Chapter 16

22 1 1
                                    

Vince P.O.V

Kanina pa ako nag-iisip dito, kanina ko iniisip kung...

Kung...

Kung...

Kung...

Kung...

Kung paano ko paghihiwalayin tong dalawang to, sina joseph at cheska. Patayin ko na lang kaya tong cheska na to!? Charot! Haha

Tumingin ako sa pwesto ni bianca, ay taray! Tulog ang lola niyo! Habang ang ang dalawa naman ay busy sa pagku-kwentuhan.

Napatayo ako sa kina-uupuan ko dahil sa nabo-bored na ako, kinuha ko ang isang arnis na nakita ko lang dito kanina gagamitin ko to kung sakaling may mga zombies man akong makita.

Pumunta ako sa mga nakahilirang mga bookshelves. Naghahanap ako ng pwedeng basahin pero lahat ng nandito ay puro educational books.

Pumunta ako sa pinakadulo ng library na to, dahil doon kasi karamihan makikita ang mga novel books.

Nang makarating ako sa may dulo ay tinignan ko isa-isa ang mga libro na nakalagay sa mga bookshelves. Kinuha ko ang isang libro na may pamagat na "Zombie Apocalypse".

May naramdaman akong presensya ng isang tao na papalapit saakin inihanda ko ang hawak kong arnis, tinignan ko kung sino yun, si bianca lang pala.

"Hayop ka! Pinakaba mo ako dun ah!" Saad ko saka ibinaba ang hawak kong arnis

"Mas hayop ka! Bat moko iniwan dun! Pa-third party tuloy ako dun!" Wika niya. Napatawa nalang ako sa istura niya ngayon mukha talaga siyang taong grasa.

"Ano tinatawa-tawa mo diyan!?" Tanong nito

"Ayusin mo nga yang buhok mo nagmumukha kang taong grasa!" Natatawa kong sabi. Agad niya naman iyong inayos.

Kinuha ko ang hawak kong libro kanina at binuklat ito saka umupo sa may couch. Nakita ko sa peripheral vision ko na kumuha rin si bianca ng isang libro at tumabi saakin.

******
Bianca's P.O.V

Matapos ang matinding labanan laban sa mga zombies (MATINDING LABANAN!?) ay napa-upo ako kaming lahat actually sa sahig.

Dahil sa sobrang pagod ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil sa ungol ng isang babae na naririnig ko. Pagkamulat ko sa aking mga mata ay labis kong ikinagulat ang aking nakita.

Nakita ko sina joseph at cheska na parehong walang suot na damit. Sh*t may virgin eyes! Nasilayan ko kong paano ipasok ni joseph ang kaniyang malaking ahas sa bulaklak ni cheska.

Tumingin ako sa paligid pero hindi ko makita si vince. Tumingin ako sa aking likuran at nakita ko si vince sa may dulp ng library na ito.

Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa kinaroroonan ni vince. Hayop di matanggal sa isipan ko ang aking nakita, lalo na yung ano ni joseph. Sh*t ngayon lang ako nakakita ng ganong ano!

Nakita ko si vince na kumuha ng isang libro pero agad niya itong binaba, kinuha niya ang arnis saka humarap saakin.

"Hayop ka! Pinakaba mo ko dun ah!" Saad niya saka ibinaba ang hawak niyang arnis.

"Mas hayop ka! Bat moko don iniwan mag-isa! Pa-third party tuloy ako dun!" Napansin ko naman na natatawa siya.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan!?" Tanong ko sakanya

"Ayusin mo nga yang buhok mo nagmumukha kang taong grasa!" Natatawa nitong saad.

Agad ko namang inayos yung buhok ko saka nagtingin-tingin ng mga libro. Kumuha ako ng isa saka tumabi kay vince.

Habang nagbabasa kami ay nakarinig kami ng parang nabasag na glass. Nagkatinginan kami ni vince saka sabay na isinara ang librong hawak namin.

Sumilip kami sa may entrance ng library. Nakita ko ang mga nagkalat na mga bubog at mga zombies na papasok sa may loob nitong library. Rinig ko rin ang sigaw ng isang babae at sa tingin ko ay si cheska yon.

Tumatakbo si joseph papunta saaming kinaroroonan na walang pantaas na damit habang inaalayan si cheska na duguan habang hirap na hirap sa pagtakbo.

"Sh*t ulam!" Rinig kong wika ni vince. Kitang kita kasi ang six pack abs ni joseph kaya ganon nalang kong titigan ni vince.

"Takbo na!" Sigaw saamin ni joseph

May nakita akong pintuan at agad itong tinungo. Sumunod naman saakin sina vince at joseph na inaalayan si cheska.

Taray ng baklang to! Nagpahuli pa talaga para lang makasabay tong joseph na to.

Binuksan ko kaagad ang pintuan at pumasok, pumasok rin sina vince at yung dalawa pa. Agad kong isinara ng mabuti ang pintuan.

Agad nilang pina-upo si cheska sa may upuan, namumutla si cheska at tila hirap na hirap sa paghinga.

"Joseph! Tulungan mo ako please! Ayoko maging tulad nila! Please, tulungan niyo ako" Pagmamaka-awa ni cheska saamin. Natataranta na kaming lahat dito dahil hindi namin alam ang gagawin.

Hinubad ko ang aking jacket saka ito ipinantapal sa may kagat ni cheska, halos madami na ring dugo ang nawawala sakanya.

Naramdaman kong hindi na huminga si cheska kaya napalayo ako sakanya.

"Anong nangyayari!?" Natatarantang tanong ni joseph

"Wala na siya joseph" malungkot kong saad.

Napa-upo naman sa sahig si joseph,

"H-hindi to pwedeng mangyari!" Umiiyak niyang saad.

Kinuha ni vince ang kanyang arnis saka nilapitan ang bangkay ni cheska.

"Anong gagawin mo?" Tanong ni joseph

"Sorry pero kailangan ko tong gawin, baka tayo naman ang makagat nito" sagot ni vince saka sinaksak ang ulo ni cheska.

Nakarinig kami ng kalampag mula sa pintuan kaya naghanap na kami ng pwedeng pagtaguan. May nakita akong butas sa may kisame. Hinila ko agad ang isang table at isang upuan.

"Vince! Joseph! Kailangan ko ng tulong dito! Dali!" Saad ko

Agad na tumakbo si vince saka ako tinulungan sa paghila ng table. Ipinatong namin ang upuan saka umakyat.

Tuluyan ng nasira ang pintuan kaya mas binilisan naming kumilos.

"Mauna ka na!" Sabi saakin ni vince saka ako tinulungang makapasok sa butas. Kinakabahan ako dahil di gaanong matibay tong kisame na to.

"Joseph halika na!" Tawag ni vince kay joseph pero naka-upo pa rin ito, tila walang naririnig. Nang makapasok ang mga zombies ay umakyat na si vince. Umusog ako ng kaunti para may maupuan si vince.

Nakarinig kami ng sigaw mula sa baba, ng aming tignan ay nilalapa na ng mga zombies si joseph. Kitang-kita namin ang pagtalsik ng mga dugo at kung paano nila kainin ang lamang loob ni joseph.

Zombie Apocalypse: Never Die AloneWhere stories live. Discover now