Chapter 13

7 0 0
                                    

Vince P.O.V

Kanina pa kami naka-upo dito sa kinauupuan namin. At rinig na rinig parin namin dito sa taas ang mga ungol ng mga impakto't impakta sa baba.

Kinuha ang aking phone mula sa aking bulsa. Binuksan ko ang ilaw nito para matignan ang loob ng kinaroroonan namin.

May nakita akong switch box malapit sa kinaroroonan namin, tatayo sana ako ng biglang hinila ni bianca ang aking damit.

"S-san *hik* ka pupunta?" Humihikbing tanong ni bianca.

"M-may titignan lang ako" saad saka tumayo at pumunta sa may switch box.

Pagkapindot ko sa switch box ay lumiwanag ang buong paligid.

Napapikit ako dahil sa sobrang liwanag ng kapaligiran. Nang maka-adjust ang aking mga mapupungay na mata (charot!) ay inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid.

Nagulat ako sa aking nakita, may mga sofa, dalang naglalakihang kama, king size kumbaga. Meron ring flatscreen na tv, mini refrigerator, cabinet at lamesahan na may apat na upuan. May nakita run akong dalawang pintuan sa tabi ng mini refrigerator.

Nakita ko si bianca na patayo na sa kanyang kina-uupuan.

"Anong klaseng silid to?" Tanong ni bianca nang makatayo na rin siya sa kanyang kina-uupuan.

"H-hindi ko rin alam" utal kong sagot.

Kung titignan mo sa baba parang normal lang itong butas pero kapag pumasok ka ay parang isang maliit na bahay.

Nilapitan ko ang isang pintuan at binuksan, isa itong cr. Binuksan ko rin ang isang pintuan, medyo ma kadiliman ito kaya kinuha ko ang aking phone para magsilbing liwanag.

Nang mailawan ito ay nakita ko ang isang hagdanan pababa. Bababa sana ako ng may naramdaman akong may humawak sa aking kaliwang kamay.

"Hoy! Bakla! San ka pupunta?" Tanong saakin ni bianca

"Titignan ko lang kung anong meron dito!" Saad ko

"Shunga ka ba!? Baka mamaya mga zombie na pala ang naka-abang sayo diyan!" Wika niya

"Hala! Oo nga bat di ko naisip yun!?" Takhang tanong ko

"Wala ka kasing utak!" Pang-aasar ni bianca

"Ay taray! Nagsalita ang bobo!" Pabalik kong asar.

"Taray! Sino kaya nasabihan saating dalawa ng bobo ni sir allan!?" Tanong nito

Naalala ko tuloy yung pangyayaring yun.

Flashback

Ang boring naman magturo nitong teacher na to. Juice ko ha! Tinignan ko ang mga kaklase ko na inaantok. Kinuha ko ang aking phone sa aking bag.

Ini-scan ko yung mga pictures ng mga crush ko na naka-save sa aking phone. Pangiti-ngiti ako habang tinitignan ang mga ito. Juice colored! Kay ga-gwapo! *_*

"Hoy! Bianca tignan mo tong mga to! Gwapo no!?" Bulong ko kay bianca na inaantok na rin. Pinakita ko sakanya yung picture ni crush #101.

"Hmmmmm" tumango na lang si bianca.

"MR. TAN! Please stand." Tawag saakin ni madam Solomon. Napatingin lahat saakun ang mga kaklase ko. Tumayo naman agad ako.

"Who is the father of sociology? And explain what is sociology." Nagulat naman ako sa biglaang tanong ni madam, juice ko hindi ko alam isasagot kaya tumingin ako kay bianca para humingi ng tulong. Pero hindi niya rin alam.

"10

9

8

7

6

5

4

3

Hala hindi ko alam, hindi kasi talaga ako nakikinig kanina.

2

1" natapos na ang pagbibilang ni madam kaya mas lalo akong kinabahan.

"Miss Lim!" Tawag niya kay bianca. Napatayo agad si bianca at halata rin na kinakabahan ito.

"Answer!" Sabi nito kay bianca. Hindi makasagot si bianca, kay nagsimula ulit magbilang si madam.

"10

9

8

7

6

5

4

Napatingin saakin si bianca.

3

2

1, times up!. Napakasimpleng tanong di niyo masagot! Mga bobo! Mga walang alam! Labas!" Bulyaw saamin ni madam kaya tumakbo kami palabas.

End of flashback

"Pareho kaya tayong nasabihan non! Wag ka nga!" Wika ko, binuksan ni bianca ang mini refrigerator. Lumapit ako sa may cabinet at binuksan ang itaas nito. Puno ito ng mga box, kinuha ko ang isang box. Binasa ko ang nakasulat sa may box. "TRUST" ano to. Binuksan naman agad ito, nagulat ako sa aking nakita. Puno ito ng mga condom tinignan ko ang ibang mga box at ganoon din puro condom ang laman.

"Hoy bianca! Tignan mo to!" Natatawa kong saad.

"Hayop ka! Kung ano-ano pinapakialaman mo! Balik mo nga yan!" Sabi nito habang umiinom ng tubig na galing sa may ref.

"Siguro dito gumagawa ng kababalaghan ang mga taga-science section. Char!" saad ko saka lumapit sa may ref. at kumuha ng makakain.

"Halata naman eh, tsaka di naman ganon katalino yung mga nasa science section. Binabayaran lang naman nila yung mga teachers" saad ni bianca

"Paano mo naman nasabi yan?" Tanong ko

"Sinabi ng pinsan ko" tugon nito.

Umupo ako sa sofa at nagsimula ng kumain. Tahimik lang kaming kumakain, tanging maririnig mo lang ay ang mga ingay ng mga impakto sa baba.

"Kung nakita lang pala sana natin to ng maaga, sana buhay pa si kaye, no?" Pambabasag ni bianca sa katahimikan. Napatingin naman ako kay bianca na nakatingin saakin.

"Sana nga" maikli kung tugon saka kumain ulit.

Zombie Apocalypse: Never Die AloneWhere stories live. Discover now