Happy's POV
Dalawang buwan na ang nakakalipas at sa mga nakalipas na buwan na iyon ay wala ng paramdam sa akin si Alvin.
Nagkikita kami sa school pero Di naman niya ako pinapansin at ang lagi niyang kasama ay si Orange.
Masakit? Oo, masakit makitang magkasama sila pero ano nga bang magagawa ko? Yun ang sa tingin ko'y makakapagpapasaya sa kanya.
At isa pa ay Di rin naman niya ako mahal. Tingin ko'y tama ang desisyon ko.
Kulang na nga lang ay ang maghiwalay na talaga kami eh. Di na kasi kami nagkakausap pero mukhang wala na nga talaga kami. Kulang nalang ay ang mga salitang 'break na kami'.
Lumalala na rin ang sakit ko, yun ang sabi ng doctor. Di ako pumasok ngayon sa school dahil nagpacheck up kami at tulad nga ng inaasahan ko ay masamang balita ang ibabalita sa amin.
Paano nga bang hindi? Eh Di ko na nga naaalagaan ang sarili ko. Tuwing may pagkakataon ay iiyak ng iiyak hanggang sa mapagod. Pagkatapos ay magpapahinga, after mamahinga ay iiyak ulit.
Masakit nga talaga ang magmahal. Masakit ang pumasok sa relasyon na one-sided love lang ang meron.
Pakiramdam ko ay kaunting oras nalang ang meron ako sa mundong ito. Kaunti nalang at mamamahinga na ako ng tuluyan.
Napangiti ako dahil sa isipin na 'yon. Kaunti nalang, Happy. Kaunting tiis nalang.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at saka naglakad-lakad. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin para naman maibsan ang bigat na nararamdaman ko.
Lumabas ako ng bahay at papunta na sana sa garden namin nang may makita akong tao sa labas ng gate namin.
Ngumiti siya sakin nang magtagpo ang aming mga mata.
Ang makita siya rito ay lalong nagpabigat sa nararamdaman ko.
Huminga ako ng malalim at mabibigat ang paa na naglakad papunta sa gate. Ayoko sana siyang harapin pero masyado namang rude kung gagawin ko 'yon. Di rin naman niya alam na sinasaktan niya ako.
Ngumiti ako sa kanya nang mapagbuksan ko siya ng gate. Yung ngiting matamis na Di mo akalaing may bigat palang dinadamdam.
"Anong ginagawa mo dito?" Nakangiti pa ring tanong ko sa kanya kaya naman ay ngumiti din siya lalo.
Ang ganda niya tuwing ngumingiti kung kaya't Di ko masisisi si Alvin kung bakit niya minahal ang babaeng nasa harapan ko ngayon. She have beauty with a heart.
Yeah, right. Orange is here. At ang makita siya sa harapan ko ay lalong nakapang-liliit sa akin. Pakiramdam ko ay wala talaga akong panama sa babaeng kaharap ko ngayon lalo na kung puso ni Alvin ang pag-uusapan.
"Pwede ba kitang makausap?"
Tumango naman ako at inaya siyang pumunta sa garden namin. Nang makarating kami sa garden ay agad ko siyang pinaupo sa bench roon na katapat ang mga naggagandahang mga bulaklak.
Tumikhim ako at bumaling sa kanya nang makaupo na kaming pareho.
"You want some drink or anything?"
Umiling naman siya at ngumiti sakin.
"No need. Di rin naman ako magtatagal rito. Gusto lang talaga kitang makausap"
Tumango nalang ako at bumaling sa mga halamang nasa harapan namin. Lumunok ako ng dalawang beses para lang may mailabas na salita mula sa aking lalamunan. Pakiramdam ko kasi ay may nakabara roon.
"Anong pag-uusapan natin?"
Tumingin din siya sa harap at tipid na ngumiti.
"When I was young my parents doesn't like me. Ang tingin nila sakin ay isang walang kuwentang anak. Ginagawa ko naman lahat ng inuutos nila sakin pero Di pa rin ako enough para sa kanila" kinagat niya ang pang-ibabang labi at kita ko ang pangingilid ng kanyang mga luha. "Ginawa ko ang lahat lahat pero wala pa rin talaga. Hanggang sa makilala ko si Alvin" nang banggitin niya ang pangalan ni Alvin ay may kirot akong naramdaman sa aking puso at kinabahan ako. Di ko alam kung bakit ako kinakabahan.
"Naging kaibigan ko siya hanggang sa magtapat siya sakin na may gusto siya sakin. Parehas kami ng nararamdaman kaya naman ay sobrang saya ko hanggang sa naging kami na. Lihim ang relasyon namin sa parents ko dahil natatakot ako na baka ilayo nila ako kay Alvin" huminga siya ng malalim at kalaunan ay tumulo na rin ang kanyang mga luha. "Pero wala nga talagang sikretong Di nalalaman dahil makalipas lang ang ilang buwan ay nalaman din agad ng parents ko. Nagalit sila sakin dahil doon. Sinabi nila na walang maitutulong ang pakikipagrelasyon ko sa pag-aaral ko" ngumiti siya ng mapait. "Kung anu-anong mga masasakit na salita pa ang sinabi nila sakin na pilit kong inintindi dahil mahal ko sila. Ilang araw nila akong Di pinansin noon at paglipas non ay pinansin din nila ako. Sinabi nila na sa US na ako mag-aaral. Doon na kami titira. Nung una ay ayaw ko dahil ayokong maiwang nag-iisa si Alvin pero naisip ko rin na baka iyon na ang maging daan para magkaayos na kami ng parents ko. Na baka mahalin nila ako... Kaya ginawa ko ang sa tingin ko ay tama. Nakipaghiwalay ako kay Alvin at iniwan siya. Sobrang sakit non para sakin at lalo na tuwing naiisip kong higit na mas nasaktan si Alvin dahil nangako ako sa kanya na Di ko siya iiwan" humagulgol na siya kaya naman ay hinimas ko ang kanyang likod. "K-kaya ngayon na ayos na kami ng parents ko at nakapalik na ako ay.. " lumingon siya sakin at bahagyang ngumiti. Agad akong kinabahan sa Di ko maipaliwanag na dahilan. "... Gusto kong ayusin ang lahat. Gusto kong gawin ang mga ipinangako ko"
Natigilan ako ng sabihin niya 'yon. Dahil malakas ang kutob ko na may kakaiba sa mga sinabi niya. Para bang masasaktan ako dahil doon.
Pasimple akong lumunok at hinintay ang sunod niyang sasabihin.
"Happy, puwede ba akong humiling sayo?"
Lalo akong kinabahan sa tanong niya at para bang may nagbabara sa aking lalamunan na parang ayaw sagutin ang tanong niya. Lumunok akong muli upang makapagsalita.
"A-ano yon?" Pinilit kong ayusin ang aking boses pero Di pa rin kaya. Nautal pa rin ako.
Ngumiti siya sakin at hinawakan ako sa aking mga kamay.
"Sobra akong nagpapasalamat na inalagaan at minahal mo si Alvin. Salamat dahil nandyan ka para sa kanya pero sa pagkakataong ito ay nais kong ako na ang magpatuloy non" agad na nangilid ang mga luha ko sa sinabi niya. Mukhang tama ang aking nasa isip. "Pakiusap. Hayaan mo sana akong alagaan at mahalin si Alvin. Ibalik mo na siya sakin"
Nang sabihin niya iyon ay para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Di ako makagalaw at unti-unti ring nababasag ang aking puso. Sobrang sakit ng aking nararamdaman. Napakasakit.
"Maaari ba?" Puno ng pag-asa ang kanyang mga mata nang itanong niya sakin 'yon.
Kung si Alvin siguro ang tatanungin ay gugustuhin niyang makasama si Orange. Di man sabihin ni Alvin ay alam kong iyon ang kanyang nais.
Masakit lang para sakin pero kung iyon ang ikakasaya ni Alvin ay handa akong gawin 'yon.
I can sacrifice my own happiness for him.
At sa mga isiping 'yon ay sana tama ang aking naging desisyon. Sana...
BINABASA MO ANG
Pretender (COMPLETED)
Teen FictionKaya kong magkunwari na hindi ako nasasaktan kahit na ang puso ko ay durog na durog na... kaya kong ipakita na masaya ako kahit na sobrang sakit na! kaya kitang pasayahin kahit na ang kapalit nito ay dobleng sakit na mararamdaman ko... mahal kita at...