DIAMOND
Walang pasok ngayong umaga dahil mamaya pang hapon at mamaya rin ang ekperimentong gagawin namin. Ang poison.
Narito nga pala ako sa headquarters ng Special Club, naka-upo lang at naka-titig sa unahan. Medyo kumonti kami ngayon. Nabawasan. May iilan kaseng namatay na nitong mga nakaraang araw.
"Hello everyone," bigla sulpot at sambit ni Zero sa unahan. Huminga ito ng malalim, bago muling ibinuka ang bibig, at saka nag-salita.
"Ipinatawag ko kayo upang ipaalam sa inyo ang magaganap na change of plan. Ngayon, we need to find the cure for violence, and the fruit of knowledge. Narito lamang sa paaralan natin 'yon. Nalaman ko lamang 'yon kahapon, ngunit hindi ko alam kung saan nila 'to itinago. At 'yon lamang ang paraan upang mapigilan ang ating nakitang mamgyayari sa future dito sa Shi University, na magca-cause rin sa isa pang pangyayari na gagawin nila sa ating mundo, kapag natalo tayo, o hindi natin nahanap 'yong cure for violence and fruit of knowledge," mahabang litanya neto, pero ano raw? Sa future? Nakita sa future? Bakit wala akong alam tungkol rito?
Nagulat naman ako nang biglang tumayo ang isang malaking lalaki, at saka sumigaw, "Cure for violence? Ha! There's no cure for violence, Zero! Saan mo nanaman napulot 'yan, ha? And fruit of knowledge? Are you damn serious, Zero?!"
"I'm fucking serious, Moon. And, hell. There is a cure for violence, at kailangan nating alamin kung ano at nasaan 'yon. At mayroong fruit of knowledge. Tumigil ka sa pagiging tanga at pabibo mo, Moon. Mayroon no'n, ngunit hindi sa ganoong hitsura! Hindi prutas ang hitsura o kung ano, at kailangan rin nating alamin 'yon! Huwag kang bobo!" straight to the point at igting ang pangang sambit ni Zero habang naka-sara ang palad. Lumalabas na rin ang mga ugat niya sa braso. Galit na siya. Galit na galit.
"Tsk! Sige! Ikaw naman lagi ang nasusunod!" inis na sambit no'ng lalaki, at saka ito tuluyang umupo. Rinig ko namang huminga ng malalim si Zero, bago siya muling nag-patuloy sa pagsasalita.
"Bakit nga ba kailangan nating hanapin ang cure for violence? Obviously, to cure violence. Naka-kalat na ang violence sa buong mundo. Araw-araw, ilang milyon ang namamatay sa buong mundo. Karamihan ay dahil sa violence. Dito, maraming mamamatay tao, and we need to cure them. We can't prevent violence, but we can cure them, using the cure for violence, and I am pretty sure na malaki ang maitutulong nito sa ating mga taga-Shi, at sa buong mundo. Naniniwala ako na ang violence ay isang mental illness. Yes. And ang mental illness, maaari itong gamutin. If ipre-prevent lamang natin ito, maaari pa rin natin 'tong bumalik, at muli. Masisira ang ating mundo. Magkakaroon muli ng patayan, sakitan, o kung ano man," mahabang litanya nito sa harapan habang diretsong naka-tingin lamang sa kung saan. Habang kami nama'y tahimik lamang na nakikinig sa kanya.
"Bakit naman natin kailangan ang fruit of knowledge? Gagamitin natin ito to make them realize na mali ang ginagawa nila. To make them realize that every life, time, o kahit ano pa man ay importante. Makaka-tulong rin ito upang ma-trigger ang kanilang hidden abilities and senses. And kapag nag-karoon sila no'n ay mas mapapadali ang buhay natin," dugtong niya pa sa sinabi niya.
"Pamilyar ba sa inyo ang salitang Humanity?" huminto siya sandali, at saka siya namulsa't isa-isa kaming tinitigan, gamit ang seryoso at nakakamatay niyang mga mata.
"Yes. It is a virtue associated with basic ethics of altruism derived from the human condition. It differs from mere justice in that there is a level of altruism towards individuals included in humanity more so than the fairness found in justice," biglang singit naman ni Silver na nasa may likurang banda ko lang.
BINABASA MO ANG
Codename Red
Mystery / Thriller[C O M P L E T E D] She loved mysteries so much, that she became one. Codename Red: The battle between gangsters and specials. LANGUAGE: FILIPINO