Bianca's P.O.V
Magkakayakap kami ngayong tatlo, kanina pa kami iyak ng iyak. Hindi na namin alam kung ano ang gagawin ngayon.
Ngayon lang kami umiyak ng ganito dahil sa pagka-wala ni erlyn.
Umiiyak lang kami kapag nakakuha kami ng mababang score sa exam o di kaya ay kapag di umabot ang aming quarterly average sa 90 ay iiyakan namin. Ganon kababaw yung iniiyakan namin. Masyado kasi kaming conscious sa mga grades namin.
Boooogssssh!
Bigla kaming nakarinig ng kalampag mula sa isang pintuan ng computer lab. Napatayo kaming lahat at inihanda ang mga armas namin.
Unti-unti ng nasisira ang pintuan kaya hinawakan ko ng mahigpit ang aking armas.
"Lumabas na tayo dito!" Wika ni vince, papunta sa pinasukan namin kanina.
Pagkalabas namin ng pintuan ay kumaliwa kami, dahil maraming zombies sa may kanan. Agad nila kaming hinabol pero agad rin kaming nakalayo mula sa mga zombies.
Marami kaming nakasalubonh na mga zombies, pokpok doon, palo dito yan ang ginawa namin para makatakas.
Takbo lang kami ng takbo hindi namin alam kung saan kami pupunta, sa bawat dinadaanan namin ay may nakikita kaming mga nagkalat na ulo, paa, kamay at puro dugo narin ang paligid.
"Shocks!" Napahinto kami sa pagtakbo dahil may mga zombies na nagtipon-tipon sa di kalayuan sa amin. Juice colored! Ang dami nila at nagsitakboan sila saamin.
"Hindi natin sila kakayanin, takbo na mga bitches!" Wika ni kaye saka tumakbo, sumunod naman kami ni vince.
Parami na sila ng paraming humahabol saamin, kaya mas binilisan namin ang pagtakbo.
"BILISAN NIYO SA PAGTAKBO MGA BAKLA! KUNG GUSTO NIYO PANG MABUHAY!" sigaw ni vince na nangunguna ngayon sa pagtakbo. Pa-petrang kabayo tong baklang toh!
Tumakbo kami pa-akyat ng hagdanan. Hanggang sa maka-akyat kami sa ika-limang palapag ng building na to. Ay grabe nakakapagod!
"Dito tayo!" Sabi ni vince habang binubuksan ang pintuan ng isang classroom.
Pumasok na kami at isinara naming mabuti ang pintuan. Hingal na hingal kaming napaupo sa sahig. Medyo madilim dito dahil padilim narin kasi. Napatingin ako sa aking orasan 6:34 na pala.
Napatingin ako sa loob ng room na to, maraming mga bags ang naiwan dito. Nakita ko si vince na kinak alkal isa-isa ang mga bag.
"Hoy bakla! Anong ginagawa mo?" Medyo mahinang pagkaka-bigkas ni kaye
"Naghahanap ng makakain, teh!" Sagot ni vince
"Baka naman 'magnanakaw ng makakain!?' " sabat ko
Tumayo si kaye at nagsisimula na ring mangalkal ng mga bag, tumayo na rin ako at naki-kalkal ng mga bag dahil nagugutom na rin ako.
Pitong bote ng tubig
20 pirasong biscuit
Limang chooga juiceYan ang nakalkal namin sa mga bag.
"Alam niyo ba yung sabi-sabi na kapag nagnakaw ka daw ng pagkain tapos kinain mo sasakit tiyan mo. Hala, baka sumakit mga tiyan natin. Dahil ninakaw lang natin tong mga to!" Nag-aalang tanong ni kaye
"May tanong ako. Diba yung lagi mong dinadalang mga biscuit dito sa school ay dinudukwat mo lang sa tindahan ni aleng maria? Ang tanong, sumakit ba tiyan mo?" Tanong ko sakanya
Tumawa naman ng mahina si vince dahil sa tanong ko.
"Hindi" sagot naman nito
"Yun naman pala eh! Eh di kumain ka nalang diyan!" Saad ko bago sinubo yung isang biscuit.
"Hoy! Minsanan ko lang naman ginagawa yon! Anong lagi!?" Dipensa ni kaye
"Kumain na nga lang kayo diyan, iingay niyo!" Sita saamin ni bakla.
Matapos naming kumain ay inayos namin ang mga pinagkainan namin.
Nagkwentuhan muna saglit bago kami matulog.
Para nga kaming mga baliw dito, matatawa kami tapos ma-iiyak. Tatawa ulit tapos iiyak.
"Good night mga bakla" mahinang sambit ni vince
"Good night, bitches./ Good night" sabay naming saad ni kaye. Nang tuluyan na akong dinalaw ng antok.
Everything went black
Ayyy teka! Kanina pa pala madilim, haha
