Chapter3:Andito na siya

49 2 2
                                    

Chapter3: Andito na siya

Opppps! Napatingin sakin lahat ng tao sa mall, as in lahat. Kaya walang alinlangan hinatak ko na si Rein para habulin yung magna na yun.

"HOY!  BAT KA NANGHAHATAK DYAN?"

"CASSIE, BAT KA DIN BA NASIGAW?"

Wala na, di ko na nakita sila kuyang napatid. Kainis kasi tong si Rein eh. Arggghhh!

"HOY! KINAKAUSAP KITA! SINO BANG HINAHANAP MO DYAN?" Sigaw ni Rein sakin. Maka sigaw?

"EH KASI NAMAN NAKITA KO SI KUYANG NAPATID. PERO DAHIL DYAN SA BIBIG MONG KUNG MAKASIGAW WAGAS, DI KO NA TULOY SILA NAKITA! NAKAALIS NA ATA. OH ANO MAY TANONG KAPA?" Sigaw ko kay Rein. Kainis eh!

"Ay sorry girl. Di ko alam eh! Busy kasi ako sa katext ko eh." Paliwanag niya.

"Oo na. Tapos na din naman. Wala na sila!" Hay! Sayang. Di ko naabutan. Di tuloy siya nakatikim ng flying kick mula kay Cassandra The Great!

"Saan mo ba nakita yung magna na yon?" Tanong ni Rein.

"Yung grupo ng lalaking dumaan sa gilid mo, isa siya doon! Shemay nga eh, di ko kasi naabutan!" Sayang talaga.

"Sorry talaga girl. Baka makita natin ulit sila." Sabi ni Rein.

"Manalig-________-" Kanisssss.

"Sareee na bisprin. Mahal naman kita eh! Ayiiiie, bati na kami!" Pang aasar ni Rein.

"Pwes hindi kita mahal." Sabay walk out ko. Woooooooh, Best actress! XD

"Awtsuuuuuu" Sabi ni Rein habang hinahabol ako. HAHAHA, Si Rein talaga. Hay, di ko matiis si Rein. Bestfriend eh ❤

Nagpara na ako ng taxi. Buti naabutan ako ni Rein, kung hindi. Iwan ko siya! *evil grin*

"Hoy babae, may balak kang iwan ako?" Tanong niya.

"Oo." Tipid kong sagot.

"Aba at----" Natigil siya, pinanlakihan ko ng mata eh!

"Joke lang yun Cassie. Ikaw naman!" Hahaha. Sarap pagtripan ni Rein.

"Saan po tayo maam?" Tanong ni Manong driver.

"Sa Moonlight Subdivision po." Cute ng subdivision no? Shimpri XD

Magkapit bahay lang kami ni Rein kaya ganun. Magbestfriend kasi parents namin eh! Kaya siguro naging magbestfriend din kami.

"Girl, di ka pa pala bumili ng phone kanina." Sabi niya habang may katext. Aba! Napapadalas ata pagkikipagtext neto.

"Tommorow nalang. Saturday naman eh. Wala rin kasi akong dalang pera kanina. Naiwan ko sa bahay yung mga credit cards ko eh!" Sagot ko sabay tingin sa bintana.

"Dapat nanghiram ka nalang sakin." Busy padin sa katext niya.

"Bayaan muna. Bukas nalang!" Ano kaya yung sasabihin dapat ni Daddy kanina? Hay. Baka importante yun. Kaasar kasi tong si Kuyang napatid eh! Walang magawa sa buhay. Napagtripan pa phone ko >________<

Sayang yung mga pictures namin doon. Inalagaan ko pa naman yun. Isa yun sa mga ala ala ko sa kanya.

Tssssssssss. I hate this feeling. Why? Bakit di ko pa din ma let go yung feelings ko sa kanya? Bakit? Patulo na yung luha-----

*Let it go

Let it go , let it go

Can't hold you back anymore

Let it go, let it go

Turn away and slam the door~ *

WOW! Alam niyo yung feeling na nag dradrama ka tas yung bestfriend mo biglang magpapatugtog ng Let It Go? AMAZING! >______< Yung luha ko tuloy umusog! Tss.

"Maam, andito na po." Sabi ni manong driver.

"Oy Rein, dito na tayo. Gusto mo maiwan dyan? Sabihin mo lang." Dumaretso na ako pababa ng taxi.

"Grabe ka naman Cassie. Your hurting my feelings." Sumunod na din siya bumbaba sa taxi.

"Kuya, magkano po?" Tanong ko kay manong driver.

"150 po." Sagot ni Manong driver.

"Oy Rein, 150 daw." Sabi ko pagkatapos ko siyang kalabitin.

"Oh bat ako?" Tanong niya sakin.

"Ay te, baka may pera ako diba? Diba nga naiwan ko credit cards ko." Kainis naman to.

"Ay sareee." Dumukot na siya sa wallet niya.

"Kuya, eto oh! Salamat po." Sabay abot niya ng pera.

"Sige po. Salamat din po." Umalis na si kuya.

"Oh pasok na ako Rein." Paalam ko kay Rein.

"Sige girl. Goodnight! Labyaaaaa." Sabay beso niya sakin.

"Sige. Goodnight din. Labyatu!" Lumakad na ako papasok ng bahay. Ganun din yung ginawa ni Rein.

Pinagbuksan na ako ng gate ng mga maids. Taray may maids no? Hahaha! Oh, tawa naman kayo dyan! XD

"Andyan na po si ate?" Tanong ko kay Manang Lin.

"Wala pa Cassie eh." Sagot naman ni Manang. Di ko pa nasasabi sa inyo, may kapatid ako. Si ate Jhemilla Sofia, 20 y/o. Si kuya Brian James 21 y/o. Oh diba? Bunso :)  Hihihi.

"Sige po. Akyat po muna ko." Paalam ko kay manang. Pahinga muna ko. Kapagod eh!

"Teka! Kumain ka na ba?" Nagaalalang tanong ni Manang. Ay, di pa pala ko nakakakain. Naudlot kasi eh!

"Di pa po eh. Pahatid nalang po ng pagkain sa kwarto ko. Pagod po kasi ako eh!" Tama, don nalang ako sa kwarto kakain. Imemessage ko pa si Daddy.

"Oh sige." Nginitian ko nalang si manang at dumaretso na ako sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ko, tumalon ako sa kama ko. Woooooh! Sarap. Pero napatayo agad ako kasi naalala ko si Daddy. Kinuha ko na yung netbook ko. At agad na minessage si Daddy.

-

Daddy, Sorry po about kanina. Naisnatch po yung phone ko eh. Tomorrow pa po ako makakabili. Ano nga pala yung sasabhin nyo po?

-

Sending... Sent! Hayyy. Tagal nama magreply ni Daddy. Hahaha! Oa ko ba? Paki mo? :P Joke.

*Beeeeeeep

Nagreply na si Daddy. Inopen ko na.

-

Ah ganun ba. I have something to tell to you. Remember Adrianne? He will be studying in your school. And he will staying in our house until his parents arrived there. Ok? Be nice to him. I love you. Take care.

-

  Oh myyyyyyy! I hate that guy! Arghhh. Bakit dito pa siya mag sstay? Kainis naman oh.

*Tok tok tok

"Cassie?"

"Pasok po manang." Pinapasok ko na si manang. Pero wala siyang dalang pagkain. Asan?

"Asan po yung dinner ko?" Tanong ko.

"Ay hija, di ko na inakyat. May bisita ka kasi eh! Sabayan mo nalang siyang kumain." Bisita? Sinooooo?

"Sino po?" Tanong ko ng may pagtatakang tono.

"Si Adrianne." Daretso sagot ni Manang.

Andito na siyaaaaaaaaaaaa??????

- - -

A/N : Chapter 3 done. Hahaha! Yung mga nag papadedicate dyan. Next time nalang! :) Hahaha.

Sino kaya si Adrianne sa buhay ni Cassie?

ABANGAN...

Love Again (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon