Vince P.O.V
Wala kaming dalang kahit na anong armas kaya nagdadalawang isip kami kung tutuloy pa ba kami. Pero sa huli ay napagdesisyonan namin na umalis nalang kaysa sa manatili rito.
Nag-aayos na kami ngayon ng mga gamit na dadalhin palabas ng silid na to. Kinuha namin ang mga tubig at pagkain na nakalagay sa mini ref. Nagtira kami ng kaunti dahil baka may mapadpad rin dito na survivors.
Nang makapag-ayos kami ay binuksan na namin ang pintuan at tumakbo kami pababa.
Sinilip muna namin ang labas kung wala bang mga zombies sa labas. Nang wala kaming makitang mga zombies ay tumakbo na kami palabas.
Hindi namin alam kung saan kami pupunta basta ang importante ay makalabas na kami sa school na to.
Habang hinahatak namin ang daan ay may nakikita akong mga nagkalat na mga dugo sa paligid, marami ring mga putol na paa at kamay kaming nakita, may mga lamang loob rin na nagkalat, medyo nangangamoy na rin ang paligid amoy patay na daga na ano. Gusto ko masuka dahil sa nakikita at naamoy ko pero wala ako sa oras para mag-inarte.
May nakasalubong kaming tatlong zombies kaya nagtago kami sa may sa basurahan, tiniis namin ang amoy ng basurahan. Nang makaalis ang mga zombies ay lumabas kami at ipinagpatuloy ang pagtakbo.
Malapit na kami sa may library ng may makasalubong kaming isang zombie. Inihampas ko ang aking bag ng matumba ito ay pinagsisipa namin hanggang sa mamatay. May mga zombies na papalapit saamin ka napatakbo kami.
"Tara na!" Wika ni bianca.
Tumakbo kami papasok sa library at agad itong isinara ng mabuti. Iniharang namin ang mga bagay na pwedeng iharang para hindi makapasok ang mga zombies.
Naririnig namin ngayon ang mga kalampog na nangagaling sa labas ng pinto.
"V-vince, may mga zombies" sabi ni bianca. Tumingin ako sa tinitigan niya at laking gulat ko ng makitang marami sila siguro nasa sampo pataas ang mga ito
Tumingin sila sa direksyon namin, unti-unti silang lumapit saamin. Ni isa saaming dalawa ay walang hawak na armas kaya labis nalang ang kaba namin.
Tumingin kami sa aming paligid may nakita akong apat na arnis sa tabi ng librarian table. Agad kong kinuha ang dalawa at ibinigay kay bianca ang isa.
Nang tuluyang makalapit ang mga zombies ay pinagpapalo namin sila. Palo lang kami palo pero ni isa sakanila ay hindi natutumba.
Kakagatin na sana ako ng isa sa mga zombie pero bigla itong natumba sa aking harapan. Nakita ko ang isang lalaki na may hawak na isang baril. Shocks! Teh! Ang pogi ni koyang! Ulalam!
Patuloy lang ito sa pagbaril sa mga zombies, may lumabas na isang babae na may hawak ring baril sa isang pintuan , tinulungan niya ang lalaking tumulong saakin kanina hanggang sa maubos ang mga zombies.
"Salamat sa pagligtas niyo saamin" pasasalamat ni bianca sa dalawang taong tumulong saamin.
"Walang ano man," saad sabay ngiti "ako nga pala si Joseph" pakilala niya sakanyang saril.
"Tapos eto naman si cheska, girlfriend ko" pakilala niya sa kasama niyang babae. Ano ba yan! Akala ko ba naman oras ko na para magka-lovelife pero hindi pa pala
"Nice to meet you" wika nito.
"Nice to meet you too, ako nga pala si bianca tapos eto naman si vince, kaibigan ko" pakilala niya sa kanyang sarili at saakin.
Ngumiti ako ng sapilitan sa kanilang dalawa ng mapatingin sila saakin. Sundutin ko kaya mata niyo! Charot! Haha
"Hi!" Bati ko sa kanila.
Napa-upo kaming apat sa malamig na sahig ng library na to dahil sa pagod.
![](https://img.wattpad.com/cover/128718059-288-k713653.jpg)