Chapter1: Cassandra
Cassandra.
"Ang hirap talaga ng tanong na yon, wala kayang naka sagot samin nun!"
Namimiss ko nanaman siya, Mga ngiti niya, mga mata niya, yung ilong nyang matangos, his dimples, yung nakakakilig niyang tawa. Hayyyy! I miss him so bad :(
"Yung mga kaklase ko pa kung makapag lipstick kala mo clown, feeling magaganda, mga feeler. Hahaha!"
Miss na miss ko na yung pagkurot niya sa pisngi ko tas hindi titigilan hangga't di nangangamatis mukha ko. Kahit nakakainis, yung daw ang way niya maglambing sakin.
"Sheymay! May krass ako sa room namin , Ayyyyyyy! Ampugeee talaga niya *u*"
Sana nandito pa siya sa tabi ko, sana kasama ko pa siya, sana hindi nalang siya kinuha ni God, At sana... Sana hindi nalang nangyari yun. Sana... At naramdaman ko na may pumatak nanaman na luha mula sa mata ko.
"Oy babae, ba't ka naluha dyan? Nakakaiyak ba kwento ko?"
Baby boy ko, miss na miss na kita.
*yug yog* Bumalik na ako sa reyalidad dahil niyugyog na pala ko ni Rein.
"Ano? Bumalik ka na ba sa Earth ha? Ha Cassandra?" inis niyang tanong.
"Ay, pasensya kana Rein." Sagot ko.
"Wow, Just wow! Sa dami ng kwento ko, di ka pala nakikinig. Sayang lang saliva ko. Nakakainis ka!" sabi nyang may pagkainis.
"Pasensya kana talaga Rein, Ulitin mo nlang yung kwento mo." sabi ko.
"Naku! Nakakapagod ha. Ano ba kasi iniisip mo? Should I say sino ba ang iniisip mo? Siya nanaman ba?" tanong niya. Sasagutin ko ba ang tanong niya? Sigurado magagalit to eh! Arrgghhh, Sabihin ko na nga.
"Oo." tipid kong sagot.
"Naku ka talagang Cassandra ka! 1 year na, 1 year na siyang wala. You deserve to be happy Cassie." sabi niya.
"Ang hirap naman kasi Rein eh!" Totoo naman eh, mahal na mahal ko pa kasi eh.
"Walang mahirap kung gusto mo Cassie. Kung nabubuhay pa siya, I'm sure yun din ang gusto niya." sabi niya.
*Ringggggggg
"Una na ako Rein, Bye!" Nagpaalam na ako agad , ayoko na kasi pagusapan eh. Pero bago pa ako makalayo sumigaw siya,
"CASSANDRA, WAIT!" sigaw niya. Pero di na ako lumingon, binilisan ko nalang lakad ko.
Habang naglalakad ako, All eyes on me. Ganda eh! *Fake laugh* Hay! Hirap naman maging masaya kasi deep inside nasasaktan ka.
"Baby girl ko, ang ganda ganda mo talaga!"
Hay! Naalala ko nanaman siya. Miss na miss ko na talga si Baby boy ko. May luha nanamang pumatak mula sa mata ko.
"Baby girl ko!"
"Miss Dachii? Miss Dachii?"
*Boogsh
Aw, napatingin ako sa bumangga sakin. O___________O Si Maam Rodriguez, ang teacher ko sa Math at terror siya! Nakuuuu.
"Ano Miss Dachii? Tatayo ka nalang ba dyan at magdradrama?" sabi niya na may awtoridad na tono.
"Sorry po Maam!" nakayuko kong sabi.
"Wag mo nang ulitin yon. Go to your seat!" sabi niya.
Hay! Dumeretso na ako sa upuan ko sa 3rd row, ayoko malapit sa teacher eh! Di pa pala ko nakakapagpakilala, Ako nga pala si Cassandra Miles Reyes Dachii, Bakit Dachii? Chinese si daddy. At yung Reyes kay mommy. 17 year of age. 4th year high school sa Sunbridge University. Yung bestfriend ko si Jaina Rein Ross. Rein tawag ko sa kanya kasi wala, cute kasi ng Rein eh!
*3hours passed
*Ringgggggggg
Hay sa wakas uwian na. Inayos ko na amg gamit ko at lumabas na, hihintayin ko pa si Rein. Pero mukha di na pala, tanaw ko na siya eh! Nauna pala sakin.
"REIN!" Sigaw ko.
"Oh, tara?"yaya niya.
"Sige, tara na!" pag sang ayon ko, pero bago kami makalabas ng gate biglang tumunog yung cellphone ko, may tumatawag, Sinagot ko naman
"Hello?"Sabi ko.
"Cassandra..." sabi sa kabilang linya na nag patibok ng puso ko ng mabilis.
- - -
A/N : Okay ba yung chapter 1 ? :) Sana okay. Hahaha!
Sino kaya yung tumawag kay Cassie?
ABANGAN...