C14-SEXY

4.7K 48 1
                                    

Carla's POV

Naglalakad kami ngayon sa hallway ng school kasama si Xylarah.

Bawat taong nadadaanan namin ay nakatingin kay Xylarah lalo na ang mga kalalakihan.

Alam niyo kung bakit?

Simple lang. Sumexy si Xylarah ng husto. Ayon sa kanya, in the past four months and counting, naging 37 na ang kilo niya. Parehas kami.

Tumangkad din siya. Dati nung mataba pa siya, mas maliit siya kaysa sa akin. Ngayon ay magka height na kami at parang kambal sabi ng iba.

Natutuwa naman ako dahil magkasing ganda kami ni Xylarah.

May nanliligaw nga pala sa akin pero ni isa sa kanila ay hindi ko sinasagot.

At  ngayon, sigurado na ako na may manliligaw na kay Xylarah.

"Bes. Grabe sila makatitig sa iyo ha. Ang haba ng hair mo!" Sabi ko sa kanya.

"Hahaha. At least magkapareho na tayong maganda." Inikot niya pa ang katawan niya.

Civilian day namin ngayon kaya hindi kami naka uniform.

Pareho kaming nakatattered pants at isang blouse. Makinis ang maputi naming balat.

Pagkapasok namin sa classroom, nakita naming naghahalikan sina Kyla at Luke. Dadalawa lang kasi sila sa loob kaya ayun ang scene. Hays.

Tinignan ko si Xylarah at magsisimula na siyang umiyak. Oo mahal pa din niya talaga si Luke.

Nakita ito ni Luke kaya tumakbo palayo si Xyla. Hinabol naman ito ni Luke. Pinabayaan ko na lamang silang mag-usap.

Tinignan ko ng masama si Kyla.

"Bilang SSG President dito, alam mo ba na bawal ang intimacy dito sa campus?" Sarcastic kong tanong. Hindi siya nakasagot at nakatulala na lamang. "Huh. Malalagot ka.!" Sabi ko saka sinundan sina Luke at Xylarah para in case may mangyayaring masama, andito lang ako sa tabi niya. Yan ang mag bestfriend. Laging nagtutulungan.

Hays. Kumusta na kaya si Xylarah.

Nakita ko silang nag-uusap sa garden. Umiiyak pa din si Xyla. Hindi ko na sila nilapitan at nakinig na lamang.

Luke owe an explanation, an acceptable explanation.

WHEN IN HIGH SCHOOL DAYS (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon