DIAMONDIlang araw nga ang nag-daan at mas lalong lumala ang mga nangyayari rito sa loob ng Shi University. Marami ang lumabag sa batas at marami rin ang namatay. Na-hijack rin raw 'yong van na ipinadala ni Headmaster Cassandra palabas rito upang itapon 'yong mga gutay-gutay na parte ng katawan no'ng dalawang babae at sa tingin ko'y alam ko na kung sino ang taong nag-hijack no'n.
At ngayon ko lamang napatunayan. Mas masama nga ang mga taong narito, kaysa sa mga tao na nasa labas.
Narito nga pala ako ngayon sa field, as usual. Sabado kasi ngayon. Walang pasok.
Ang killing eyes ko nama'y alam ko na kung paano gamitin, ngunit hindi ko pa 'to nama-master, ngunit sapat naman na 'yon. Kailangan ko na lang kontrolin ang enerhiya o chi na nasa katawan ko, upang maiwasan ko ang pagka-hilo.
"Red! Kanina ka pa namin hinahanap," rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa aking likuran kaya kaagad akong napa-lingon roon at saka ko nakita si Silver na salubong ang kilay na naka-tingin sa akin. Tumatama rin ang sikat ng araw sa mukha niya. Napaka-init talaga ng panahon ngayon.
Kaagad naman akong tumayo at saka nag-lakad palapit sa kinaroroonan niya.
"Bakit?" kunot noo ko ring tanong sa kaniya. Biglaan rin kasi, eh.
Namulsa naman siya bago ako tinitigan ng mata sa mata, "magkakaroon tayong mga specials ng pagtitipon ngayon, para sa susunod na buwan. Kailangan na nating mag-handa. Ilang linggo na lang, Red. Sa katapusan sa susunod na buwan na ang killing fest. Ngayon, kailangan na nating mag-tungo sa headquarters. Tayo na lamang ang hinihintay roon, at sigurado akong inip na inip na sila," mahabang litanya pa nito.
Lumabi naman ako bago namulsa at saka tumango't nag-lakad palapit sa kanya, "okay." Sambit ko pa, bago siya hinawakan sa braso't hinila.
Nang makarating kami sa mismong headquarters ay bumungad sa amin ang napaka-tahimik na paligid. Wala mi-isang nagsasalita, kagaya lamang no'ng unang araw ko rito sa special clubs headquarters.
"Oh, so narito na ang ating VIP's," biglang sulpot ni Zero sa harapan. Napa-ismid naman ako, gano'n rin si Silver, at saka kami nag-tungo sa may unahan at saka umupo.
"Mag-simula ka na," sambit ni Silver. Umigting naman ang panga ni Zero, ngunit kaagad ring tumango. Nagtataka pa rin talaga ako hanggang ngayon. Ano ba talaga ang mayroon sa kanilang dalawa?
"So, ngayon ay pag-uusapan natin ang tungkol sa magaganap na killing fest sa huling week sa susunod na buwan. Ibibigay namin ngayon ang mga cellphones na kakailanganin nating lahat para sa ating komunikasyon. Lahat ng mayroong enhanced hearing and eyesight nga rin pala, habang hindi pa nagaganap ang killing fest, kayo ang magmamasid sa mga nangyahari rito sa Shi. Mag-i-spy kayo, kumbaga. Kailangan, alam natin ang bawat galaw ng mga kalaban. Imbestigahan niyo ang mga kakaibang nangyayari sa paligid niyo, at i-report niyo sa akin. Sa akin lamang. At hangga't maaari'y wala munang kikilos. Lahat ay planado na. At paalala lamang sa inyo, huwag paniwalaan ang lahat ng nakikita sa paligid. Huwag paniwalaan ang lahat ng naririnig. Tayo-tayo lamang ang magkakampi rito sa Shi University, kaya hangga't maaari ay sumunod kayo. Ngayon, Uno at Dos, i-abot ang kanilang phones para sa communication. Naka-program ang system ng cellphones na 'yan kaya lahat ng galaw niyo, malalaman ko. Ang sim niyan ay isang microchip. Tayo-tayo lamang ang kayang makapag-komunika d'yan at wala ng iba, kaya huwag na kayong mag-tangka pa. Idi-discuss natin ang plano sa unang week sa susunod na buwan. Ngayon, i-distribute na ang cellphones," mahabang litanya nito, at saka ini-abot sa amin ng mga tauhan ang mga cellphones.
BINABASA MO ANG
Codename Red
Mystery / Thriller[C O M P L E T E D] She loved mysteries so much, that she became one. Codename Red: The battle between gangsters and specials. LANGUAGE: FILIPINO