DIAMONDNang maka-recover ako kagabi ay agad kong nilgpit 'yong kalat at ini-libing 'yong pusa sa may likod ng building, habang 'yong note nama'y itinago ko sa cabinet ko para kung sakaling may mga susunod pa'y ititipon ko.
Hindi ko na rin sinabi sa kanila Zero 'yon. Bakit ko naman sasabihin 'yon sa kanila? Kaka-kilala lang namin, at wala rin naman kaming tiwala sa isa't-isa. Baka nga sila pa mismo ang nag-padala ng bagay na iyon sa akin, eh!
Narito nga pala ako ngayon sa hallway ng center building, tahimik na nag-lalakad habang diretso lang ang mata sa unahan. Seryoso lamang ang aking mukha at tila walang pake sa mga nadadaanan.
Si Silver ay nauna siya sa akin dahil ipinatawag siya ni Headmaster Cassandra. Hindi ko alam kung bakit, at wala akong planong alamin kung ano man ang dahilan. Hindi naman kami close at higit sa lahat ay hindi naman kami mag-kaibigan eh. Hindi na rin ako kakain ngayong umaga dahil wala akong gana dahil sa nakita ko kagabi. Hindi pa rin ako maka-move on. Move on? Ha! Madali lang naman 'yang sabihin, pero mahirap gawin.
Napa-hinga na lang ako ng malalim bago namulsa nang biglang may sumigaw sa pangalan ko, kaya agad akong napa-lingon sa may likuran ko at saka ko nakita ang isang babaeng may suot na tatlong earings sa isang tainga at isa sa may ilong. Kulay pula rin ang buhok nito, ngunit wala siyang bracelet. Gangster.
"Ano 'yon?" bored kong tanong sa kanya. Umirap naman siya sa'kin, bago ako tuluyang nilapitan.
"Pinapatawag ka ni Headmaster Cassandra sa office niya," seryosong sambit nito na agad ko rin namang tinanguan.
"Okay," sagot ko naman sa kanya bago tuluyang nag-lakad patungo sa opisina ni Headmaster Cassandra at kung bakit hindi headmistress ang tawag ko sa kanya? Mas nakasanayan ko na kase ang headmaster.
Nang makarating ako sa harapan ng opisina ni Headmaster Cassandra ay agad akong kumatok ng tatlong beses sa pintuan ng opisina niya.
"Come in!" sigaw niya pa sa loob. Agad ko namang pinihit ang doorknob at saka binuksan ng tuluyan ang pinto at saka bumungad naman sa akin ang seryosong mukha ni Headmaster Cassandra.
Isinara ko ang pintuan bago umupo sa kaharap niyang upuan at saka siya tinitigan. Mata sa mata. Tila walang humihinga. Walang nagpapa-talo.
"So, ipinatawag kita upang sabihin sa'yong sa susunod na week ay ang ating ranking battle. Lahat naman ng bago, pinapunta ko rito. And, oh. Itatanong ko lang kung," tumigil ito sa pag-salita, bago ako nginisihan, at saka niya ipinag-siklop ang kamay niya. "Solo gangster, duo, o isang gang ba ang gusto mo? Maaari kitang papiliin sa listahan ng mga gangs na hawak ko," dugtong pa nito, bago itinaas ang isang kulay itim na folder.
Napa-isip naman ako bigla, at saka ko naalala... trust no one at maaari lamang sabihin sa ka-gangmates ang totoong pangalan.
Ngunit sa paaralang 'to... wala akong maaasahan at ayaw ko namang malaman ng mi-isa sa kanila ang totoo kong pangalan, kaya...
"Solo," bigla naman siyang ngumisi dahil sa naging desisyon ko, at saka siya tumango-tango.
"Matapang ka nga gaya noong una kitang nakita at sinabi niya," ani niya pa bago tumayo at saka nag-lakad patungo sa may bintana habang ako nama'y sinusundan lamang siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Codename Red
Mystery / Thriller[C O M P L E T E D] She loved mysteries so much, that she became one. Codename Red: The battle between gangsters and specials. LANGUAGE: FILIPINO