Chapter 28

675 24 1
                                    


DIAMOND

Maaga akong nagising sa araw na ito dahil maghahanda pa ako. Naligo ako kaagad ako saka kumain, bago ako lumabas ng kuwarto ko at tuluyang umalis ng dormitoryo.

Kagabi ay pasimpleng pumuslit sina Silver at Violet diba sa dorm room ko at saka sinabi nila sa akin na sabay-sabay na raw kaming mag-ayos kinabukasan para sa ball na gaganapin dahil palihim na aattend sila.

Today is the day kung kailan gaganapin ang sinasabing ball. Nandito nga pala ako ngayon sa dormitory kasama sina Silver at Violet para mag-ayos. Nag-dala rin sila ng kani-kanilang mga armas kung sakaling mayroon mang mangyari mamayang gabi na hindi namin gugustuhin. I still can't believe na buhay sila, pero masaya ako. Masaya ako dahil buhay sila. Ang mga kaibigan ko.

Masquerade ball ang gaganapin at kanina lang ipinadala ang mga maskara. Mabuti na lang at masquerade ball ang gaganapin dahil na rin sa upang hindi makilala sina Violet at Silver dahil sa alam na rin ng lahat ng gangsters na patay sila.

Inaayusan ngayon ni Silver si Violet na naka-suot ng gown na kakulay ng pangalan niya. Mabuti na nga lang at hindi nila tinapon ang mga sinuot nila sa ball na ginanap rin dito, three years ago.

Naka medyo heavy makeup ngayon si Violet na bumagay naman sa suot at ganda niya. Gabi rin naman gaganapin ang ball, kaya walang masama kung mag-heavy makeup siya. Ang maskara naman ni Violet ay isang maskara na butterflies ang disenyo at natatakpan ang bahaging mata o taas ng kanyang mukha. Naka-dalawang braid rin ang mahaba at bagsak niyang buhok. Ang gown niya naman ay isang backless gown.

Sunod na inayusan si Silver at inaamin kong napaka-ganda niya sa ayos niya. Naka-messy bun ang kanyang buhok, at naka-suot siya ngayong ng kulay silver at kumikinang-kinang pang gown. Fitted ito, at may slit sa kanan na abot hanggang gitna ng legs niya. Naka-suot rin siya ng pulang lipstick ngayon, as usual. Ang maskara naman niya ay kulay silver rin, at may naka-ukit na kung anong maliliit na mga letra sa maskara niya.

Pagkatapos ayusan ni Silver ay ako naman ang sumunod. Inayusan nila ako ng medyo matagal at saka pinag-bihis, at matapos lahat ng iyon ay pina-harap nila ako sa salamin, at doon ay nakita ko ang repleksyon ko na naka-lugay ang buhok at may curls pa ito sa may dulo. Suot ko iyong gown, jewelries, at heels na ipinadala sa akin kahapon. Nasa legs ko rin ang mga weapons ko, ganun rin kina Silver at Violet.

Ang disenyo ng gown ko ay open ang harapan at closed ang likod. Para tuloy akong nagbabagang apoy kapag naglalakad. Off shoulder rin ang gown na suot-suot ko. At simple lang naman ang disenyo ng maskara ko. Mayroong mga hugis na apoy na naka-guhit roon.

"Ang ganda naman natin!" sambit ni Violet, with patili-tili effect pa habang malapag ang ngiti na naka-tingin sa aming repleksyon sa salamin.

"Yah, I agree. We look really stunning today. And, finally. Makaka-labas na rin kami ni Violet sa headquarters," sambit ni Silver, saka siya nag-inat ng kamay na tila ba nabo-bore na sa mga nangyayari sa buhay niya.

Mayamaya kang ay biglang may kumatok sa pinto at saka pumasok si Uno at ini-abot sa amin ang tatlong invitation na naka-sobre kaya nag-taka kami. Tatlo?

"Saan mo nakuha ang dalawang sobre?" takang tanong ko sa kanya.

"Ninakaw ko doon sa dalawang babaeng gangsters na ngayon ay naka-gapos dito sa loob ng headquarters," cool niyang sagot sa amin nina Silver. Nagulat naman kami sa sinabi niya, saka namin siya binatukan.

"Sira ulo ka talaga!" sambit ni Violet, pero pansin kong namumula siya habang naka-titig kay Uno. Sus! Crush niya lang si Uno, eh. Chansing rin 'tong babae na 'to.

Codename Red Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon