Chapter 12

7 1 0
                                    

Vince P.O.V

Hahahahahahaha

Kanina pa kami tawa ng tawa. Animo'y walang mga zombies na nagkalat sa labas.

"Tapos si sir-ahahah si s- ahahahaha sir panot ahaha ano-hahahaha"

"S-s-sinong s-sir? Ahahaha!? Tanong ni bianca na nakikitawa na rin.

"Si si-" napahinto sa pagsasalita si kaye dahil may narinig kaming kalabog sa may pintuan

"Lagot!" Napatayo kaming lahat at lumapit sa may pintuan.

"Yung mga upuan! Kunin niyo!" Utos saamin ni kaye, agad naming hinila ang ibang upuan saka iniharang sa may pintuan.

"Saan na tayo niyan!?" Tanong ko

Napatingin kami sa buong silid, may napansin akong butas na pa-square sa may kisame.

"Doon tayo!" Sabi ko sabay turo sa may kisame. Hinila ko teacher's table sa may tapat ng butas.

"Pa-abot nung isang chair!" Utos ko kay bianca, kinuha niya agad yung chair saka inabot saakin. Ipinatong ko yung chair sa may teachers table.

Agad akong umakyat sa may upuan at pumasok sa may butas. Pero agad rin akong bumaba dahil medyo madilim.

"Mga bakla! Akyat na! Dali!" Umakyat naman si bianca

"Bakla, di ko abot" oo nga pala pinagkaitan pala sila ng height.

"Ano ba yan! Bumaba ka nga diyan!" Utos ko, bumaba si bianca.

"Dalian niyo oyy!! Nasisira na yung pintuan!" Sigaw saamin ni kaye.

Agad akong umakyat at pumasok sa may butas.

"Dalian mo na bianca!" Sabi ko sabay abot ko ng aking kamay sakanya.

Inaabot niya naman ang kamay ko saka ko siya hinila pataas.

Juice colored! Ang bigat ni ateng girl! Nahirapan ako sa paghila kay bianca dahil sa kabigatan niya.

"Hayop ka! Ang bigat mo! Ano ka gasul!?"

Nang mai-akyat ko na siya ay may narinig kaming parang nasirang pintuan.

Sumilip ako sa baba, nakita kong unti-unti nang nakakapasok ang mga impaktong zombies.

"KAYE! HALIKA KA NA!" sigaw ko, pero si kaye ay nanatiling nakatayo sa baba.

"HOY! KAYE!" tawag ko sakanya. Kasabay ng pagtawag ko kay kaye ay kasabay rin non ang pagkasira ng pintuan

"KAAAAAYE! DALIAN MO!!" sigaw ni bianca

Agad na tumakbo at umakyat si kaye, ini-abot namin ni bianca ang kamay namin. Agad rin namang inabot ni kaye ang kamay namin.

Habang hinihila namin si kaye ay may biglang humawak sa kanyang paa. Kaya napa-sigaw kaming tatlo.

Nang mai-akyat namin bahagya si kaye ay bigla siyang nahila pababa dahil mas dumami pa ang humihila sa paa ni kaye. Kaya mas lalo kaming nahirapan sa pag-akyat sakanya.

"Ughh! Pa-tag of war ang ganitong eksena!" Sabi ni kaye habang hinila parin namin siya.

"Hayop ka! May oras ka pang magbiro sa bingit ng iyong kamatayan!" Wika ni bianca na hirap na hirap na rin sa paghila.

"Ahhhhhhhhhh!" Napasigaw si kaye "mga bakla! Nakagat ata ako!" Sabi niya saamin

Bahagya akong tumayo para mai-angat pa namin si kaye nang kaunti. Buti nalang at semento tong inaapakan namin dahil kung hindi baka kanina pa kami bumagsak sa sahig.

Ganon rin ang ginawa ni bianca, pero hindi parin sapat ang ginawa namin para mai-angat si kaye.

"Mga b-bakla! A-alam kung nahihirapan na kayo. K-kaya b-bitawan niyo na a-ako" mahinang sambit ni kaye. Lumuwag naman ang pagkahawak niya sa kamay namin. Kaya mas hinigpitan pa namin ang paghawak sa kamay niya.

"Hindi! Hindi! Hindi namin gagawin yun!" Naiiyak na ako habang sinasabi ko yun.

"Sige na please, ayokong nahihirapan kayo" naiiyak na rin si kaye.

"Kaye, please kumapit ka!" Naiyak nang tuluyan si bianca pero mahigpit parin ang paghawak sa kamay ni kaye.

"Masyado atang mahaba ang aking hair para pag-agawan niyo ko" naiiyak na natatawang wika ni kaye, hinila namin si kaye sa buong makakaya namin hindi parin namin kaya, dahil mas malakas ang humihila sakanya sa baba.

Napa-ubo ng dugo si kaye na ikina-gulat namin. Hirap na hirap na ako pero patuloy parin kami sa paghila sakanya.

"S-sige na mga bakla, p-pagbigyan niyo na yung n-nasa baba. Tandaan niyo to, W-wag niyong sisihin sarili niyo kapag namatay ako. Ginusto ko to, dahil tinatawag na ako ni mama.
Ingatan niyo sarili niyo. At huwag na kayong umiyak, chaka niyo eh" patuloy parin kami sa paghila. Iyak kami ng iyak habang hinihila namin siya.

"Ahhhhhhhhhh" napasigaw si kaye nang tuluyan na namin siyang nai-akyat.

"Ahh! Thanks god!" Sabay kaming napahiga sa semento ni bianca nang mai-angat na namin si kaye.

"Sabi sayo kaye eh! Tiwala lang! Ok kalang ba?" Hingal na tanong ni bianca

Pero wala kaming narinig na sagot mula kay kaye. Sabay kaming napatingin kay kaye.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ahhhhhhhhhhhhhh!

Napasigaw kami ni bianca dahil sa nakita namin, kalahating katawan lang ang niya lang ang tanging meron.

Mas natakot ako dahil parang ang sama ng tingin saakin ni kaye. Parang yung nasa the grudge

"S-s-sorry ni kaye!" Napaiyak kami ni bianca dahil sa nakita namin, pero mas nangingibabaw ang takot saakin dahil hanggang ngayon ay nakatitig parin ang mga mata ni kaye saakin.

Inihulog namin ang kalahating katawan ni kaye sa baba. Pero bago inihulog ay dinasalan muna namin siya.

"I'm so sorry, kaye" iyak kami ng iyak ni bianca dahil sa nangyari.

"Goodbye kaye"
.
.
.
.
.
.
Rest in peace Kaye

Zombie Apocalypse: Never Die AloneWhere stories live. Discover now