Chapter 11

7 1 0
                                    

Bianca's P.O.V

Napabangon naman ako sa kinahihigaan ko dahil sa ingay na narinig ko sa labas. Pinagmasdan ko ang paligid, medyo may kadiliman pa sa may labas.

Tinignan ko sina kaye at vince na kasalukuyang natutulog parin. Natawa naman ako dahil sa posisyon nila.

Si kaye ay naka-kayang, magulo yung buhok parang yung buhok ng taong grasa, medyo humihilik pa at nakanganga ito habang natutulog.

Si vince naman ay parang tuod kung matulog, hindi gumagalaw sa kinahihigaan niya. Parang nakahiga lang sa kabaong.

Kinuha ko ang aking cellphone sa aking bag. Naisipan ko silang kunan ng picture. Haha

Pagkabukas ko sa aking phone ay maraming nag-text at missed calls.

Tinignan ko isa-isa ang mga text

Pabakla(Pat)

HOY BAKLA! ASAN KA!? SINO KASAMA MO!?

BUHAY KA PA BA!? MAG-REPLY NAMAN!!

KASAMA KO SINA SAB AT CARL!! IKAW!? SINO KASAMA MO!?

HALA! WAG MONG SABIHING PATAY KA NA!? WAG MONG SABIHING NAGING KASAPI KA NA NI IMAO!?

MAG-IINGAT KA BAKLA!! LAB YOU!!

***

Pamanyak(carl)

HOY! BITCH!! SAGUTIN NAMAN ANG AKING TAWAG!!

BITCH! ANO PATAY KA NA BA!?

MAG-INGAT KA!

KASAMA KO NGA PALA SINA PAT AT SAB!!

INGAT KA!! HUWAG KA PAPAKAGAT SA MGA KALAHI NI IMAW!! AKO LANG DAPAT ANG KAKAGAT SAYO!!

Hayop na manyak to!

***

Pa-itlog(sab)

HOY! SAGUTIN NAMAN ANG AMING TAWAG!!

MAG-IINGAT KA!!

PA-LOWBAT NA AKO!! INGAT!!

***
At marami pang iba.

Nagtataka ako bakit hindi manlang nag-text o tumawag sina mama at papa.

Sinubukan ko silang tawagan pero hindi ko sila macontact. Ilang beses ko silang tinawagan pero wala parin.

"Anong ginagawa mo?" Saad ng bagong gising na si kaye.

"Tinatawagan ko sila mama pero walang sumasagot" sagot ko habang tinatawagan parin sila mama.

"Wag kang mag-alala nasa mabuting kalagayan sila tita't tito. Sila pa! Eh ang strong nang mga yan eh!" Pag-aalo saakin ni kaye habang nakahiga parin.

"Hmmmmmm" napatingin ako sa pwesto ni vince, nag-uunat.

"Morning bakla" bati ni kaye kay vince

"Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ni vince

"Hulaan mo, tss. Di manlang ako binati pabalik. Hayop kang bakla!" -kaye

"Arte mo!" Saad ni vince saka tumayo't kinuha ang kanyang cellphone sakanyang bag.

***
Vince P.O.V

Tinignan ko ang aking cellphone, ang daming texts at miscalls mula kay mama at kina sab, pat at carl.

Nabuhayan ako ng pag-asa na buhay pa si mama at ang mga kaibigan ko. Agaran kong tinawagan si mama na agad niya ring sinagot.

Hello! Anak! Bakla! Juice ko buti buhay ka pa!

"Ma! Patay na po ako at kaluluwa ko lang po ang tumawag sainyo" napatawa naman si mama sa kabilang linya pati na rin sina kaye at bianca na nakikinig. Mga tsismosa mga ate niyo!

Hayop ka talagang bata ka! Asan ka ngayon?

"Ma, nasa school kami. Kasalukuyan kaming nagtatago dito sa bakanyeng classroom. Ikaw ma, asan ka?"

Nasa eroplano kami ngayon, pupunta kami ngayon sa USA. Hahanap kami ng lunas para masugpo ang viruz na kumakalat sa buong mundo

"Mag-iingat ka ma, sana mahanap niyo na ang lunas" naiiyak na ako dahil nami-miss mo na si mama at dahil na rin sa mga kaganapang nangyayari ngayon.

Wag kang mag-iingat bakla, sana makagat ka

"Bastos mo ma!"

Charot lang bakla! Mag-iingat ka, love you bakla. Alam kong maraming papabels na naging zombie pero wag magpapakagat sakanila ha!? Haha sige na anak. Ingat ka

"Ingat ka rin ma, lab you too, bye" saka ko in-end ang tawag.

Napatingin ako sa dalawa na nag-aayos ng kanilang buhok.

Tinawagan ko sina sab, carl at pat pero ni isa sakanila ay walang sumasagot.

"Kamusta na kaya sina sab, pat at carl?" Tanong ko sakanila. Napahinto naman sila sa ginagawa nila, napasimangot silang dalawa dahil sa tanong ko. Ayy chaka nila sumimangot! Charr haha.

"Buhay pa kaya sila?"

"Oo yan! Tiwala lang bakla" sagot ni kaye.

Napabuntong hinga nalang ako. Sabagay masasamang damo naman ang mga iyon.

Zombie Apocalypse: Never Die AloneWhere stories live. Discover now