Chapter 2

731 22 0
                                    

Happy's POV

Sa loob ng isang linggo ay pinilit ko ang sarili kong maging masaya. Tinupad din naman ni Alvin ang sinabi niyang susunduin niya ako sa bahay para pumasok. Sabay din kaming magrecess ang kung anu-ano pa.

Ginagawa namin yung mga normal na ginagawa ng mga taong nasa isang relasyon at iyon ang labis na ikinatuwa ko kahit na alam kong si Orange pa rin ang mahal niya.

Di ko malimutan ang sinabi niya sa rooftop nung araw na 'yon. Na walang nagbago sa nararamdaman niya para kay Orange. Di ko rin naman siya masisi dahil first love niya 'yon at saksi ako sa labis na pagmamahal niya para kay Orange.

Nakakainggit nga dahil kay Orange niya ginawa ang mga bagay na 'yon. Naalala ko noon na iniimagine kong ako si Orange para naman hindi ganun kasakit na makita silang magkasama.

At ngayon ay mas lalo akong naiinggit kay Orange dahil kahit na ako ang nasa tabi ni Alvin ay alam kong si Orange pa rin talaga ang hinahanap niya. Para akong Di makahinga sa sobrang sakit.

Naalala ko kaninang umaga ay iba na ang ugali ni Alvin. Bumalik siya sa dati niyang ugali at mas lumala pa.

"Babe!" Agaw ko sa atensyon niya pero Di naman niya ako nilingon. Ano bang nangyayari sa lalaking 'to? Kahapon lang ay ang saya-saya niya kasama ako pero ngayon ay nanlalamig na siya sakin. "M-may problema ba?" Tanong ko sa kanya dahilan para lingunin niya ako ay malalamig ang matang tumingin siya sakin. Nasasaktan ako sa pakikitungo niya ngayon sakin. Bakit ganito siya?

"Nah" maiksi niyang sabi saka bumaling ulit sa phone niya. Napahinga nalang ako ng malalim at pilit na ngumiti ng matamis.

"Ano 'yang ginagawa mo?" Nakangiting tanong ko sa kanya at pilit na sumisilip sa phone niya pero inilalayo naman niya sakin.

"Happy!" Saway niya sakin pero nginitian ko lang siya ng matamis at magsasalita na sana nang unahan niya ako. "Huwag kang makulit, Happy. Nakakainis ka na!"

Dahil sa sigaw niyang 'yon ay itinikom ko nalang ang bibig ko at ngumiti ulit sa kanya na kung saan ay nagmumukha akong masaya kahit na sa loob ko'y namimilipit na ako sa sakit. Ngayon niya lang ako sinigawan. Ngayon lang.

"And don't call me 'babe'. Okay? From now on, don't call me 'babe'" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay iniwan niya na lamang akong nakatulala habang nakangiti pa rin at nang mawala na siya sa paningin ko ay saka naman tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Umpisa na ba ito ng pagkawala ng sayang nararamdaman ko?

Pakiramdam ko'y unti-unti akong nawawalan ng buhay dahil sa sakit.

Pagkaraan ng pangyayaring 'yon ay umuwi na lamang ako at nagmukmok sa kwarto ko.

Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. Ayaw niyang tawagin ko siyang 'babe' na parang ang pinupunto sakin ay tapos na ang relasyon namin. Alam kong parang ang oa ko pero Di ko lang talaga maintindihan kung bakit ganun na lamang ang sinabi niya sakin. Gusto kong maliwanagan.

Pagdating ng sabado ay kaarawan ko na. Sobrang saya ko dahil sabi sakin nila Mommy ay magcecelebrate kami pero nagpaalam na muna ako dahil gusto kong kausapin at bisitahin si Alvin. Ilang araw na kasi siyang Di pumapasok kaya naman ay gusto ko siyang bisitahin. Gusto kong alamin kung may problema ba siya o wala.

Pagkarating ko sa bahay nila ay agad akong pinapasok ng guard kaya naman ay nakangiti akong nagpasalamat sa kanya at masayang pumasok sa loob. Nang makapasok na ako ay nakita ko si Manang Mel na naglilinis sa salas kaya naman ay dali-dali ko siyang niyakap mula sa likod.

Pretender (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon