Chapter 4

1.3K 55 2
                                    


DIAMOND

Kinabukasan ay maaga akong ginising, or should I say ay maaga akong binulabog at saka ginising ni Silver! Wala pa naman akong masyadong tulog kaiisip sa mga maaaring mangyari sa akin rito lalo na't mga gangster ang mga makakasama ko rito sa Shi University. Kung tutuusin, kapag nasa ranggo ay ikatlo ang gangsters sa pinaka-malakas, at ika-apat lang kaming mga agents, kaya't kakabahan talaga ako. Nangunguna naman ang mafia, at saka sumunod ang assassins at reapers.

Narito nga pala ako ngayon sa loob ng CR at nag-bibihis ng uniform habang reklamo ng reklamo naman si Silver sa labas. Jusko! Parang kahapon lang ay ang tahi-tahimik niya. Tapos ngayon, kung maka-bunganga sa akin ay parang close na close na kaming dalawa.

Matapos kong mag-bihis ay kaagad akong tumingin sa salamin at saka muling isinuot ang contact lens ko. Sa CR ko rin 'to tinanggal kanina para walang makakita. Sabi kasi ni Dad, walang puwedeng maka-alam na ako ang may pulang mata. Hindi niya naman in-explain kung bakit, ngunit sinunod ko na lang. Alam ko namang para 'yon sa safety ko.

Simple lang naman ang uniform namin. Isang longsleeve na kulay puti, tapos ay may necktie na itim na may dalawang slanted na stripes na puti sa dulo, at saka isang itim na palda na pinartneran ng itim na pares ng sapatos. Itinali ko na rin ang buhok ko pataas at saka ko isinuot 'yong Axis weapon watch at saka classification ID na ipinadala sa akin kahapon kasama nitong uniform ko bago tuluyang lumabas sa CR.

Sumalubong naman sa akin ang naka-busangot na mukha ni Silver na naka-upo ngayon sa gilid ng kama ko.

"Ang bagal mo namang kumilos. Inis!" singhal nito sa akin, bago ito tumayo at saka padabog na nag-lakad palapit sa akin.

"Tara na nga! Baka mahuli pa tayo sa klase't malagot pa tayo katulad na lang ng nangyari kahapon doon sa dalawang palakang 'yon," sambit nito sabay hawak sa kamay ko at saka ako nagmamadaling hinila palabas ng dorm.

"Saan tayo pupunta?" takang tanong ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin at saka umirap.

"Cafeteria," maikli nitong sagot sa akin.

Nang makarating kami sa may pintuan palabas ng building ay ch-in-eck pa kami, kung dala namin ang aming classification ID, bago kami tuluyang naka-labas at saka kami nag-tungo doon sa malaking building, kung nasaan ang opisina ni Headmaster Cassandra.

Nang maka-pasok kami sa building ay mabilis kaming nag-lakad sa hallway at saka dumiretso hanggang makarating kami sa dulo kung saan bumungad sa amin ang isang malaking double door. Marami na rin ang naglalakad ngayon sa hallway. May iilan pang napapa-tingin sa akin, katulad nang kahapon.

Binuksan ni Silver ang double door at saka ako hinila papasok sa loob. Alangan naman sa labas, duh.

Bumungad naman sa akin ang maingay, magulo at malawak na cafeteria, ngunit agad na napa-tigil ang iba at saka napa-lingon sa akin, at katulad ng iba kahapon. May ilang paramg papatayin ako sa tingin habang ang iba nama'y tila naaawa.

"Huwag mo na lang pansinin," biglang bulong sa akin ni Silver at saka ako hinila patungo sa pila.

Ilang minuto rin kaming naka-pila, hanggang sa turn na namin.

"Isang fried chicken at saka isang cup lang ng kanin saka coca cola naman para sa soft drinks," mabilis namang tumango kay Silver si manang, at saka mabilis na kumilos at ibinigay sa kanya ang order nito. Hindi rin nag-bayad si Silver at saka nabanggit niya rin sa akin na libre ang lahat ng gastusin rito.

Codename Red Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon