DIAMONDPagkatapos no'ng gulong nangyari kanina'y humiwalay na muna ako kay Silver at saka nag-tungo rito sa kuwarto ko.
Naka-upo lamang ako sa gilid ng kama habang iniisip 'yong mga nangyari kanina't 'yong mga sinabi ni Zero.
Tinanong ko pa siya sa mismong meeting o kung ano mang pagtitipon na nagaganap kung ano nga ba ang enhanced senses and special abilities?
Well, ano nga ba ang mga 'to? Ang sagot niya sa akin kanina'y, "enhanced senses is a catch all, or umbrella, term used broadly to describe subjective powers similar to the topic name... This includes augmented or superior versions of sight, hearing, smell, touch, and taste as well as 'extra' senses."
Paano nga ba kami nag-karoon ng ganito? Maaaring, kasali sa nangyari noon na pag-sabog ng kemikal na para sana sa mga sundalo, upang magkaroon sila ng enhanced senses para sa prediction of world war.
Maaari ring na-trigger lamang ang utak mo't nag-reconnect o baka nag-self rewire ito.
Kunwari ay nasagasaan ka't tumama ng malakas ang ulo mo sa isang bato't naalog ang utak mo kasabay ng pag-alog ng iilang cells and genes na na sa'yo at pag-rewire ng mga ugat nito. Unang-una niyan ay magiging sensitive ka, hanggang sa unti-unti na 'tong lalabas dahil sa tuluyang pag-rewire nito. Para lang pagha-hack ng kung anong system. Kailangan pang mai-proseso, bago ma-connect ng tuluyan.
Nakakalito noong una, ngunit kalauna'y naintindihan ko rin naman. Habang ang special ability naman ay ang bonus ng enhanced senses namin. Naka-base kase rito madalas kung ano ang magiging special ability namin.
At katulad rin noong in-explain sa akin ni Zero kanina patungkol sa pagiging mind reader niya, maaari ring ma-trigger ng iyong enhanced sense ang utak mo't mag-labas pa ng isang sense o isang ability.
At 'yon na nga. Ngunit sa akin, ako raw ang kauna-unahang nakilala nilang mayroong ganito. Killing eyes, at saka enhanced eyesight. Nakakapag-taka naman.
Napa-iling na lamang ako't napa-buntong hininga sa dami ng mga iniisip ko nang bigla akong may narinig na kung ano sa may bintana, kaya agad akong napa-lapit roon, at saka ko 'yon binuksan nang bigla akong may marinig nanamang kung ano, hanggang sa biglang nag-zoom in ang paningin ko kasabay ng pagka-kita ko sa isang lalaking may hawak na baril. Walang suot na bracelet, at naka-suot ng uniporme ng school na 'to. Ngunit hindi ko siya mamukhaan. Naka-cap siya't mayroong suot na itim na mask, at natatakpan no'n ang kalahati ng kanyang mukha.
Napa-titig ako sa kanya, nang biglang kong marinig na ikinasa niya ang hawak-hawak niyang kulay itim na baril-
Teka! Napakalayo noon upang marinig ko? Ano ang ibig sabihin nito? Mayroon na rin akong enhanced sense of hearing? Napa-iling na lang ako. Hindi ko na muna proproblemahin 'to. Maggagabi na rin at nasa medyo madilim na parte 'yong may hawak na baril ngunit base sa bulto't suot nito'y lalaki siya.
Kasabay ng pag-lingon ko ay ang pag-takbo ng lalaki at saka ko nakita ang isang babaeng... duguan ang bandang puso't tila nag-hihingalo at saka mayroong suot na pulang bracelet.
Nagulat naman ako nang bigla itong lumingon sa akin, at saka ito bumulong sa hangin.
"B-black..." dinig kong bulong nito bago ito tuluyang pumikit, kasabay ng pag-sakit ng ulo ko, kaya agad akong napa-layo sa bibtana't napa-hawak sa ulo ko dahil para na 'tong mabibiyak.
BINABASA MO ANG
Codename Red
Mystery / Thriller[C O M P L E T E D] She loved mysteries so much, that she became one. Codename Red: The battle between gangsters and specials. LANGUAGE: FILIPINO