Xylarah's POV
It's Saturday at lumabas ako para kumuha ng bagong phone.
Wala akong matipuhan na phone kaya pumunta ako sa iba pang shop.
Nakita ko yung S9 na samsung kaya yun na ang binili ko.
Nag-ikot ikot ako pagkatapos. Sa second floor, may salon at naisipan kong magpagupit.
Pumasok ako.
"Hai beautiful girl. Would you want to cut your hair?" Bati sa akin ng baklang nandun sa salon.
Ang salon ay pang-sosyal kaya I trust this salon. At nakita ko si Anne Curtis na nag pa cut ng hair sa dulo ng salon.
"Ako ng bahala sa hair style mo." Sabi sa akin ng bakla.
Ginupitan niya nga ito at nakita kong naglagasan ang mga buhok ko.
Oh my gosh. Goodbye long hair.
Na amaze naman ako sa kinalabasan.
Tinignan ko ang salamin at ang resulta talaga ay maganda.
"You are so beautiful. Bagay na nga sa iyo ang long hair pati ba naman ang short hair." Sabi ng bakla.
Binayaran ko ng mahal ang bakla at lumabas na.
"Magugustuhan kaya ito ni Luke?" Tanong ko kay Carla. Kausap ko siya ngayon sa video chat.
"Oo naman. Ang ganda ganda mo kaya. Teka. Bakit? Anong meron kay Luke?"
Napa-smile naman ako ng matamis.
"Ayieehh!!Bakit kayo na ba?" Tanong niya. Hindi ako nakasagot at nakangiti na lamang. "Ayiieeh!! Sila na nga! Kailan pa?"
"Kahapon lang."
"OMG!!Bes congrats."
"Thank you. Eh ikaw kailan ka naman magkakaroon?"
"Saka na nanliligaw pa lamang eh."
"Ayieeehhh. Sino?"
"Secret muna natin ito ah. Si Dave Fortalejo."
"OMG. Yung kaibigan ng sweety pie ko mismo?"
"OO."
Natawa na lamang ako. Mabuti na lang memorize ko pa din no. niya.
Inend ko na yung call at nanatiling nakaupo sa bench. Hinihintay ko si Manong Bruce. Asan na nga ba iyon. At saktong andito na siya.
Sumakay na ako pauwi.
BINABASA MO ANG
WHEN IN HIGH SCHOOL DAYS (Completed)
JugendliteraturAkala ni Xylarah, walang nagmamahal o magmamahal pa sa kanya dahil mataba siya. Pero dumating si Luke at pinatunayang may magmamahal pa din sa kanya.. Sa buhay, walang nagkataon lang. May mga dahilan kung bakit ito nangyari. Huwag mawalan ng pag as...