Alvin's POV
Nakangiti ako habang nakatingin sa harap. Hinihintay ko ang babaeng mahal ko. Hinihintay ko si Happy.
Tama. I love Happy.
Sa loob ng mga panahong kasama ko siya ay unti-unti nang nahuhulog ang damdamin ko sa kanya.
Naalala ko pa kung paano siya mag-alala sa akin noon. Kung paano niya ako alagaan.
Di ko man aminin pero sa mga simpleng ginagawa niya noon ay napapasaya niya ako. Di ko lang inaamin sa sarili ko na mahal ko na siya dahil ang nasa isip ko ay si Orange lang ang laman ng puso ko.
Totoo pala ang sinasabi nilang iba ang sinasabi ng puso sa isip. Iniisip ko na si Orange ang mahal ko pero iba ang tinitibok ng puso ko. Si Happy talaga ang laman nito. Ang laman ng puso ko.
Siya ang babaeng gusto kong makasama.
Ang tanga ko dahil ngayon ko lang narealize na mahal ko pala talaga siya. Kung kailan iniiwasan naman na niya ako! Aish! Ang tanga mo, Alvin!
Iniba ko pa ang number ko para lang kausapin ako ni Happy.
Yup. Iniba ko ang number ko. Di na niya kasi ako pinapansin. Pati number ko ay binlock na niya kaya Di ko na siya ma-contact at ang tanging naiisip ko nalang ay ang mag-iba ng number para makausap siya. Sawa sa ako sa pag-iwas niya sakin.
Sa tuwing bibisita ako sa kanila ay sasabihin ng kasambahay nila na wala siya roon. Sa tuwing papasok sa school ay lagi siyang nagpapahuli para Di kami magkasabay, kahit sa pag-uwi ay bigla na lang siyang aalis. Mabilis siyang nawawala sa paningin ko.
Hindi ko alam kung bakit ganoon ang ginagawa niya. May nagawa ba akong mali?
Sa mga nangyari sa yon sa mga nakalipas na araw na pag-iwas niya sakin ay sobra ang pagkagulo sa isip ko. Halos Di na ako makatulog sa kakaisip sa kanya kaya naman ay gumawa ako ng paraan para magkausap kami.
Naniniwala ako na sisiputin niya ako dito sa park. Naniniwala ako na hindi ako naghihintay sa wala.
Huminga nalang ako ng malalim dahil kinakabahan ako. Malamig din ang gabi kaya lalo akong kinabahan. Please, Happy. Nasaan ka na?
Gusto kong linawin ang lahat. Gusto kong ipaalam sa iyo kung gaano kita kamahal. Gusto kitang pangalagaan.
Agad na nagliwanag ang mukha ko nang may maaninag akong bulto ng isang babae. Baka si Happy na 'to.
"Happy!" Tawag ko pero agad ding nawala ang ngiti ko nang mapagtanto kung sino iyon. Si Orange lang pala. Akala ko si Happy na.
"Alvin"
"Uh. Ikaw pala, Orange" nginitian ko siya. "Anong ginagawa mo dito?"
"Uhm. I followed you. Gusto ko kasing malaman kung saan ka pupunta kaya ayun." Nagkibit siya ng balikat. Napatango naman ako. "So, anong ginagawa mo dito?"
Bahagya akong ngumiti sa kanya. Di ko na talaga maramdaman ang kung ano mang naramdaman ko para sa kanya noon. Iba na talaga ngayon.
Sa tuwing kasama ko siya ay si Happy ang naiiisip ko. Akala ko ay kung ano lang yon pero hanggang ngayon ay si Happy pa rin talaga ang naiiisip ko.
"I'm waiting for Happy" sabi ko sa kanya. Nakita ko ang agad na paglungkot niya.
She still have a feelings for me. I could feel it.
"You love her?" Tanong niya kaya naman ay tumango ako at ngumiti sa kanya.
"I really love her" nakangiti kong sabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/148330140-288-k412355.jpg)
BINABASA MO ANG
Pretender (COMPLETED)
Teen FictionKaya kong magkunwari na hindi ako nasasaktan kahit na ang puso ko ay durog na durog na... kaya kong ipakita na masaya ako kahit na sobrang sakit na! kaya kitang pasayahin kahit na ang kapalit nito ay dobleng sakit na mararamdaman ko... mahal kita at...