya.

"PAANO BA NAMAN EH MUKHANG NAKALUNOK KA NG MEGAPHONE EH!" Luh. Pano ko kaya malulunok yun? Eh ang laki laki nun. Tanga ba to?

"Aaaaaah Basta! Sinaksak mo si manang. KILLER! KILLER!" Pinagpapalo ko sya ng weapon ko.

"Teka! Teka! Anong nang yayari dito?" Biglang harang ni Manong guard.

"AQJKLSHXXBSMSSSDGDJE" Sabay kaming sumigaw ng Killer na to.

"Teka nga. Wag nga kayo magsabay. Oh maam Jaina, Ano pong problema?" Tanong sakin ni Manong guard. Yes, it's my time to shine.

"Yang lalaking yan kasi manong, killer. Sinaksak nya si Manang Lin." Paliwanag ko. Pero mukhang walang narinig si Manong. Di parin nya hinuhuli yang killer na yan.

"Manong, ang sabi ko killer yang lalaki na yan." Inulit ko na, baka bingi si manong guard eh.

Bakit parang wala lang kay manong?

"Manong sinuhulan ka ba nyan kaya di mo sya hinuhuli? " Kinakabahan nako baka pati ako mapatay. Huhuhu! Marami pa kong mithiin sa buhay.

"Eh maam, paano naman pong magiging killer si Sir Adrianne?" HA? Kilala ni Manong tong killer na to. Baka magkasabwat sila. Nakuuu!

"Manong kilala mo yan? Kasabwat ka ba niya manong?" Tanong ko. Grabe si manong, mahigit 10 taon na siyang nagtratrabaho sa family ni Cassie yun pala ganito lang siya.

Huhuhu! Mukha magkasabwat nga sila. Bye philippines! Katapusan ko na.

- - -

Adrianne.

Grabe naman tong babaeng to, kung ano anong sinasabi. Killer daw ako? Sa gwapo kong to?

Pero napansin ko lang maganda siya ah. Pero mas maganda si Cassie.

"Teka nga miss. Wala naman akong gingawang masama ah? Pano ko magiging killer aber?" Tanong ko sa kanya. Pati kasi si Manong guard pinagbintangan pa. Lakas ng tama neto!

"Kitang kita ko sinaksak mo si Manang Lin!" Sabi nya habang nakapameywang pa.

"Ha? Anong bang natira mo ah? Nka drugs ka ba?" Nakakainis na to.

"Excuse me. Hindi ako nagdrudrugs no? Feeling ah." Aba. Di daw! Pero lakas ng tama.

"Tara nga dito nang matigil kana!" Kinaladkad ko siya papasok ng bahay.

"ANO BA? BITAWAN MO NGA KO!" Ayan, nanaman ang bunganga. Di ko nalang siya pinansin.

"MANANG LIN!" Sigaw ko.

"Oh bakit Adrianne? May problema ba?" Sabi niya, nagmadali siyang lumakad papalapit samin.

Tumakbo yung babae kay manang. At chinecheck yung buong katawan ni Manang.

"Manang okay lang ba kayo? Wala bang masakit sa inyo?" Naaalalang tanong niya kay Manang.

"Okay lang ako hija. Bakit?" Sagot ni Manang.

"Eto po kasing babaeng to, hindi matigil. Killer daw ako! At sinaksak daw po kita." Paliwanag ko kay manang.

"Naku namang bata ka Jaina. Anong sinaksak pinagsasabi mo?" Tanong niya kay baliw. Jaina pala pangalan niya. Cute ah!

"Nakita ko po eh. Nandon ako sa may halaman sa labas habang nakita ko kayo, at eto (dinuro ako) sinaksak ka po niya." Paliwanag niya.

"Wala akong ginwang masama, okay?" Ang kulit talaga neto.

"Pero---" Natigil siya nang magsalita si manang.

"Jaina hija, okay lang ako. Wag kanang magalala. At itong sinasabi mong killer, si Adrianne yan. Kababata ni Cassie." Paliwanag ni Manang.

"Wala naman po akong nbabalitaan kay Cassie na may dadating siyang kababata niya." Kulit neto oh.

"Di nya din kasi alam na ngayon na ang dating ko." Sabat ko.

"Okay." Pairap niyang sagot. Sabay tingin kay manong guard.

"Manong pasensya na sa inasal ko kanina." Aba. Mabait pala tong babaeng ito.

"Okay lang po maam." Ngumiti nalang siya kay manong.

"Manang, una nako. Goodnight po!" Kay manang nagpaalam sakin hindi, aba matinde! Pero sabagay di pa nman kami close eh.

"Sige hija." Sagot ni Manang. Ngumiti nalang din ulit si Jaina.

Palabas na siya ng pinto nang...

*Boooogsh

ARAY! Dadaan nalang binunggo pa ako. Grabe talaga tong babaeng to.

"EXCUSE ME HA?" Sarkastiko kong sigaw.

"EDI DUMAAN KA!" ABA! ABUSO TO AH.

"AYOKO NA DUMAAN, MAY PANGET KASI EH." kala mo ha? Di ako papatalo.

"SINO KAYANG PANGET SATIN ABER?"Sigaw niya.

"IKAW!" Sigaw ko din.

"IKAW KAYA!" Lumalaban.

"IKAW!" Kala niya ha. Lalaban akoooooooo!

"IKA---" O________O Sabay kaming napatigil dahil may babaeng nakatayo sa hagdan at ang sama ng tingin samin. Kinabahan kami pareho.

PATAY! Nagising si Cassie.

- - -

A/N : Alam niyo bang naka 37 reads na ang Love Again. Ikentbilibit! Hahaha. Pero guyth, thank you sa suporta XD (feelingera si Author, kala mo naman naka million reads na!) Tska nga pala, yung mga silent reader dyan. Uso mag vote at comment! :D Hihi.

Dinedicate ko tong chapter na to kay kuletmuchako, kinukulit ako sa school eh! Hahaha. Yan na ah? XD

Gising na si Cassie, Ano kayang gagawin niya sa dalawa?

ABANGAN...

Love Again (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon