C10-STAY

4.9K 53 2
                                    

Luke's POV

Hindi ko pinapahirapan ng husto si Xylarah kasi ayoko eh. Naaawa din naman ako sa kanya eh.

2 linggo na kaming ganito. Ako yung master at servant ko siya.

Aaminin kong naaakit niya ako minsan. Kasi naman mas lalo siyang gumanda nung mapagtanto kong pumapayat siya.

"Aminin mo nga Luke. Inlove ka na ba kay Xylarah?" Tanong sa akin ni James. Wala si Xylarah kasi nag CR muna.

"Hindi sa ganun pare. Ang sitwasyon namin sa isa't-isa ay ako ang master niya at alalay ko lang siya. Yun lang yun. Wala ng iba.At saka paano ako magkakagusto sa isang tulad niya?"

"Sa bagay." Agree naman nilang lahat.

Xylarah's POV

Narinig ko lahat at lalo akong nanghina. Ang totoo kanina pa ako ganito. May sakit ata ako. Ubo pa ako ng ubo.

Hindi ko alam pero lumuha ako at sakto namang nakita ito ni Luke.

"Teka, Xylarah. Sandali!" Sabi niya.

Dahil hinang-hina akong tumakbo, nahabol niya ako. Nakatalikod ako sa kanya habang nakasandal ako sa pader.

"Bakit ka tumakbo Xylarah?" Tanong nito.

Humarap naman ako sa kanya. Pinunasan ko muna ang aking mga luha.

"A-ah w-wala (ubo) nak-kalimutan k-ko lang y-yung bag ko. (Ubo) Sige una na ako ha."

Tatalikod na sana ako ng hinila niya ako at dun naman naramdaman kong wala na akong malay.

Luke's POV

Karga-karga ko si Xylarah at itinungo sa school clinic.

"Ang kaibigan mo ay nakaranas ng matinding stress at fatigue. Mas makakabuti sana kung magpapahinga muna siya. Pakisabi na lang sa mga magulang ni Xylarah na okay lang siya."

"Thank you doc." Sabi ko.

Ano ba naman tong babaeng ito. May pinagdadaanan pala pero wala man lang siyang pasabi. Lalabas sana ako pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko habang nakapikit.

"Stay. Please stay." Umiiyak pero nakapikit nitong sabi.

"Yes. I will stay."

Hawak-hawak ko pa din ang kamay niya sa mga sandaling iyon.

Her skin is so pale. Putlang-putla talaga siya.

Nag-aalala ako para sa kanya.

Kasalanan ko ito eh. Bakit ko pa siya pinayagang maging alalay ko. Ang tanga tanga ko din ano.

"Huwag kang mag-alala Xyla at hindi na kita pahihirapan pa." Sabi ko sa kanya habang natutulog pa lamang.

Teka matawagan nga parents nito. Kinuha ko yung phone niya at hinanap agad ang contacts. Mabuti na lamang dahil wala siyang password.

Inuna ko muna ang kanyang ina pero out of coverage pati din ang kanyang ama.

Bakit ganun?Hindi ba sila nag-aalala sa anak nila? I havent seen any of her parents. Ang alam ko lang they own a company.

WHEN IN HIGH SCHOOL DAYS (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon