C18-I LOVE YOU TOO

4.8K 55 0
                                    

Xylarah's POV

Napag pasiyahan kong huwag munang umuwi. Naki text ako kay Luke at nag message sa yaya namin na may pinuntahan lang ako.

Nandito kami ngayon sa park sa subdivision namin nina Luke. Ngayon ko lang nalaman na dito din sila naninirahan kaya nga lang magkalayo kami.

"Sino nga pala yung mga yun Luke?" Tanong ko kay Luke.

Nakaupo kami sa bubong ng sasakyan habang tinitingala ang kalangitan na puno ng bituin.

"Sila ang JKL Gang. Si Jake ay dati naming kabarkada."

"Bakit nagkaganun siya kung kabarkada niyo siya? I mean mabait ka pati sina Kyle, Dave at James."

"Dati kasi, magpapartners ang mga tatay namin sa business. Nung dumating si Eunice sa buhay niya. Na inlove ito ngunit iba ang mahal ni Eunice at ito ay si Dave ngunit hindi naman mahal ni Dave si Eunice. Na mis interpret niya ito at nagalit sa aming lahat. Ayun nag transfer ng school at bumuo ng gang para maghigante sa amin. At ako pa ang kinaiinisan niya kasi ako daw ang parang boss nila Dave, James, and Kyle which is not true. We are friends and we value it. No leader, no rules, just pure happiness."

"So ganun pala." Nag nod ako.

"Sorry ha at nadamay ka pa. Hindi ko alam na nag spy pala talaga siya sa amin." Paliwanag nito.

"It's okay."

Saglit kaming natahimik.

Luke's POV

Binasag ko ang katahimikan.

"Ahmm. Tungkol pala sa nangyari kaninang umaga." Nabigla siya.

"Ah. Huwag na nating pag-usapan yun. Alam ko namang may mahal ka ng iba eh."

Ipinaliwanag ko sa kanya na ipinagkasundo lang kami at ngayon hindi na dahil na kick out na si Kyla sa school.

"Ganun ba? Okay." Sabi naman nito.

"You know what? Mahal din pala kita?" Nagulat siya at nag blush.

"Huwag ka ngang magbiro!" Tumawa siya ng pilit.

"Nung una palang kitang nakilala nahulog na ako sa'yo. Nung nahuli mo akong nakatitig sa'yo, doon unang tumibok ang puso ko. At nung naging alalay kita, dun na ako totally nainlove. Ngayon ko lang na realize at nung sinabi mo sa akin na mahal mo ako. Nasiyahan ako ngunit bago ko sabihin sa iyo na mahal din kita ay pinili kong ayusin muna yung sa amin ni Kyla. At ngayon." Hinawakan ko ang kamay niya. "Mahal din kita. Pwede ba akong manligaw?"

Xylarah's POV

Pagkasabi niya yun ay hindi ko alam ang isasagot kaya natawa ako.

"Bakit ka manliligaw eh mahal kita at mahal mo din ako?" Tanong ko.

"So what do you mean?" Tanong nito.

"Tayo na!" Napatayo siya at napasigaw ng yes!

Tawa lang ako ng tawa.

I know it's very quick, gugustuhin ko pa bang maghirap siya?

WHEN IN HIGH SCHOOL DAYS (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon