Vince P.O.V
Takbo! Takbo! Takbo!
Eto ako ngayon tumatakbo papuntang CR, kasi naman kanina pa ako natatae. Andami ko kasing nakain sa canteen.
Pagkapasok ko sa CR ay agad akong pumasok sa isang cubicle. Binaba ko agad ang mga suot ko pambaba.
*brooooooooot* *broooooot* *brooooooot* *brooooooot*
*brooot*Ahhhhh! Sa wakas nailabas ko rin!
Pagtapos kong maghugas, magpunas, mag-alcoho,magpabango at kung ano pang ka-artehan ang ginawa ko.
Pagkalabas ko ng CR ay nagulat ako sa mga nakikita ko ngayon. Maraming tumatakbo habang nagsisigaw. Ano bang meron? May artista ba?
Nakita ko si dainiel kaklase ko isang pwd, iika-ika kasi kung maglakad. Pero sa nakikita ko ngayon, parang hindi pwd dahil ang bilis niyang tumakbo! Taray naman adrenaline nito!!
"HOY! DAINIEL!" sigaw ko sa pangalan niya. Napatingin naman siya saakin at pumunta sa kinatatayuan ko.
"Anong meron!?" Tanong ko sakanya ng makalapit siya saakin.
"H-hindi ko alam!" Muntikan naman akong mahimatay dahil sa naamoy kong hangin mula sa bunganga niyo.
"Hanong hindi mo halam!? Eh bat ka tumatakbo!?" Tanong ko habang may hangin na lumalabas sa aking bibig.
"Nakita ko kasi silang nagsisitakbuhan kaya nakitakbo na rin ako!" Hindi ko na kinaya, kaya napatakip na ako ng ilong. Wala bang toothbrush si koyang!?
Napatingin naman ako sa paligid lahat sila tumatak o habang nagsisigaw. Pero ang nakaagaw ng pansin ko ay si manong guard kinagat ang leeg ng isa sa nga teacher dito.
Tumigin naman ako sa kabila, yung isa kinagat yung leeg ng lalaking tumatakbo. Halah! Uso ba kagatan ngayon!?
"TUMAKBO KA NA!" Sigaw saakin ni dainiel saka kumaripas ng takbo.
Napasigaw naman ako ng may biglang sinuggaban si dainiel ng lalaking duguan.
"AHHHHHHHHHHHHHH! TULOOOOOOOOOOONG! TULUNGAN NIYO KOOOOOOOOOO! AHHHHHHHHHH!" Pagsaklolo niya
Tutulungan ko sana siya pero mas nangibabaw ang aking takot kaya napatakbo nalang ako.
"SORRY DAINIEL! REST IN PEACE NALANG SAYO!" Sigaw ko habang tumatakbo.
Napasigaw ako ng may makita akong nakatayo sa harap ko.
Hala si crush #3. Nagkalat ang dugo sakanyang uniform at sa kanyang mukha. Akmang kakagatin niya sana ako, pero agad ko siyang hinampas gamit ang hawak hawak kong dustpan na nasa gilid ko lang."Sorry crush! Pero hindi pa ako ready magpakagat sayo!" Saad ko habang pinaghahampas ko siya hangang sa matumba, kaya ginamit ko na ng chance na yun para tumakbo.
Nang makalayo na ako sa ground ay nakita ko si Bianca na nakatayo, nakatunganga na parang naiiyak. Chaka talaga nitong kaibigan ko.
"HOY! BAKLA! ANO PANG TINATAYO-TAYO MO DIYAN!? TARA NA! TAKBO!!" Sigaw ko dito nang makalapit ako sakanya. Pero tong ate gurl di parin tumatakbo, halah! Balak ba nito magpakagat sa mga impaktong yon!?
Hinila ko ang kaliwang kamay nito saka tumakbo. Medyo may pagka-shunga paman din tong babaeng to.
Chaka na nga medyo shunga pa. Char! Sama kong kaibigan"SO ANO! BALAK MO BANG MAGPAKAGAT SA MGA PAPABELS NA KUMAKAGAT! NAKU! GIRL WAG NGAYON! WALA TAYO SA TAMANG PANAHON AT ORAS PARA GAWIN YON!"
Takbo lang kami ng takbo, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Umakyat kami ng second floor at nakita namin sina kaye at erlyn. Nakatayo lang sila, ano bang balak nila sa buhay?
"HOY! MGA BAKLA! ANONG BALAK NIYO SA BUHAY! TATAYO NA LANG BA KAYO DIYAN!?" Sigaw ko habang tumatakbo
Nang makalapit kami sakanilang kinakatayuan ay hinila ko ang kamay ni kaye, hinawakan rin naman ni kaye ang kamay ni erlyn at sabay-sabay kaming tumakbo
"Dito tayo!" Sabi ni bianca sa may bakanteng classroom.
Pumasok kami at sinara namin ng mabuti ang pintuan para walang makapasok na impakto dito.
Sabay-sabay kaming napa-upo sa sahig. Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa pagod, juice colored!