Chapter 27

560 16 0
                                    


After that meeting, inaya ako nina Farris na bumalik muna kami ng Maynila. Ang sabi ay may kailangan kaming kitain sa lalong madaling panahon. Wala naman akong magagawa kungdi sumama. Naiwan naman sa La Hermosa sina Evelyn at Reuben para may magtitingin pa rin sa mga residente at iba pang pasyente. Naroon din naman si ate Alyrra, magagabayan siya nito habang wala ako doon.

Tumigil kaming lahat sa isang malaking Mansion. King Henry daw ang ipinangalan dito. Napaawang ang bibig ko habang tinitingala ang bahay na ito. Ang sabi nila, matagal na daw ang bahay na ito, buhat na dito pa daw nakatira ang mga lolo nila noong mga binata pa daw sila, ito daw ang nagsisilbing dorm habang nag-aaral sila sa Stoneford. Pero dahil may kani-kaniyang pamilya na daw ang mga lolo nila, ginagawa na daw nilang lugar kapag may seryosong pag-uusapan. . . Parang head quarters, ganoon.

"F-Farris. . ." Mahinang tawag ko sa kaniya. Mas humigpit ang pagkahawak ko sa kaniyang kamay dahil na din sa kaba at takot na umaahon ngayon sa aking sistema.

"Don't worry, babe. I'm with you. Hindi ka nag-iisa ngayon sa laban na ito." Marahan niyang sambit saka ngumiti.

I release a small sighs and smile a bit. Mukhang umipekto naman ang sinabi niya sa akin. Tumango din ako para lakasan ang loob ko.

Nang bawiin niya ang kaniyang tingin ay kusang nag-iba na rin ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Let's go." Seryosong anunsyo ni Farris sa mga kasamahan namin. Nauna siyang humakbang papasok sa malaking mansyon.

Pinagbuksan kami ng double door na mismong entrada ng naturang mansyon. Mas nagulat ako kung ano ang nasa loob nito. May mga nakahilerang mga maid at butlers! Kahit ang mga kagamitan sa loob ay sumisigaw sa karangyaan! May mga malalaking paintings na nakasabit sa pader. Labing dalawang matatandang lalaki ang nasa nag-iisang malaking portrait! Paniguradong mga lolo nila ang mga iyon! Hindi lang iyon, may paintings na kasama ng lolo nila ang mga lola nila. . . Hanggang sa kani-kaniyang family portrait na!

May lalaking nakatayo at nasandal sa handrail ng grand staircase bilang pagsalubong sa amin. Nakangisi siya nakatingin sa aming direksyon. "Welcome back, guys." Natatawang bati niya.

"Kuya Henry!" Bulalas nina Irinah, Eula at Star! Halos umaibas sila ng takbo patungo sa lalaki. Sina Irinah at Eula ay niyakap nila ang bewang nito ng mahigpit. Si Star naman ay halos nagtatalon-talon sa tuwa. "Kailan ka pa dumating?" Si Irinah ang nagtanong.

"Kani-kanina lang, alam kong emergency ang pagtawag ninyo sa amin. Kasama ko din si Megumi papunta dito sa Pinas. So. . . They're waiting for us." Saka bumaling siya sa akin, hindi nawawala ang magaan niyang ngiti. "You must be Dra. Apostol, right? Welcome to the King Henry Mansion."

Bahagya akong tumango at tipid na ngumiti. Kahit papaano ay sinagot ko ang pagbati niya. Subalit muli ako binalutan ng kaba at takot dahil sa sinabi niya. Papaano kung narito din si Mr. Keith Wu? Paniguradong magagalit siya dahil magkasama kami ni Farris. . . Sa pagkaalam ko ay hindi pa rin alam ni Farris ang tungkol sa deal namin noon ng kaniyang tatay.

Ilang lakad pa ang ginawa namin hanggang sa narating namin ang tapat ng malaking double door. Sige pa rin ang pagkalabog ng aking puso. Binabaha na ako ng takot ngayon. Lalo na't wala pa rin akong ideya kung ano ang nasa loob ng malaking pinto na 'yan pero grabe ang nararamdaman ko ngayon. Ngayon palang pinagpapawisan na yata ako ng malamig dahil sa nerbyos!

Binuksan ng dalawang butler ang malaking pinto. Bumungad sa amin ang isang malawak na silid! Kulang nalang ay pwede na magparty dito lalo na kung marami kang kakilala o kaibigan! As we esxpected, hindi lang isa o dalawa ang naroon. . . Marami ang naroon!

As we step in, ang lahat ng tao na nasa loob ng silid na ito ay napatingin sa amin na tila nakuha namin ang kani-kanilang atensyon mula sa kani-kanilang ginagawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 20 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unbounded Fondness | EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon