Chapter 5

708 26 0
                                    

Happy's POV

Sobrang sakit!

Humihina na nga yung katawan ko, sumasabay pa yung sakit na nararamdaman ko.

Sana pwede ko nalang ibulong sa hangin yung sakit na nararamdaman ko para ihipin nalang niya ito palayo sa akin...

Tungkol naman don sa hiling ni Orange ay nagparaya na ako. Sinabi ko sa kanya na lalayo nalang ako at mawawala ng parang bula. Tutal kaunti nalang naman ang panahon ko para mabuhay. Humihina na rin kasi ang katawan ko. Nararamdaman ko iyon.

Ilang araw na akong Di nagpaparamdam sa kanila na sobrang nakakapagpasakit sakin. Sobrang miss ko na si Alvin pero wala naman akong magagawa. Ito ang desisyon ko. Gusto ko siyang sumaya sa piling ni Orange at alam kong ako ang magiging hadlang kung magpaparandam pa ako sa kanila.

Huminga nalang ako ng malalim at tumingin sa mga bituin. Ang ganda talaga ng mga bituin pero ang sabi ay may malungkot na kwentong nakatago rito.

Nariyan ang bituin araw man o gabi, umulan man o umaraw, natatakpan man ng ulap o hindi, pero kahit na ganoon ay wala pa ring nakakapansin. Di pa rin nila nararamdaman ang bituin.

At pakiramdam ko ay maihahalintulad ko ang sarili ko sa isang bituin.

Nandito lang ako para kay Alvin pero kahit na anong gawin ko ay Di niya pa rin ako maramdaman. He can't love me the way he loved Orange. At ang isipin na iyon ay labis na ikinakasakit ng puso ko. Labis na nakakapanghina sa akin.

Nakagat ko nalang ang pang-ibaba kong labi nang magsimula nanaman akong lumuha. Ganito naman talaga ang gawain ko. Ang umiyak lagi.

Huminga ako ng malalim at agad akong napaigtad nang tumunog ang phone ko. Napakunot ang noo ko nang kinuha iyon mula sa bedside table ko.

A text message from unknown number.

Binuksan ko ito at binasa ang mensahe.

From: Unknown number

Please, talk to me

Napakunot ang noo ko lalo sa nabasang mensahe. Sino ba ito?

To: Unknown number

Sorry. Wrong number ka yata.

Di nagtagal ay nagreply itong muli.

From: Unknown number

Di mo ako papansinin kung sasabihin ko sayo kung sino ako. Talk to me. Nandito ako sa park malapit sa inyo.

Huminga ako ng malalim. Ayoko sanang pumunta roon pero parang may kung anong nagtutulak sakin na siputin ang taong nagtext sakin.

Agad akong lumabas ng kwarto ko at saka lumabas ng bahay. Wala naman sigurong masama kung kausapin ko ang taong iyon, hindi ba?

Habang naglalakad ay Di ko maiwasang yakapin ang sarili ko. Sobrang lamig naman ngayon! Bakit ba kasi nakalimutan ko pa yung jacket ko?

Grr. Ang lamig talaga.

Pretender (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon