Xylarah's POV
"Ganun ginawa nilang lahat sa iyo?" Tanong sa akin ni Carla ng ikinuwento ko sa kanya ang nangyari kahapon.
"Oo." Maluha-luha kong sagot.
"Grabe sila. Kahit nakaganti ka, ang sama pa din ng ginawa nila. Bullying yun."
"Ano bang magandang gawin sa kanila?"
Lumapit siya sa tenga ko at ibinulong na "Magpapayat ka!"
"Hah?" Pasigaw na tanong ko. Nagulat tuloy lahat ng kumakain sa canteen. "Sorry." Sabi ko naman.
"Oo magpapayat ka para sa ganun hahangaan ka na ng ibang babae dyan. Maganda ka kaya kaso nga ang taba mo." Sabi niya.
Hindi ko alam kung susundin ko ba ang sinuggest ng friend kong si Carla. I don't think it's a good idea. Babaguhin ko ba talaga ang sarili ko para matanggap lang ng iba?
Naglalakad ako papuntang CR habang nag-iisip ng biglang may sumampal sa akin. Nagulat naman ako.
"Aray!" Sigaw ko. Pero tawanan lang sila. Parang ang sumampal sa akin ay ang leader nila. Oo maganda siya, payat pero hindi naman kaseksihan. She's too skinny which I had never wished to be.
"Anong ginawa ko sa iyo para sampalin mo ako ha!?" Galit na tanong ko.
"Wala. Trip lang namin eh. Ang taba mo kasi. Ikaw lang ang naiiba sa campus na ito. Ang bagay sa iyo sa public school ka mag-aral, hindi dito sa exclusive at private school na ito. Pweeh!" Tapos tawanan silang lahat.
"At anong tingin mo sa sarili mo? Sexy?" I laughed sarcastically. I have a bad side just so they know. "Look at yourself, you're too skinny to be called sexy. Ako, oo mataba ako pero that doesn't mean, you have the right to say or demand where I should be. Nakapunta ka na ba sa mga public schools? Coz' I don't think you did kasi sa public schools, hindi lahat cheap at hindi lahat matataba. Just those ignorant people says it." I raised my right eyebrow.
"Ah ganun?" Sinabunutan niya ako pero hindi ako nagpatalo at dinaganan pa siya. Syempre ako ang kawawa kasi may kasama ang bruhang ito ako wala. Para akong isang punching bag dahil sa marami sila. Then I started to cry.
Umiiyak na ako ng biglang may umawat sa amin. Tumakbo ang lahat ng kababaihan na nang bully sa akin.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa floor. Gulong-gulo ang buhok ko. Umiiyak pa din ako habang inaayos ang sarili ko.
"Heto tissue oh." Abot sa akin ng isang lalaki. Nang tignan ko siya. It's Luke Garcia.
Hindi ko inabot pero di ko alam kung bakit sinampal ko na lang siya. I think it's because he's one of the bullies.
Inayos ko muna ang sarili ko at pumasok sa loob ng classroom. Nginitian ko na lang si Carla at umupo sa upuan ko.
Maya-maya, pumasok naman ang grupo ni Luke. Sina James, Kyle at Dave ang mga ito. Bale apat sila.
Tumabi sa akin si Luke pero walang pansinan.
Nung Math subject na naman, nagpa worksheet ang titser namin. And as usual, natapos ko agad.
Pero hindi ko inaasahan na nauna siya. Si Luke. Tinititigan niya ang papel ko.
" Your answer in item no. 6 is wrong." Nang sinolve ko ulit. Tama siya.
"Thanks."
"Alam mo naman palang mag thank you. Sampal pa ang ginawa mo sa akin." Pabulong na sabi niya ngunit narinig ko yun.
"Sorry ha kasi naman lahat pala ng estudyante dito, bully at lakas maka judgemental. Like you Luke kaya naman kung gumawa ka ng kabutihan, sana hindi na sa akin okay?"
Natahimik siya. Wala ng nangyari hanggang dismissal.
Umuwi ako agad at hindi na tumungo uli sa canteen. Bagkus deretso na ako sa bahay. Nagpasundo ako kay Mang Bruce.
Hays.! Buntong-hininga ko nung nandoon na ako sa bahay.
I finally decided na mag diet.

BINABASA MO ANG
WHEN IN HIGH SCHOOL DAYS (Completed)
Ficção AdolescenteAkala ni Xylarah, walang nagmamahal o magmamahal pa sa kanya dahil mataba siya. Pero dumating si Luke at pinatunayang may magmamahal pa din sa kanya.. Sa buhay, walang nagkataon lang. May mga dahilan kung bakit ito nangyari. Huwag mawalan ng pag as...