Hindi ko mapigilang mapangiti nang sinundo namin si Reuben sa lobby ng isang Hotel and Resort na malapit lang sa Airport. Ang sabi niya sa amin ay doon na lang niya na lang kami hintayin.Mahigpit siyang niyakap ni Evelyn bilang pagsalubong nito. Bakas sa kanilang mukha ang saya nang magkakasama na naman silang dalawa. Pero syempre, niyakap din ako ni Reuben na friendly hug lang naman.
"Ang akala ko bukas pa ang dating mo." Sabi ko sa kaniya nang kumalas na ako ng yakap mula sa kaniya.
Ngumuso siya at umiling. "May nakuha naman akong flight na mas maaga pa kaya iyon nalang ang kinuha ko. So how are you?"
I pressed my lips as they watching me, waiting for my response. Isang pekeng ngiti ang ipinakita ko sa kanila. "I'm fine, don't worry..." I answered. Okay, defense mechanism again, Marguerite.
Hindi na kami nagtagal ay umalis na kami sa naturang Hotel and Resort. May nakuhang sasakyan si Evelyn para mairenta namin iyon for a short time. Ayos din naman. For in case na balak nilang umalis para pumunta kung saan-saan ay walang poproblemahin sa sasakyan. Sa pagkakatanda ay balak pumunta sa mga beach itong si Evelyn at sasamahan siya ni Reuben. May balak pala mag-date ang dalawang ito na ngayon ko lang din nalaman.
Ang totoo n'yan ay masaya ako para sa kanilang dalawa. Hindi ko nga inaasahan na magiging sila dahil sa pagkatanda ko ay hindi naman 'yung tipong mapapansin ni Reuben ang tulad ni Evelyn pero ewan ko, habang nakikita ko silang matagal na magkasama, they are almost perfect when it comes in a relationship. Tipong hindi sila mauubusan ng topic, may asaran man magaganap na parang natural lang din sa kanila. Kabaliktaran namin ni Farris. Sa una lang sweet pero wala nang pag-asa sa huli.
"Hon, bukas daw pyesta sa Paraiso, I want to experience it." Tuwang-tuwa na sabi ni Evelyn kay Reuben na nasa tabi lang niya ito. Si Reuben kasi ang pumalit na driver habang ako naman ay nasa back seat. "Shall we? Nagtanong-tanong din ako sa mga lokal doon, mayroon daw silang sinasabing 'bailehan...?' Parang diskohan..."
Reuben's lips curved while his eyes is still on the road. "It sounds interesting, hon. Sure, for you. Let us go there, syempre kasama si Marguerite. Hindi pwedeng maiwan ang isang iyan baka mabalitaan nalang natin kinabukasan iyan, nagbgti na." He suggested with his playful voice.
Natawa si Evelyn.
Napangiwi ako. "D*mn you, Reuben. Kakarating mo lang dito pero binabaha mo na naman ako ng kalokohan mo. Tss." Pagtataray ko pa sa kaniya. Humalukipkip ako.
He chuckled. "I'm just kidding, alright? Masyado mo namang dinibdib." Pang-aasar pa niya. "By the way, I'm pretty sure your Farris is like a mad ape when he read my text message for you. Big time!"
Bumaling sa kaniya si Evelyn na hindi nawawala ang ngiti. "Sinabi mo pa, hon! Kung nakita mo din iyon, paniguradong humahagalpak ka din ng tawa." Segunda pa ni Evelyn. Lumingon siya sa akin. "Lukot na lukot ang mukha! Kahit ikaw, matatawa ka rin kahit na sabihin nating mabigat pa ang problema mo sa kaniya."
"Alam mo ba ang ibig sabihin n'on, Marjo"? Biglang tanong ni Reuben.
Tumaas ang isang kilay ko. "Eh ano?"
Nagkatinginan kaming dalawa sa pamamagitan ng rearview mirror na nasa kaniyang harap. "He still loves you. Kahit na sabihin nating sobrang galit siya sa ngayon, may natitira pa rin naman siyang pagmamahal para sa iyo."
Huminga ako ng malalim. Ayokong mag-assume dahil sa sinabi ni Reuben. Ayokong iyon ang magiging daan para bumuhay ulit ang pag-asa ko na bumalik ang lahat sa dati.
"Hindi natin alam ang totoo niyang pakay, Reuben. Medyo kontento ako ngayon. Ang importante sa akin sa ngayon ay may trabaho pa rin ako. I need to survive."
BINABASA MO ANG
Unbounded Fondness | Editing
RomanceNakilala mo lang siya nang hindi sadya. Hindi ka interisado o isa man sa mga humahanga sa kaniya. Busy ka nga kasi. Pero isang araw, hindi ka pa man nakatanggi ay walang kaabog-abog na niligawan ka niya. Di bale mahirapan basta makuha lang ang matam...