"Being with him is my happiness but seeing him with someone is painful...."
Happy's POV
Naranasan niyo na bang ma-in love? Yung tipong sobrang saya mo tuwing kapiling mo siya? Yung lagi mo siyang iniisip? Yung pakiramdam mo ay kumpleto ka sa tuwing kasama mo siya?Ganun kasi ang pakiramdam ko. Tuwing kasama mo ko si Alvin ay lagi akong nakakaramdam ng saya. Lagi akong masaya.
Simula nang pinasok ko ang relasyong ito ay dumoble ang saya ko. Saya na ngayong kami na ay ngayon ko lang naramdaman.
Naalala ko noon nung nakikita ko si Alvin na kasama si Orange. Tuwing nagdedate sila. Tuwing pumapasok sa school at kung anu-ano pa. Sobrang sakit ang nararamdaman ko noon. Pinangarap ko na sana ay ako na lamang si Orange para nafi-feel ko ang pagmamahal niya.
Hindi niya kasi ako pinapansin noon. Laging na kay Orange lang ang atensyon niya. Di ko man sabihin pero nagseselos talaga ako kay Orange. Kahit na ngayon ay nagseselos pa rin ako sa kanya dahil Di man sabihin ni Alvin ay alam kong may nararamdaman pa rin siya para kay Orange.
Napahinga nalang ako ng malalim saka ko ipinilig ang ulo ko. "Tama na, Happy. Nakakasama sayo ang sobrang pag-iisip"
Narinig kong nag-ring ang phone ko kaya naman ay pumasok ako sa kwarto ko mula sa veranda ng kwarto ko at kinuha ang phone ko sa bedside table.
Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nang mapansing si Alvin iyon ay agad akong ngumiti kahit na pilit. Saka ko sinagot ang tawag niya sa masiglang tinig.
"Hello, Babe?!" Masigla kong bati sa kanya.
[Hey, babe. Ang sigla mo ngayon, ah?] Natatawa niyang sabi kaya naman ay agad akong napangiti. Isa ito sa mga nagustuhan ko sa kanya. Ang maganda niyang pagtawa.
"Eh? Lagi naman akong masigla, ah? I told you, babe. May kasabihan ako na 'laging maging masigla upang Di malungkot'" natatawa kong sabi sa kanya at siya naman ay natawa rin.
[Oo na] natatawa niyang sabi. Gusto kong maging masigla hangga't sa aking makakaya para naman ay mas magtagal pa ako at Di niya mahalatang nararamdaman kong si Orange pa rin ang laman ng puso niya.
Ayokong makita niya akong nasasaktan dahil ayokong maguilty siya. Ayokong isa 'yon sa maging dahilan upang pilitin niya ang sarili niya sakin.
Ako lang naman ang nagpupumilit na ipasok ang sarili ko sa puso niya. Kahit na kakaunting espasyo lamang ay ayos na sakin basta ay naroon ako.
Sa higit isang taon na relasyon namin. Kahit na mga bata pa kami ay sobra na akong nahulog sa kanya. They say, it's just a puppy love but for me, it's not. Seryoso ako sa kanya. Seryoso ako sa nararamdaman ko para sa kanya.
Simula nung 16 years old ako ay alam kong siya na talaga. Pinilit ko ang sarili ko noong mahalin siya dahil nga may Orange na siya pero Di ko magawa. Laging nagpupumilit ang puso ko at dahil doon ay naalarma na ako. Di ko alam pero maaaring isa si Alvin sa maging dahilan ng panghihina ko. Sana mali ang nasa isip ko. Siya ang lakas ko at Di maaaring siya din ang maging kahinaan ko.
BINABASA MO ANG
Pretender (COMPLETED)
Novela JuvenilKaya kong magkunwari na hindi ako nasasaktan kahit na ang puso ko ay durog na durog na... kaya kong ipakita na masaya ako kahit na sobrang sakit na! kaya kitang pasayahin kahit na ang kapalit nito ay dobleng sakit na mararamdaman ko... mahal kita at...