Chapter 19

869 30 1
                                    


DIAMOND

Ako'y lubos nang nangangamba. Narito si Black, at ang ibig sabihin lamang noon, ay mayroong mangyayari. Hindi maganda o masama ang mangyayari. Masamang-masama.

Ngayon ko lamang napansin. Sa tuwing dumarating siya'y may namamatay. Madalas rin ay dumarating siya kapag nakikita na ang mga bangkay. Nakakapag-taka. Nakakapang-hinala. Ako'y lubos na nababahala. Ang kaniyang mga kilos, salita, at iba pa.

Sino ka nga ba talaga, Black? Ikaw ba'y isa sa aming mga kalaban... o isa ka sa mga kasapi namin?

Narito ako ngayon sa campus field. Nag-iikot. Rumuronda. Nag-o-obserba sa paligid, at sa mga pangyayari at maaari pang mangyari. Hindi ko alam. Habang tumatagal ay tila lumuluwag ang kadena ng kahon ng misteryo. Unti-unti itong matutuklasan. Unti-unti itong natutuklasan. Walang misteryo at sikretong hindi nabubunyag. Gaano man ito ka-delikado. Gaano man ito ka-sagrado.

"Red!" kaagad akong napa-tigil sa paglalakad at saka nilingon ang tumawag sa aking pangalan saka nahagilap ng aking mga mata ang lalaking naka-tayo ilang metro ang layo mula sa aking kinaroroonan ngayon.

"Zeus!" anang ko, saka ako kumaway sa kanya. Tumakbo naman ito palapit sa direksiyon ko at saka ito huminto sa harapan ko.

"Nandito ka lang pala, Red. Kanina pa kita hinahanap," hinihingal nitong sambit. Napa-kunot naman ang aking noo dahil sa sinabi niya.

"Bakit mo naman ako hinahanap?" kunot noo kong tanong rito. Yumuko naman ito ng kaunti, saka kumamot sa batok nito.

"Ah.. sabay na tayong kumain ng dinner?" aya nito sa akin. Napa-isip naman ako bigla bago ako nag-salita, "uhm... wala naman akong kasama ngayon, kaya, sige ba! Basta ba'y libre mo ako, Zeus," pag-payag ko sa alok niya, saka ko siya nginisihan. Umiling naman ito at saka umangat ang kanang bahagi ng labi saka tumango't ginulo ang buhok ko.

"Oo ba, sagot kita!" sagot naman nito sa akin, saka ako niyo hinila habang ako naman ay naka-simangot lang na inaayos ang nagulo kong buhok. Ang hirap pa namang mag-ayos ng buhok! Tss.

Nang makarating kami sa cafeteria ay kaagad kaming um-order ng pagkain, at siyempre. Dahil libre ay dinamihan ko na. Sulitin na natin, 'di ba?

Habang kumakain kami ay wala akong pake sa paligid at patuloy lamang sa pag-subo ng pagkaing in-order ko. Hindi ko alam kung may dumi na ba ako sa labi o sa mukha. Naka-tutok lamang ako sa tray kong punong-puno, at tiyak na nakaka-busog sa sarap ang mga naka-lagay roon!

Ang dami! Para tuloy akong nasa heaven! Napaka-heavenly ng mga pagkaing nasa harapan ko ngayon, and I think I'm drooling.

"Red," bigla akong napa-tigil nang maramdaman kong may nag-punas ng gilid ng labi ko at saka napa-angat ng tingin. Sumalubong naman sa akin ang seryosong mukha ni Zeus.

Matapos ako nitong punasan ay sandali kaming nagkatitigan ngunit nauna na itong umiwas ng tingin at saka yumuko't sumubo ng kanyang biniling burger.

"Ang dumi mong kumain," anang nito habang naka-yuko. Napa-nguso naman ako at saka ako napa-irap. Tss. Kasalanan ko ba na masarap 'tong mga pagkaing nakuha ko?

Hindi ko na lang siya pinansin at nag-patuloy na lamang ako sa pagkain ng aking mga kasiyahan, nang biglang tumunog ng malakas ang school bell... ang warning bell.

Anong nangyari? May lumabag na naman ba sa batas?

Kaagad kaming nagka-tinginan ni Zeus, at saka napatayo. Nagsi-takbuhan na rin ang mga narito. May nagkakabungguan pa ngunit tila wala silang pake kung 'di ang makalabas lang sa lugar na 'to.

Sumunod na kami ni Zeus nang bigla naming marinig ang isang announcement.

"Announcement. Announcement. Lahat ay mag-tipon sa quadrangle."

Codename Red Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon