Bianca's P.O.V
Time check: 6:04
Papunta kami ngayon sa eskwelahan, nasa likod ako ng sasakyan habang si papa ay nasa driver seat. Si papa ay isang teacher sa isang pinakasikat na eskwelahan dito saamin ang St. Jude Academy. Habang ako ay nag-aaral sa isang pampublikong paaralan dito rin saamin.
Pinipilit ako ni papa na mag-aral sa St. Claire Academy pero tumanggi ako kasi ayokong ma-isyu dun. Yung ma-isyu tulad ng... Kunwari kapag ako naging top 1 siguro sasabihin nila na kaya lang naman ako nag-rank 1 kasi anak ako ng teacher. Yung ganon, kaya mas pinili kong mag-aral sa Gandako National High School.
Habang nasa biyahe kami ay nilibang ko ang aking nilagay ko ang earphones saaking taenga (alangan namang sa ilong? Chaaar!!) mga 20-30 minutes kasi ang biyahe kaya kailangan naming gumising ng maaga para hindi kami malate. Ang hagard noh!? Haha
Mas gusto kasi nila mama at papa na manirahan malayo sa city at sa maraming tao, mas gusto kasi nila sa tahimik na lugar.
Beeeeeeeeeeeeeeeeeeep!
Biglang huminto yung sasakyan at nakita kong palabas ng sasakyan si papa.
"Pa, anong nangyari?" Tanong ko kay papa.
"May nasagasaan akong aso, anak" sagot naman ni papa bago lumabas ng kotse.
Tinanggal ko yung earphones ko at lumabas na rin ng kotse, nakita ang isang aso na nakahandusay sa kalsada at duguan.
"Anong gagawin natin sa aso, pa?" Nag-alalang tanong ko. Buti nalang at wala pang sasakyang dumadaan.
"Itabi nalang muna natin diyan sa gilid. Halika tulungan mo ako dito."
Tinulungan ko si papa na buhatin yung aso at itinabi sa gilid ng kalsada. Pagkatapos ay pumasok na kami sa loob ng sasakyan.
Agad kong kinuha yung wipes at alcohol sa loob ng aking bag. Pinunasan ko yung kamay ko ng wipes tsaka nagpahid ako ng alcohol.
"Pa, ito punasan mo kamay mo" sabi ko, sabay abot ng wipes anmt nung alcohol. Agad naman niya iyon kinuha.
"Thanks, kinabahan ako dun ah!" Sabi ni papa, "hindi ko napansin yung papatawid na aso kanina, bigla na lang tumawid. Kaya yun nasagasaan ko" medyo kabadong sabi ni papa
"Pa, hindi naman siguro tayo makukulong noh?"
"Hindi naman siguro, wala rin sigurong nagmamay-ari dun" sagot ni papa
Nang makarating kami sa labas ng eskwelahan ay nagpaalam na ako kay papa at lumabas na ako ng sasakyan.
*********
Third Person P.O.VAng asong nabundol kanina ay biglang dumilat ang mga mata nito. May napadaan namang kotse, huminto naman ito sa tabi ng nakahigang aso. Lumabas ang driver at nilapitan ang aso. Akmang hahawakan sana nito ang aso ay biglang sinakmal ng aso ang kamay ng lalaki.
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" Napasigaw naman ang lalaki dahil sa sakit ng kagat ng aso. Tumakbo naman pabalik sa loob ng sasakyan ang lalaki. Mabilis niyang pinaandar ang kaniyag sasakyan.
Makalipas ang ilang minuto, nakarating ang lalaki sa hospital. Agad itong bumaba ng sasakyan at agad na pumasok nv hospital ng iika-ika.
Agad na bumagsak ang lalaki sahig, malalim ang bawat paghinga nito tila naghahabol ng hininga, putlang putla ito. Bigla namang nagsuka ng dugo. Agad na nilapitan ng mga nurse at doktor.
"T-t-t-tu-l-lungan n-n-niyo a-a-ako" bigla namang nag-collapse ang lalaki.
"Nurse! Buhatin niyo ang lalaking yan!" Sigaw ng isang doktor. Agad na binuhat ng mga nurse ang lalaki at inilagay sa stretcher.
Nang maipasok na nila sa emergency room, pero huli na ang lahat dahil patay na ito.
"Time of death 6:20 am" sabi ng doktor.
Nagtaka ang lahat dahil hindi naman ganon kalala ang kagat ng aso.
Pero mas nagulat ang lahat dahil biglang bumangon ang bangkay ng lalaki at biglang kinagat ang leeg ng isang nurse.
*********
May isang lalaki ang nagjo-jogging nang napansin niya ang isang aso na iika-ika kung maglakad. Agad niya naman itong nilapitan, napatingin naman ang aso sa lalaki. Tumakbo ang aso sa direksiyon ng lalaki at pinag-kakagat ang lalaki hanggang sa napahiga sa kalsada. Hindi makalaban ang lalaki dahil sa sobrang pagod sa kaka-jogging at dahil na rin sa sobrang bilis at ang lakas ng aso.
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!" Sigaw ng sigaw ang lalaki.
Nawak-wak naman ang tiyan ng lalaki at lumabas ang lamang loob nito na naging sanhi ng kaniyang kamatayan. Bigla namang tumakbo ang aso sa kagubatan.
Matapos ang ilang minuto ay biglang nagising ang bangkay ng lalaki.