C9-AM I INLOVE?

5K 57 3
                                    

Xylarah's POV

Bawat araw ay may pinapagawa si Luke. Mga assignments, projects at nagpapalibre ng kung anu-ano dyan.

Heto na nga kami naglalakad papuntang library.

"Xylarah, give me my phone." Utos na naman niya sa akin.

"Eto na po My King!" Sarkastiko na naman kong sabi.

"May angal ka?" Humarap siya sa akin.

"A-ah wala po." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Parang pumayat ka ha? Pero bakit maputla ka?" Tanong niya sabay hawak sa noo ko. "Wala ka namang sakit ha."

"Ha ganun ba?" Hehe tumawa na lamang ako.

"Xylarah, nagdi-diet ka ba?" Namula ako. Ayaw kong aminin sa kanya.

"A-ah e-eh." Napakagat ako sa labi.

"I know it wala namang masama dun eh. Basta huwag lang masobrahan kasi magkakasakit ka niyan eh."

Sa pagkakasabi niya nun ay bumilis na naman ang tibok nitong puso ko. Oh M G. Sinabi ba niya yun talaga?

"Oh bakit natulala ka?" Tanong nito.

"A-ah wala. Wala." Sabay ngiti kahit ayoko.

Nang makapasok kami sa library, lahat nakatingin sa amin. Lalong-lalo na sa akin. At masamang tingin pa.

Oo nga pala heartthrob si Luke at ako hindi kagandahan at mataba pa. Pero bakit ko naman iisipin yun? Kaano-ano ko ba siya?

Ipinilig ko na lamang ang ulo ko.

Update ko lang kayo. 50 kg. na ang weight ko pero may bilbil pa din ako at plano ko yung tanggalin in 3 months.

Hindi ko na lamang sila pinansin kasi alam kong wala akong mapapala at mapapaaway pa ulit ako tulad nung nangyari sa akin malapit sa CR. Ano na nga palang pangalan nun? Ah basta.

"Ano yang binabasa mo?"Tanong sa akin ni Luke. Magkaharap kami ngayon habang nagbabasa ng libro.

"Ah wala. It's a mystery categorized book. Ikaw master?" Ngayon naman master hahah.

"Mas gusto ko na ang master kaysa my king. Kaya yun na itawag mo sa akin."

"Okay master." Nang pinagpatuloy niya  ang pagbabasa, tumingin ako sa kanya ng masama.

Pero bakit ganito? Tuwing kasama ko siya palagi na lamang tumitibok ng mabilis ang puso ko. May mga slow motion moments pa ako sa kanya.

Am I inlove or something? No! Not this man please.

WHEN IN HIGH SCHOOL DAYS (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon