Chapter 12

1K 44 1
                                    


DIAMOND

Narito kaming lahat ngayon sa training ground para sa mga nabibilang sa Gold section. Nasa ilalim pala 'to ng Gold building. Kumbaga, underground training area namin 'to.

"Listen everyone!" sigaw ng isa sa mga propesor ng Shi University habang seryoso kaming tinitignan, at habang kami nama'y tahimik lamang. May iilang nagbubulungan ngunit sigurado naman akong 'di na maririnig 'yon ng iba.

"Ngayon. Ngayon ang surprise training niyo! Pinatawag ko kayo rito upang magpa-lakas para sa gaganaping ranking battle sa susunod na araw! It is a battle between mind and strength. Bukas nama'y itra-train naming mga guro ang utak niyo. Magaling nga kayo sa pakikipag-laban, ngunit wala namang utak, kaya paano kayo mananalo niyan, 'di ba? Sa ranking battle, lahat kasali. Lahat makakalaban mo. Mapa-black, diamond, o ano mang section 'yan, kaya kung ako sa inyo'y mag-handa kayo. Malaki ang ambag ng ranking battle sa magiging grado niyo't maaari pa kayong mapa-bilang sa mga top students rito," mahabang litanya nito, na siyang sinang-ayunan naman namin.

"Ngayon ay ilabas niyo ang ibinigay namin sa inyong weapon o kung ano man no'ng unang araw niyo rito sa Shi University," utos pa nito sa amin. Agad ko namang inangat ang kamay ko at saka pinindot 'yong relong naka-suot rito kasabay ng pag-appear ng isang katamtaman lang na hologram kung saan naka-lagay ang mga weapons na ibinigay nila sa'kin. Nakita ko pang napa-tingin 'yong iba sa akin. Teka! Ako lang yata ang naka-Axis watch rito? Sa kanila kasi'y mga baril, pana, o kung ano man lang. At saka, oo nga pala. Nasa may legs ko ang pulang pistol ko na ginagamit ko noong training agent pa lang ako.

Nag-bulungan 'yong iba ay tila namangha pa. Mayroon ring tila naiinggit o 'di kaya'y galit. Lalo na 'yong mga gangsters. Kung titignan, nakaka-takot talaga sila, ngunit alam ko. Alam kong mayroon silang kahinaan. Mayroon silang kinakatakutan. Kahit gaano ka pa ka-tapang, mayroon ka talagang kinatatakutan, kahit isa lang. O puwede ring mahina talaga sila, at nagpa-panggap lang na matapang.

Well, fear? Isa 'tong chain reaction sa utak natin na nag-sisimula sa mga stressful stimulus at nagtatapos with the release of chemicals that can cause a racing heart, fast breathing and energized muscles, among other things, also known as the fight-or-flight response. Well, we're only humans, anyways. Hindi naman tayo Diyos, o kung ano mang nakaka-taas. Oh, aha! Nakalimutan ko. Kahit pala mga Diyos, may kinatatakutan.

Napa-iling na lamang ako't ibinaling muli sa unahan ang paningin, gano'n rin sila.

"So, sa babaeng may hawak ng Axis watch, pumili ka na lamang ng mga gagamitin mo. Napaka-suwerte mo, hija. Ngunit sana'y mayroong laman 'yang utak mo," diretsang sabi ni sir. Napa-kunot naman ako ng noo, ngunit kalaunay ngumiti na lang. Hindi ko alam kung papuri ba 'yon o insulto.

"So, ngayon. By pair tayo. Girls versus boys, and no buts! Ang tatanggi o magrereklamo sa napiling kapareha namin para sa inyo ay hahatulan ng isang buwang pagkaka-kulong," seryoso ba siya?! Kulong agad? Nako! Eh kung maaari lang akong lumabas sa school na 'to ay matagal ko na silang isinumbong sa mga agents! At kapag nangyari 'yon ay siguradong aangat agad ako. Mas mataas pa sa puwesto at ranggo ni Dad.

Napa-iling na lamang ako't nakinig sa mga pangalang binabanggit nila sa harapan hanggang sa nabanggit na ang pangalan ni Silver. Ang kapareho niya'y si Hades. Isang malaking lalaki. Gangster. Mukhang basagulero. May hati pa sa kilay at may mga suot na bling-bling. Ang makaka-pareha ay ang magiging partner namin sa training. Sana'y 'di mabugbog si Silver. Payatot pa naman siya't napaka-laki naman no'ng kapares niya.

Codename Red Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon